00:00PTV Balita
00:30PTV Balita
01:00Mababatid na sina Hernandez at Mendoza ang nagsiwalat na mayroon umanong ilang mambabatas ang kumukuha ng kickback.
01:08Samantala, nagbabala rin si Secretary Dizon na posibleng dumami pa ang mga contractor na kanilang iba-blacklist dahil sa mga anomalya.
01:17Bukas ang Department of Health sa Mungkahi na huwag nang isama sa zero balance billing ang mga lumalabag sa batas trapiko.
01:28Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mahigit 13,000 na Pinoy ang nasawi noong 2023 dahil sa mga pasaway na motorista.
01:38Naniniwala rin ang kalihim na hindi patas na mabigyan ng benepisyo ang isang traffic violator kung ang katumbas naman ito ay buhay ng maraming pasahero.
01:49Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng DOH ang naturang panukala.
01:56At yan ang mga balita sa oras na ito.
01:58Para sa iba pang update, ifollow at ilike kami sa aming social media sites at PTVPH.
02:04Ako po si Nayumi Timursyo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.