00:00Magandang gabi Pilipinas, pinatitiyak po ni pagulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan
00:06ang pagdaraos ng isang mapayapa at ligtas na kapistahan ng Pong Jesus Nazareno, particular na ang traslasyon.
00:15Ayon kay Palace Press Office Undersecretary Claire Castro, nakaalerto na ang lahat ng public safety agencies para sa isa sa pinakamalaking annual religious events sa mansa.
00:26Ayon naman sa Philippine National Police, may higit 18,000 uniformed personnel ang kanilang ipapakalat para sa traslasyon.
00:36Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihing payapa at makabuluhan ang idaraos na traslasyon,
00:45nakaalerto ang pwersa ng PNP, DILG at ibang ahensya ng gobyerno upang siguruhin ang kaligtasan ng mga dadalo sa nasabing kaganapan.
00:56Ipinag-utos ni PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr. sa mga tropa ng kapulisan na maging alerto,
01:06mahinahon at makatao sa pagsiservisyo sa kapwa Pilipino.
Be the first to comment