00:00Ibinunyag ni Sen. Panpilolakson ang sistema kung paano pinagpaparte-partehan na mga tiwali ang pondo para sa flood control projects sa gobyerno kung kaya't halos katiting na lang ang napupunta sa mga naturang proyekto.
00:16Si Daniel Manalastas sa Detalye.
00:20Last week, the President took aim. Today, I am pulling the trigger.
00:28Pasabog ang isiniwala ni Sen. Panpilolakson sa plenaryo tungkol sa umano yung malawakang anomalya sa flood control projects.
00:36Sinimulan niya sa kalakaran ng mga magkakasabot umano sa katiwalian at kung paano nagpaparte-parte umano ang ilang tiwali.
00:43Halimbawa ng landaw kunwari sa isang daang milyong pisong pondo para sa flood control.
00:48Nang hinilimbawa ito ni Lakson, nasa 40% lang daw nito ang napupunta para sa pagpapatayo ng proyekto.
00:548 to 10% para sa mga opisyal ng DPWH.
01:00Swerte na daw kung pumayag ang district engineer na 6% lamang ang parte niya.
01:065 to 6% para sa mga miyembro ng Beach and Awards Committee or BAC.
01:110.5 to 1% para sa COA.
01:14Passing through or parking fee na aabot sa katumbas na 5 to 6% ng pondo.
01:2120 to 25% ang karaniwang napupunta sa funder o project proponent na politiko.
01:30Sabi ni Lakson, base yan sa kanyang mga pagsasaliksik.
01:33Pero nilinaw niyang hindi ito ang representasyon ng lahat ng kalakaran sa flood control projects.
01:39Bukod dyan, inisa-isa pa ni Lakson sa kanyang presentasyon ang ilang lugar sa bansa na may mga
01:44questionably umanong flood control projects tulad na lang sa ilang lugar sa Pampanga, La Union, Oriental, Mindoro at Bulacan.
01:53We discovered a congressional representative showcasing his midterm accomplishment report
01:59covering the period from June 30, 2022 to December 31, 2023.
02:06He openly lists projects, hold your breath, funded by his office.
02:14Isa pa sa pinagmamalaki na mapag-angking congressman ay ang flood control structure sa Butas River.
02:21Ano kaya ang taglay na agimat ni congressman kung saan may multi-million projects, dumadapo ang agila.
02:31Pero lubog pa rin sa baha ang nadadapuan ng agila.
02:36Pero pinakamalala raw ang lalawigan ng Bulacan na aming maituturing na pinakanotorius pagdating sa anomalya ng flood control projects.
02:46Isa-isa raw binisita ng mga staff ni Lakson ang mga flood control projects.
02:51May ilan daw na umano yung ghost projects na tila pinagtatakpan.
02:55Gusto po ba ninyo makita ang itsura ng isang P77.199 million worth na riverbank protection structure?
03:06Tingnan po natin.
03:09Nasaan na nga ba?
03:11Ewan ko Mr. President dahil wala tayo makita.
03:14Hello Darcy, ang Ana and Ana, nasaan ng flood control?
03:21Napansin din ang senador ang pare-pareho umanong pattern ng proyekto sa ilang flood control projects.
03:27Makikita natin ang isang pattern ng mga proyektong guni-guni ng Darcy and Ana at Wawaw Builders
03:35sa barangay Carillo, Abolalas, Iba, at San Nicolás, First Engineering District ng Bulacan.
03:42Pare-parehong contract price, P77.199 million pesos.
03:47Pare-parehong riverbank protection structure, pare-parehong guni-guni.
03:52Inaasa ang itutuloy ang mga pagtatanong sa privilege speech ni Lakson sa susunod na linggo.
03:57Nagpaabot naman ang suporta ang kanyang mga kapwa, senador.
04:00Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.