Skip to playerSkip to main content
Matapos maantala ng diskusyon sa DPWH budget ay natapos na ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa P6.793T na panukalang budget para sa 2026. Ayon sa DPWH, pagkakasyahin na lang nila ang inilaan sa kanilang P529.59B pondo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00After the discussion on the DPWH budget,
00:05it's finished the deliberation of the Bicameral Conference Committee
00:10with the P6.793 trillion trillion dollars for the 2026.
00:17According to DPWH,
00:19they will pay $500 billion to pay for the P5 billion.
00:26This is what we do with Bea Pinlock.
00:30Pasadwalastos ng madaling araw kanina,
00:34natapos na ng Bicameral Conference Committee
00:37ang diskusyon sa 2026 national budget.
00:40Ang kabuoang halaga na nasa General Appropriations Bill,
00:43P6.793 trillion.
00:47Sa halagang ito,
00:49nasa P529.59 billion ang pondo ng
00:53Department of Public Works and Highways
00:55na mainit pinagdebatehan sa Bicam.
00:58Umabot pa sa deadlock nang umapela ang DPWH
01:01na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas ng Senado
01:05batay sa isinumite ng kagawaran na halaga ng construction materials.
01:09Matapos makapagsumite ang DPWH
01:12ng mas tumpak na halaga,
01:14may ibinalik na pondo pero hindi ang buong halaga.
01:16Indeed,
01:18malaki ang dapat tapyasin.
01:22At nung kinumpute nila,
01:25sinama pala yung, sinama na rin yung hauling,
01:28ibig sabihin yung tracking, logistics,
01:31ng materyales na kasama dapat sa costing,
01:35ayun, lumalabas hindi 45 kung hindi 20.7 ang overpriced.
01:44Sa halagang ito,
01:4716.52 billion pesos ang inilipat sa PhilHealth.
01:51Ang national government ay hindi nagri-remit ng tama sa PhilHealth.
01:56Dapat po ang remittance ng PhilHealth for 2026
02:00is 69 million pesos,
02:0469.7 billion pesos.
02:07Ang na-remit lang ho,
02:08o i-remit, o ibibigay lang ho natin
02:11through the GAA is 53.2 billion pesos.
02:14May 16.5 billion pesos na pulang.
02:17Yung natipid ho nating 20.7 billion,
02:2316.5 billion ilalagay po sa PhilHealth.
02:26Inatitira naman po na 4.2 billion,
02:35dahil po maraming mga lugar ang nasalanta,
02:38marami ho tayong mga lugar na tinamaan po ng bagyo
02:41or earthquake,
02:42ilalagay naman po yung 4.2 additional sa N-Dream Fund.
02:47Ang sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon noon,
02:51magkukulang ang pondo para sa halos 10,000 proyekto
02:55kung hindi maibabalik ang buong 45 billion peso sa kanilang budget.
03:00Pero ngayon,
03:01sabi niya,
03:02pagkakasahin na lang nila ang pondo.
03:04Okay lang yun.
03:05Kasi naniniwala ako,
03:07naniniwala ang Pangulo,
03:10at naniniwala din ang Kongreso
03:12na ang importante sa budget
03:16ay magini siya
03:19at ma-implement siya ng tama.
03:24We will make do with what the Senate and the House has approved.
03:29Gagawin natin yan.
03:31Gagamitin natin ng tama ang budget
03:34na ipinagkaloob sa atin ng ating Kongreso.
03:37Nakapasa rin sa Bycam ang mas pinalaking budget
03:40ng kontrobersyal na AICS
03:41o ang Assistance to Individuals in Crisis Situation
03:44na nasa ilalim ng DSWD.
03:46May 63.9 billion pesos budget ito.
03:50Tinaasa ng 32 billion pesos
03:52para di na raw kumuha sa unprogrammed budget
03:54tulad ng mga nakaraang taon.
03:56Isasama na rin kasi sa AICS ang mga beneficiaries ng ACAP
03:59o ayuda para sa kapos ang kita program
04:01na tatanggalin na at hindi napopondohan.
04:04Kontrobersyal ang AICS
04:06dahil may mga nagsasabing
04:08naghihikayat ito ng patronage politics
04:10dahil inaakala ng mga beneficiaries
04:12na utang naloob ito
04:14sa mga politikong kasama sa pamimigay ng pondo.
04:16Kaya pangako ng Kamara at Senado
04:18na gagawin itong permanente
04:20parang four-piece
04:21at lalagyan ng panuntunan
04:22para hindi magamit sa politika
04:24at maayos ang pamamahagi.
04:26Kahit sa MAIFIP o Medical Assistance
04:28for Indigent and Financially Incapacitated Persons
04:31aalisin na ang paggamit ng guarantee letter
04:34mula sa mga politiko
04:35para maka-avail sa programa.
04:37Ang Department of Agriculture
04:39binigyan ang budget
04:40na nasa 185.75 billion pesos.
04:44Noong una, kinwestiyon ni Sen. Ping Lakson
04:46ang listahan ng Farm to Market Roads
04:48na kulang daw sa detalye
04:50tulad ng coordinates at plano.
04:52Babantayan daw ng Senado
04:54ang implementasyon nito
04:55at gagawa ng periodic inspection.
04:57Target daw na maratify
04:59ang BICAM report sa December 29.
05:01Sa December 29 din,
05:03inaasahang maitatransmit ito sa Pangulo.
05:05Para sa GMA Integrated News,
05:07Bea Pinlak,
05:09nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended