Sa Bulacan umano ang may pinakamalalang nakawan kaugnay sa ghost flood control projects, ayon mismo kay Sen. Ping Lacson. Sa kaniyang privilege speech, may mga tinukoy din siyang contractor at kongresista na dawit diumano sa mga maanomalyang proyekto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Bulacan, umano ang may pinakamalalang nakawan kaugnay sa Ghost Flood Control Projects.
00:07Ayon mismo yan kay Sen. Ping Lakson.
00:10Sa kanyang privilege speech, may mga tinukoy din siyang contractor at kongresista
00:15na daway tumano sa mga maanumalyang proyekto.
00:19Nakatutok si Mark Salazar.
00:24Flooded Gates of Corruption,
00:26ang titulo ng privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson
00:30tungkol sa pangungupit sa flood control projects.
00:33Wala pa raw sa kalahati ng pondo ang napupunta mismo sa pagpapatayo ng proyekto.
00:39Pagkatapos magpartihan ang mga nangungupit
00:41at ang pinakamalaki raw na cut sa politiko na nagsulong sa proyekto.
00:47Lo and behold, Mr. President,
00:4920 to 25% ang karaniwang napupunta sa funder o project proponent na politiko.
00:58Mr. President,
01:00ang matitirang pondo para sa pagpapatayo ng proyekto
01:03ay napakaswerte ng umabot sa 40%
01:06o 40 million pesos
01:08alisunod sa ating halimbawang 100 million pisong pondo para sa proyekto.
01:15Tinukoy ni Lacson ng isang kongresista sa Oriental Mindoro
01:20na nakakuha daw para sa kanyang distrito
01:22ng 10 billion pesos
01:24o mahigit kalahati ng flood control project ng kanyang probinsya.
01:29Puro hinugot-umanos sa unprogrammed funds.
01:32Pero sira-sira na raw ang mga estruktura.
01:34Halimbawa itong sanauhan Oriental Mindoro
01:37na pinuntahan ang kanyang team.
01:39Mula sa aming sariling footage,
01:41kitang-kita ang mga bahagi ng road dike
01:44na ginawa noong 2024 na kumuho.
01:49Ang nakikita niyong flood control project
01:52ay nagkakahalaga ng 204.8 million pesos
01:57na base sa official record ng DPWH
02:00ay completed project na.
02:03Nito lamang Febrero 2025.
02:06Halos tatlong buwan pa lamang ang lumipas, Mr. President.
02:12Hindi man binanggit ni Lacson ang pangalan ng kongresista
02:15pero nakalagay ito sa kanyang presentation.
02:18Si Oriental Mindoro, First District Representative,
02:21Arnan Panaligan.
02:22Hinihingan pa namin siya ng tugon sa talumpati ni Lacson.
02:25Tinukoy din ni Lacson ang mga proyekto sa kandating Araya at Pampanga.
02:30Ang isa pinunduhan noong 2023 ng 91 million pesos.
02:34Pero makalipas ang isang taon,
02:36kailangan na itong i-repair
02:38at pinunduhan ng dalawang ulit
02:39ng 91 million pesos.
02:41Ehemplo daw ito ng double insertion
02:44na ginagawa ng mga mambabatas.
02:47Aba, at nawili na ang funder
02:49ng Edmarie Construction
02:51na siyang palaging nananalong kontraktor
02:55sa kandating Araya at Pampanga.
02:58Naglagay pa ulit ng 100 million pesos ngayong taon.
03:02Buti na lang,
03:03pinigil ng Malacanang
03:04ang pag-release ng pondo.
03:07Grabe rin daw ang pork barrel insertion
03:09sa Bawan River Basin sa La Union
03:11dahil halos isang bilyon
03:13ang nakuha ng nagilyan
03:15habang 623 million ang sa Bawan
03:18na pareho namang binabaha pa rin.
03:21Sa aming masinsing pagkalkal
03:23ay natuklasan naming
03:25i-isang kontraktor
03:27ang naawordan
03:27ng lahat ng packages na ito
03:30ang Silverwolves Construction Corporation.
03:35Distinct pa rin,
03:36distinguished colleagues.
03:37Ito ang nabanggit kong
03:39pork barrel insertions kanina,
03:42Mr. President.
03:43Pero sa Bulacan daw
03:44ang pinakamalalang nakawan.
03:46Puro kasi ghost project daw doon.
03:48Sa Malolos,
03:49dalawang proyekto
03:50sa dalawang barangay
03:51na tig 77 million
03:53ang halaga
03:54ay guni-guni lang.
03:55Sa Hagonoy,
03:57apat na proyekto
03:58na tig 77 million din
04:00ang hindi talaga ginawa.
04:02Dalawang kontratista raw
04:03ang kumuha ng mga proyektong ito,
04:05ang Wawaw Builders
04:06at Darcy and Anna Builders.
04:09My office is willing
04:11and ready to provide
04:12the names of the members
04:14of this well-organized syndicate
04:16inside the Bulacan
04:17First District Engineering Office,
04:20including probable witnesses
04:22to testify against them
04:24if and when
04:25the appropriate authorities
04:27will open a formal investigation
04:29into these morally
04:31wicked schemes
04:33to defraud our people
04:34of their hard-earned
04:36taxpayers' money.
04:38Sinusubok pa namin
04:39kunan ang pahayag
04:40ang Wawaw Builders
04:41at Darcy and Anna Builders,
04:43pati ang Bulacan
04:44First District Engineering Office.
04:46Para sa GMA Integrated News,
04:50Mark Salazar,
04:51nakatutok 24 oras.
04:55Giniit ni incumbent
04:56Oriental Mindoro
04:57First District Representative
04:59Arnan Panaligan
05:01na wala siyang kinalaman
05:03sa mga flood control projects
05:05sa Oriental Mindoro
05:06na binanggit
05:07ni Sen. Panfilo Ping Lakson
05:09sa isang privilege speech.
05:12Ayon kay Panaligan,
05:13hindi siya
05:14ang nag-propose
05:15ng mga proyekto.
05:17Anya,
05:18nakita na lang niyang
05:18nakalista ito
05:19sa National Expenditures Program.
05:22Hindi rin umano siya
05:23kinonsulta
05:24ng DPWH
05:26tungkol sa mga proyekto
05:27at hindi siya
05:28ang nagpondo
05:29sa mga ito.
05:31Hindi rin umano niya
05:32kilala
05:32ang mga kontratista
05:34ng proyekto.
05:35Sumulat din anya siya
05:36sa DPWH
05:38noong July 2024
05:40para ireklamo
05:41mga nasilang proyekto
05:42at para masiguro
05:44tumutugon ito
05:45sa standards.

Recommended