00:00Para lalong mapalago ang ekonomiya at tuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa,
00:04dapat karapat-dapat ang ihalala na kagidato sa hatol ng Bayan 2025.
00:10Alamin natin ang mga hakbang ng administrasyon tungkol dyan
00:13sa Balitang Pambansa ni Mela Lesboras ng PETV.
00:19Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
00:22na patuloy ang mga hakbang ng kanyang administrasyon
00:25para ibayo pang mapalago ang ating ekonomiya.
00:28Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng Alianza para sa Bagong Pilipinas
00:33sa Batangas nitong Sabado,
00:36kinilala ng presidente ang malaking ambag ng mga manggagawang Pilipino
00:40para sa ating ekonomiya na sinasabayan din anya ng mga inisyatibo ng pamahalaan.
00:46Pinagahanda po natin ang ating ekonomiya upang lumago, upang lumakas
00:52at lahat po nang maaring gawin upang dalhin po natin ang mga malalaking planta,
01:00ang malalaking investor dito sa Pilipinas.
01:02Kaya naman po, eh masasabi ko naman,
01:05meron naman tayong masasabi na matangumpay naman po ang ating mga sinusubukan
01:11dahil trilyon-trilyon na po na piso ang pumapasok na investment dito sa Pilipinas.
01:19Bilang tugo naman sa problema sa mabigat na daloy ng trafiko,
01:23pangako ng Pangulo bagong magtapos ang kanyang termino sa 2028,
01:28magkakaroon na rin ng subway sa Pilipinas.
01:30Ayon sa Presidente, mahalaga ang maginhawang biyahe para sa ating mga kababayan
01:36at sa ating ekonomiya, kaya't isa ang sektor ng transportasyon sa tinututukan nila.
01:42Bago po ako matatapos bilang Pangulo,
01:45magkakaroon na tayo ng subway dito sa Pilipinas.
01:50Yung subway, yung tren na dumadaan sa ilalim ng lupa.
01:54Yung nakikita po natin, dati nakikita lang natin sa sine yan.
01:59Meron lang po tayo dito sa Pilipinas niya.
02:02Dagdag pa riyan, sabi ng Pangulo,
02:04prioridad din nila ang paghahatid ng internet access sa lahat.
02:07Sa gitna ng climate change,
02:09pinaiting na rin ng pamahalaan ang mga hakbang
02:11sa pagpaparami ng dam at flood control projects sa bansa.
02:15Kailangan natin pagandahin ang ating flood control.
02:19Hindi lamang yan, etong flood control, kasama na rin po yan,
02:23yung pag-iipon ng tubig para ang mainom ng mga household
02:29at para sa irigasyon sa agrikultura.
02:32Lahat po ginagawa natin niya.
02:34Git ni Pangulong Marcos,
02:35para maipagpatuloy ang progreso sa bansa,
02:38mahalaga ang tamang pagboto ng ating mga kababayan sa eleksyon.
02:42Kaya't hinihikayat niya ang bawat isa
02:44na suportahan ang kanilang mga pambato
02:46sa pagkasenador sa ilalim ng Koalisyon ng Alianza
02:50para sa Bagong Pilipinas.
02:52Mula sa PTV, Mela Lesmoras para sa Balitang Pambansa.