Skip to playerSkip to main content
Hindi matunton ang tatlong flood control project sa isang barangay sa Naujan, Oriental Mindoro nang hanapin ng DPWH. Ang isang dike naman sa isa pang barangay na idineklarang tapos na, putol pa at substandard umano kahit sobra-sobra ang presyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Joseph Morong
00:30Vicky, hindi nga isa kundi tatlo mga flood control projects
00:35ang hindi makita nitong si DPWH Secretary Vince Lison
00:38na magkaroon siya ng inspeksyon dito sa Oriental Mindoro.
00:41Kahit yung mga tao niya sa DPWH region at district,
00:45hindi rin maituro ang proyekto.
00:46Magsasampa naman ng reklamo itong si Oriental Mindoro Governor Bons Dolor
00:50laban nun sa mga nasa likod ng isang overpriced na dike sa lalawigan.
00:55Sa mag-asawang tubig at panggalaan river,
01:02tila pinaglalagay ang mga flood control project sa Nauan Oriental Mindoro.
01:07Ang isa sa barangay Tagumpay, may forma naman,
01:10pero overpriced at substandard
01:12ayon sa nag-inspeksyon si Public Works Secretary Vince Lison.
01:16Ang mga sheet pile kasing ginamit sa diking ito
01:18na dapat labing dalawang metro ang nakabaon sa lupa,
01:22lumabas sa tatlong metro lamang ang nakabaon
01:24ng personal na sukatin ni na Secretary Dison
01:27at Oriental Mindoro Governor Humer Lito Dolor.
01:30Pag araw walang nagbabaw ng sheet piles,
01:32pag gabi meron.
01:33Consistent to, 3 meters.
01:36Ang kinatwiran sa akin, may resistance kasi.
01:38Kitang-kita nyo naman, buhangin lang.
01:41Sa napunta yung three-fourths.
01:48Substandard kasi isang ulan lang, rumagasa, wasa.
01:52At ngayon, hinahaaboy na gawin.
01:55Nasa mismong panggalaan river tayo dito sa Oriental Mindoro.
01:59At yun, yung 1.5 kilometers na flood control project sana,
02:03ang halaga, halos 3 billion pesos.
02:06Pero tingnan nyo naman, putol.
02:07At halos, mas nakasama pa sa mga residente dito
02:11sa halip na makatulong.
02:13Tulad ng ilan pang flood control project,
02:15chinap-chop din sa 7 kontrata
02:17ang 2.67 billion peso project.
02:21Pinaghatian na mga ito ng tatlong kontraktor,
02:23ang San West Incorporated na dating pag-aari
02:25ni Representative Saldico,
02:28ang St. Timothy Construction Company
02:29na pagmamayari ng mag-asawang Diskaya,
02:32at ang Elite General Contractor and Development Corporation.
02:34Butol ang proyekto, pero idineklarang tapos
02:38nung isang taon.
02:39Ayon kay Dolor, hindi niya alam ang proyekto
02:41na walaan niyang building at quarry permit
02:44mula sa Kapitolyo.
02:46Hindi rin ani ay pinagpaalam
02:47ang pag-iba sa dating flood control project
02:50kaya binaha ang mga nakatira sa tabi ng dike.
02:53Nakapirma sa mga proyekto
02:54ang sinibak na DPWH Regional Director,
02:57Engineer Gerald Pakanan,
02:59na kinukuhanan pa namin ng pahayag.
03:01Sabi niya, ginipat daw sa central office
03:03so hahanapin ko ngayon yan.
03:05Ano ba ito?
03:05Napanaginipan nga bigla
03:07na okay, magtayo tayo sa nawahan.
03:09Mag-ahain daw si Dolor
03:10ng reklamo sa lahat
03:12ng mga nasa likod nito.
03:14Sa Barangay Apitong naman,
03:16hindi natagpuan ni Dizon
03:18ang tatlong proyektong
03:19umano'y gawa na
03:20at pinunduhan noong 2024.
03:23Dapat ay narito
03:24ang 300 million peso
03:25dike at lasplanad
03:26sa Panggalaan River.
03:28Isa pang dike
03:29na may halagang
03:30250 million pesos
03:32at isa pang dike ulit
03:33na halagang
03:34200 million.
03:35Guni-guni to.
03:36Ang proyekto ko na akong nakikita dito.
03:38Baka mayroon may third eye sa inyo
03:40na may nakikitang
03:40blood control dito.
03:42Basta po dito sa situ diet
03:43na sinasabi,
03:44hindi yan sa program,
03:45wala po.
03:46Kahit mismo ang mga tao niya,
03:48walang may sagot.
03:49Hindi,
03:50nakaka na nga yung papel.
03:51Hindi,
03:52pasensya ka na,
03:52uminit ang ulo ko eh.
03:54Alam kong isang litro ko pala dito
03:55pero
03:55ito simple pa nung to eh.
03:58Alam niyo kung nasan to?
03:59Yung previous PA po,
04:00ang sabi po.
04:01Dito po ang side,
04:02nagpapasend lang po ako.
04:03Previous?
04:03Na-relieve po kasi yung PA, sir.
04:06Project Engineer?
04:07Yes, sir.
04:08Nasaan yung mga luma?
04:09Na-relieve po yung...
04:11Nasaan na silang lahat?
04:13Ah,
04:14nasa na silang lahat?
04:16Nasaan yung ibang mga engineer na to?
04:18Pero hindi nag-turn over sa inyo?
04:20Ano mga pangalan nun?
04:21Pwede bang pakikuwa nga mga,
04:22general pakikuwa na lang ang mga pangalan?
04:28Vicky,
04:31ayon din kay Dyson,
04:32ay may nakikita na silang pattern
04:34o pagkakapare-pareho
04:35nitong mga maanumalyang flood control projects.
04:38Mabilis gawin,
04:39mabilis ding kumulekta sa gobyerno.
04:41Ayon kay Dyson,
04:41may isang daan na siya
04:42na mga reklamo tungkol sa mga ito
04:44na natatanggap ng kanyang opisina.
04:46Vicky?
04:47Maraming salamat sa iyo,
04:48Joseph Morong.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended