Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
May higit P13.8B ang budget na isiningit umano para sa mga proyekto ni Ako Bikol Partylist Rep. Elizaldy Co sa Bicameral Committee. Ayon 'yan sa pagsasaliksik ni Navotas Rep. Toby Tiangco -- na mariing pinabulaanan ni Co. Sa Bicam din umano lumobo ang budget para sa mga proyekto sa Mindoro Provinces mula sa tig-P2.5B sa P20B.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Halos 14 billion piso ang budget na isiningit umano para sa mga proyekto ni ako, Bicol Partialist Representative Elizalde Co. sa Bicameral Committee.
00:10Ayon yan sa pagsasaliksik ni Navotas Representative Toby Tiangco na mariing pinabulaanan ni Co.
00:16Sabay kang dinumanong lumobo ang budget para sa mga proyekto sa Mindoro Provinces mula sa tig 2 kalahating bilyong piso sa 20 bilyong piso.
00:26Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Sa Senate Blue Ribbon Committee na naihayag ni Navotas Representative Toby Tiangco, ang anya'y hinarang noon sa Kamara.
00:39Sa research na ibinahagi ni Tiangco, higit 13.8 billion pesos ang halaga ng mga proyektong ang proponent ay si ako, Bicol Partialist Representative Elizalde Co.
00:49Nung siya ang chairperson ng House Committee on Appropriations.
00:52Ayon kay Tiangco, insertions ito o isiningit sa Bicameral Committee o pinag-isang kumite ng Kamara at Senado bago may sabatas ang national budget.
01:01Nagkalkalaan niya siya ng record ng DPWH matapos mapansin ng Malacanang na may mga flagship program o mga malalaking proyekto ang gobyerno na natapyasan ng pondo.
01:12May naririnig po tayo, ito po yung common linggo ito, yung sinasabing parking fee.
01:18Hindi ho kaya nagkaroon ng yung pondo na yun ay pinarada lang dito ng isang congressman na hindi naman taga-taga roon.
01:27Ito ang tawag ay parking.
01:30Have you heard that, Mr. Chair?
01:31Yes, Sir. Yes, Your Honor. Nadinig ko na po yun.
01:35Pero dalawang term po yan, diba? Kung matatandaan nyo sa kongreso, isa yung parking, isa yung sagasa.
01:39Ay yung parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa District Congressman, kumayag yung District Congressman.
01:45Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
01:50Mahigit 2 billion pesos din anya ang nakuhang budget ng party list ni Co, na ako Bicol Party List.
01:56Mahigit 2 billion pesos din ang nakuha ng BHW Party List.
02:00Una niyang napansin ang paglobo umano ng budget para sa Occidental at Oriental Mindoro.
02:06Sa National Expenditure Program o panukalang budget noong 2025, mahigit 2.5 billion pesos ang proposed budget ng dalawang probinsya.
02:15Pero pagkatapos ng Bicam, hanggang maisabatas na ang General Appropriations Act, lumobo na ito sa 20 billion pesos.
02:22Hindi po nila kaya gawin yun. Hindi kayang gawin ng regular congressman na magdagdag.
02:32Hindi naman po sila membro ng Committee of Operations.
02:35Hindi nila kakayanin magdagdag ng ganun kalaki.
02:40Insertions palang umano ito sa Bicameral Committee.
02:44May mga isiningit na anyang budget sa tinatawag na small committee na binubuo noon ni NACO, dating Marikina Rep. Stella Kimbo, dating Zamboanga City Rep. Manuel Dalipe, at four-piece party list Rep. Marcelino Libanan.
02:58Wala lang detalye kung ano ang mga isiningit at pinalitan sa small committee dahil walang record kahit sa archive ng kongreso.
03:06Sa lahat ng batas na ginagawa, no touch tapos ng second reading.
03:12Yung Bicam kasi po binigyan ng authority yung small committee, yun. Kaya pwede nilang galawin.
03:22Parang binigyan mo ng blancon check eh, yung apat na tao.
03:26Sa isang pahayag, mariing pinabulaanan ni ACO, Bicol Partylist Rep. Zaldico, ang anya'y walang basihan at irresponsabling akusasyon.
03:35Pawang sabi-sabi lang daw ang mga paratang na ito, na umunoy pamumulitika para lukohin ang publiko at ilihis ang pananagutan.
03:42Aprobado naman daw ng Kamara at Senado ang 2025 National Budget, bagamat na veto ng Pangulo ang ilan nitong probisyon.
03:49Pero hindi raw siya makakapagkomento tungkol sa 2025 National Budget dahil kasalukuyan itong kinekwestiyon sa Korte Suprema at Ombudsman.
03:58Handa raw siyang magbigay ng pahayag sa korte kung kakailanganin ito.
04:01Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang iba pang mga binanggit na kongresista ni Tiyanko.
04:06Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended