00:00Isang bagong klase ng online scam ang ibinabala ng Bureau of Immigration.
00:04Isa itong kombinasyon ng romance scam at illegal recruitment
00:08gamit ang mga kilalang dating app na tumatarget sa mga Pilipinong
00:13naghahanap ng trabaho abroad.
00:15Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval,
00:18may mga kababayang pinangakuan ng call center jobs abroad
00:23pero pagdating doon, sapinitan silang pinasok sa scamming operations.
00:28Marami na umanong nailigtas ang interagency efforts ng BI, DFA, DMW at OWA
00:35kasama na ang mga Pinoy na nakasagip mula sa Cambodia at Pakistan.
00:40Pinayuhan naman ang BI ang publiko na huwag basta magtiwala sa job offers online
00:45lalo kung inaakit lumabas ng bansa bilang turista
00:49dahil kadalasan ito'y patibong ng human traffickers.
00:53Yung popular po na application na ginagamit for dating ng mga single at mga interested po
01:04na makahanap ng pag-ibig.
01:06Ito po ang ginagamit nila allegedly upang makaloko po at once mahulog ang loob
01:13ng kanilang kausap sa kanila, doon na po nila iniimbitahan na mag-invest sa isang peking cryptocurrency account.
01:22So ito po mga kababayan natin ay puwersadong pinapasali dito po sa scam na ito.
01:28Kinukonvince nila yung kausap nila sa dating apps to invest in cryptocurrency mga accounts na hindi naman nag-i-exist.