00:00Sa ating balita, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante at investor sa Cambodia na palawakin pa ang pakikipagkalakalan sa Pilipinas.
00:10Ginawa ito ng Pangulo sa CEO Business to Business Roundtable discussion kung saan binigyan diin ng Pangulo ang lumalalim na ugnayan ng Pilipinas at Cambodia.
00:20Pasok-aniya ang mga sektor ng electronics, pagkain at gamot sa layunin ng dalawang bansa na makasabay sa global trend pagdating sa innovation, sustainability at digital transformation.
00:31Noong nakaraang taon, pumalo sa US$105 million ang kabuang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
00:39Samantala, dumalo rin si Pangulong Marcos Jr. at First Lady Lisa Araneta Marcos sa State Banquet sa Cambodia kagabi.
00:46Pinasalamatan ng Pangulo ang mainit na pagtanggap ng Cambodia sa delegasyon ng Pilipinas.
00:52Ayon sa Pangulo, naging produktibo ang mga magkakasunod na pulong sa leader ng Cambodia na nagresulta sa mahalagang kasunduan.
01:01Gayit pa ng Pangulo, patunayan niya ito na tumatatag na ang kooperasyon sa kapayapaan at pinaigting na pagtutulungan tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng ASEAN.