00:00Tapos na at maaari nang magamit ang higit sa 50 flood control at mitigation projects sa Soxargen region.
00:08At pagtitiyak pa ng DPWH, dumaan naman ito sa tamang proseso at maayos din ang kalidad.
00:15Si Sophia Turnos ng PIA Soxargen sa Sentro na Balita.
00:21Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways ang 54 na flood control at mitigation projects sa Rehion 12
00:28na sinimulan noong nakaraang taon.
00:31Ang nasabing mga proyekto ay nagbibigay proteksyon sa mahigit 28 kilometro ng riverbank sa iba't ibang lugar sa Rehion.
00:39Kabilang dito ay ang Marbelle River sa President Rojas, Malasila at Bulatukan River sa Makilala,
00:45Kabakan River sa Magpet at President Rojas sa probinsya ng Cotabato.
00:50Ayon kay DPWH Regional Director Basir Ibrahim,
00:54nagsagawa muna ang ahensya ng mga survey at inuna ang mga low-lying at flood-prone communities.
01:01Siniguro ni Ibrahim na ang bawat pondo para sa mga proyekto ay inilaan sa mga komunidad na vulnerable sa baha,
01:08kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr. na isa-ilalim sa audit ang lahat ng flood control projects sa ilalim ng kanyang termino.
01:15Based on the conducted surveys and investigation on how we are going to prioritize the project,
01:23kasi nga itong flood control because of the limited funds also na nakukuha natin,
01:28hindi lang tayo sa Region 12, maliit yung na-allocate.
01:33So we make sure na lahat ng naibibigay ng pundo sa atin ay nailalagay natin doon sa kung saan yung mga pinaka-priority na areas.
01:40Pinakamalaki sa mga proyekto ay ang Kabakan River Flood Control System na may labing-pitong flood control dike projects
01:47na nagbibigay proteksyon sa 7.53 kilometro ng ilog.
01:52Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pagpapatupad ng mga flood control at mitigation projects ngayong taon.
01:59Sinisiguro ng DPWH-12 na mahigpit na nasusunod ang quality standards sa bawat proyekto
02:05sa tulong ng mga nakatalagang project engineers at inspectors para sa patuloy na monitoring ng konstruksyon.
02:12Mula dito sa probinsya ng South Cotabato, para sa Integrated State Media,
02:18Sophia Zabat-Ternos ng PIA Soxerjet.