00:00Muling nagbabala ang Land Transportation Office o LTO sa publiko upang hindi mabiktima ng mga panlulokong gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa kanilang iligal na aktibidad.
00:10Si Bernard Ferreres sa Detalya Live, Rise and Shine, Bernard.
00:16Audrey, huwag iklik ang link. Itong mahigpit na paalala ng LTO, lalo na sa mga motorista upang hindi mabiktima ng online scam na gumagamit ng peking link at informasyon.
00:30Ngayong Vermont, patuloy na tumataas ang mga kaso ng panluloko at online scam.
00:37Kaugnay nito, muling nagbabala ang Land Transportation Office o LTO sa publiko, lalo na sa mga motorista na maging maingat at huwag magpapaloko sa mga individual o grupong ginagamit ng pangalan ng ahensya para mangikil ng pera.
00:52Isa sa mga kumagalat na tech scam ay naglalaman ng mensaheng nagsasabing nagkaroon umano ng traffic violation ang motorista at kailangan umanong magbayad ng 1,000 pesos upang maiwasan ang karagdagang parusa.
01:07Gaya ng additional penalties, license suspension o alarm block.
01:12Kasama sa mensahe ang isang malisyosong link na nagdadala naman sa isang peking website.
01:17Dito, hinihingi ang personal informasyon ng biktima at pinapadaan ang bayad sa pamamagitan ng GCash QR code na nakadirekta naman sa account ng scammer.
01:28Kaya mahigpit ang paalala ng LTO, huwag i-click ang link para hindi ma-scam.
01:34Audrey, sa lagay ng dropiko dito sa Quezon Avenue, yung magkabilang lane north and southbound ay maluwag pa naman, manageable.
01:43Pero dito, yung sa aking likuran, nakikita nyo nakahinto dahil may stoplight lamang sa unahan.
01:48Yung mga papunta sa North Avenue, maluwag pa naman, yung mga papasok ng elliptical road, bagamat may volume, mabilis pa naman yung takbo ng mga sakyan.
01:59Paalala sa ating mga motorista ngayong biyernes, bawal po ang mga plakan nagtatapos sa numerong 9 at 0 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
02:11Balik sa iyo dyan, Audrey.
02:13Maraming salamat, Bernard Ferreira.