Skip to playerSkip to main content
6 sa 15 contractor na inilista ng pangulo na nakakorner sa mga flood control project ang may poor o unsatisfactory rating, ayon sa isang pagsusuri. Pagdidiin ng Palasyo, kailangang may managot sa mga palpak na proyekto kontra-baha.


24 Oras is GMA Networkโ€™s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:006 sa 15 contractor na inilistan ng Pangulo na nakacorner sa mga flood control projects
00:05ang may poor o unsatisfactory rating ayon sa isang pagsusuri.
00:10Pagdiliin ang palasyo, kailangan may managot sa mga palpak na proyekto kontrabaha.
00:17Nakatutok si Ian Cruz.
00:21Ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Public Works and Highways
00:26i-blacklist ang mga palpak na kontratista sa mga flood control projects.
00:32Pagdiliin ang palasyo, dapat may mapanagot sa palpak na flood control projects o kaya'y ghost projects.
00:40Ayon kay Pangulong Marcos Jr., dapat na may managot sa ganitong uri ng kapabayaan,
00:47katewalian at panluloko at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng may sala.
00:53Nakakadismaya at nakapagtataka kung bakit napupunta sa mga pabayang contractors ang mga ganitong proyekto.
01:01Ang utos ng Pangulo kasunod ng kanyang pagsisiwalat na 15 contractors lamang
01:07ang nakacorner ng 20% ng mahigit 500 billion pesos na flood control projects
01:13mula July 2022 hanggang 2025.
01:17Sa mga kontraktor na ito, nakita ng GMA Integrated News Research
01:21na 6 ang binigyan ng poor o kaya'y unsatisfactory rating
01:26sa Contractors Performance Evaluation System o CPES
01:31base sa siyem na government projects na kanilang ginawa.
01:35Ang pagsusuri ay ginawa ng Construction Industry Authority of the Philippines
01:39para sa mga proyekto mula July 2015 hanggang June 2025.
01:44Base sa CPES Implementing Guidelines,
01:48ang kontraktor na nagkaroon ng poor o unsatisfactory rating
01:52ay magiging blacklisted sa paglahok sa alinmang proyekto ng gobyerno
01:57alinsunod sa Government Procurement Policy Board.
02:00Dahil DPWH ang pangunahing implementing agency
02:04ng mga flood control project.
02:07Ang tanong ngayon, may tatamaan din ba sa Departamento?
02:10Mahira po yung tinatawag ng witch hunt
02:12na dahil nasabi lang na palpak ang lahat
02:17o halos ng ibang mga proyekto patungkol sa flood control
02:21ay magsisibak na po ang Pangulo ng mga tauhan mula sa DPWH.
02:26Alamin po natin kung ano ang kanilang mga responsibilidad,
02:29kung ano man ang naging kanilang mga negligence
02:32at kung makikita po ng Pangulo agad-agad dito,
02:35hindi naman po mag-aattubili na sila ay sibakin sa pwesto.
02:39Ayon pa sa Malacanang,
02:40walang timeline na ibinigay ang Pangulo
02:42bagamat nais umano nitong mabilisan
02:45ang pag-iimbestiga ukol sa mga proyekto kontrabaha.
02:50Para sa GMA Integrated News,
02:52Ian Cruz nakatutok.
02:5324 oras!
02:56Outro
Comments

Recommended