- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00ê²½o
00:04Kailangan daw ng 450 billion pesos kada taon na pondo para maipatupad ng todo ang Universal Healthcare
00:12ayon sa Department of Health.
00:14Kaya rekomendasyon na isang mababatas, lipat na lang doon ang pondong inilaan sa flood control projects.
00:21Balitang hatib ni Tina Panganiban Perez.
00:53Now we have extended that to any Filipino, indigent or not, that is admitted in basic accommodation of the 83 Department of Health Hospitals.
01:06Ang outpatient po, libre din ang konsultasyon sa ating public hospitals. Ang ibang laboratory, libre din po.
01:14Kabilang sa pondo para sa Zero Balance Billing Program ay galing sa budget ng PhilHealth.
01:20Bahagi ng P240B na budget ng PhilHealth ay ang P53B na galing sa panukalang budget na subsidiya para sa mga mahihirap na pasyente.
01:31Pero may mga servisyo pa rin hindi libre, lalo na yung para sa mga outpatient.
01:36Ang support ng PhilHealth, nasa 25 to 29% lang ng total gastos sa isang pasyente, sa isang Pilipino.
01:45So kung ma-increase ko lang to about as much as 50%, malaking tulong yun.
01:50Pero P450B kada taon ang kailangan ayon sa Health Department para maipatupad ng todo ang universal healthcare.
01:59Rekomenda siya ng Act Teachers Party List. Dito na lang ilipat ang pondo para sa flood control projects.
02:06Magkano ang kailangan? Kasi to my mind, P120B is doable in the current budget given na ang flood control ay P250B proposed.
02:20Magsusumite ang DOH ng request sa House Committee on Appropriations para riyan.
02:27Sinusubukan naming hinga ng reaksyon ng DPWH na nagpapatupad ng flood control projects.
02:33Nauna nang sinabi ng Pangulo na ibibito nito ang panukalang budget ng Kongreso kung maiiba sa hinihingi ng ehekutibo.
02:42Nakalatag na yan sa National Expenditure Program.
02:45Bagamat pinare-repaso ngayon sa DPWH ang pondong hinihingi nila, katuwang ang budget department para matiyak na walang nakasingit o doble.
02:55Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:01Kaugnay ng nakatakdang pagpapatuloy ng imbistigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa manumalyang flood control projects ng DPWH,
03:08kausapin natin sa Senate Blue Ribbon Committee Vice Chairperson, Senator Erwin Tulfo.
03:12Magandang tanghal at welcome sa Balitang Hali.
03:15Maraming salamat, Sir Rafi, for inviting me in your news program. Thank you po.
03:20Opo. Sa lunas, Senator, dapat ay nakadalo na yung mga individual na ipinasabpina ng Kumite.
03:24Paano naman yung ilang kongresista na dawit yung pangalan na ang ilan nga ay nasa labas na raw ng bansa?
03:31Yan ang pag-uusapan namin nila Chairman Dante Marcoleta Monday morning before the hearing kung anong gagawin.
03:37Kasi wala pa naman pong pinapadala na sa PINA. At hindi naman po talaga, sa totoo lang, Sir Rafi, hindi naman talaga pinapadalahan ang mga mambabatas.
03:47Kasi po, may tinatawag tayo na parliamentary courtesy. Hindi po ba?
03:52Hindi pwede investigahan ng Senado ng Kongres. O Kongres, hindi rin pwede investigahan ng Senador.
03:58Kaya nga, mga mababayan natin, hindi po natin masisi kung nagdududa sa investigasyon na ito na parang baka drama lamang ang lahat ng ito.
04:07Kaya kung ako ang tatanungin, sangayon po ako and I'm really very eager and waiting na mabuo na po yung ginawa ni Pangulo na Philippine Independent Commission na mag-iimbestiga po sa lahat ng ito.
04:20Ayun na nga, ilang kasama niyo rin po na Senador eh, nadadawit din eh. Yung pangalan, posible bang matanong din sila sa investigasyon para on record po yung kanilang sagot?
04:30I believe po ang Philippine Independent Commission, meron po sila sa PINA powers na pwede na isa PINA.
04:36That's what I heard, congressman, senador, ipapatawag po lahat ng Philippine Independent Commission dahil yung commission po na yan is only answerable to the President po.
04:46Hindi po sa Senado, hindi rin po sa Congress. So, wala po mga tinatawag na courtesy-courtesy po na yan.
04:53Pero dun po sa pagdinignin nyo, kung willing yung senador o yung kongresista na magsalita, dyan sa inyong committee, welcome po ba?
05:00Opo, may natatanungin po natin, maging po yung mga kongresista po sa kabila, kung willing silang pumunta rito.
05:09Pero siyempre, ayaw ko naman po pangunahan ang aming chairman, si Chairman Dante Marcoleta.
05:15Siya po ang may disisyon po lahat at nasa kanya po ang approval, yung invitasyon po kung sinong iimbitahan.
05:21We can only suggest, Sir Rafi, but that's a good point po.
05:24I will suggest na kung pwede iimbitahan po natin as resource person lang naman, yung mga kongresista at saka yung mga senador po.
05:31Opo, hinimok po ng DOJ yung mga isinasangkot sa flood control projects na aminin na ang lahat ng nalalaman.
05:36Eh, maaari rin daw silang ipasok sa Witness Protection Program. May ganito yung posisyon din po ang inyong committee?
05:45Wala pong ganito posisyon, pero ang posisyon ko po, naisabi ko na po yan last week pa.
05:50Eh, dapat sampahan na po talaga ng DOJ, yung mga kontratista, yung mga public waste officials.
05:56Kasi doon po lang po sa ginigay ng Pangulo po na listahan ng mga labing lima na substandard at ghost projects.
06:03Doon pa lang po, pwede na magda-take off ang investigasyon ng Department of Justice.
06:08Kasi po, yung ika nga, yung bola para patunayan, wala po sa kamay ng DOJ, kundi sa kamay ng kontratista na patunayan mo na lahat ng proyekto mo na tapos mo,
06:20patunayan mo yung proyekto mo, hindi ghost projects, hindi substandard.
06:24Ikaw magpapatunay, ika nga, the ball is in their hands, hindi po sa Department of Justice.
06:28Na nag-imbisig, pwede naman po eh. I think, pwede niya na po kasuhan lahat ng mga official, pati yung mga DPW sa hearing po na umami na nagka-casino,
06:37na may mga ghost projects, yung mga kontraktor na nasa listahan po ni Pangulo at ni Sen. Ping Lakson.
06:44I believe, pwede na po yun lang sampahan po yun.
06:46Yun nga po, sana'y susunod kong tatanungin.
06:48Sapat na yung informasyon na galing po sa inyong kumite para may masampahan yung mga relevant agencies na mga nasasangkot dito sa anumal lang ito.
06:56Opo, I mean, meron po kami mga nakuhan na pwede po namin kung hingin po ng DOJ,
07:03pero syempre, papaalam po muna tayo at that decision po yan ng ating chairman, si Sen. Dante Marcoleta, kung ano ho ang plano niya.
07:12Pero kung yung sa akin na naman po, opinion ko ho yun,
07:16I believe, pwede na po, pwede na mag-investigang ombudsman, yung mga official na summit,
07:20hindi lang po doon sa mga DPWS, pati po yung mga sinasabing ng mga kongresista at mga senador,
07:27pwede na po umpisahan, investigahan po yan ng ombudsman,
07:29tapos yung mga kontraktor, then DOJ po mag-imbestiga.
07:33Opo, sapat na po ba yung immigration lookout bulletin na inilabas ng DOJ sa mga personalidad nasangkot dito rin sa manumal lang flood control projects?
07:41Hindi po, sir. Lookout lang po.
07:43Pag dumaan sa'yo, wala pa naman pong kaso. Yun ho ang problema.
07:47Tatanungin ka lang, sasabing lang immigration, saan ho kayo pa pupunta, Mrs. Diskaya?
07:51Pagsabing niya, pupunta ako ng Hong Kong. Ano pong gagawin mo roon?
07:54Ay, magpapa-check up lang ho ako, pero babalik na ho ako next week.
07:58Ala ho magagawa. Ang importante po, yung whole departure order, HD.
08:02Dahil pag may HDO po, talagang hindi ka papalabasin ng Bureau of Immigration.
08:07At baka i-hold ka pa nila sa kanilang tanggapan na kailangan mag-clear ka muna sa DOJ.
08:13Pero pag lookout bulletin, ala po, sir rapi.
08:16Tatanungin ka lang, saan ho po kayo pupunta? Kailangan kayo babalik?
08:20Eh kasi po, eh, hindi mo naman pwedeng i-hold yung tao dahil wala pa naman pong kaso.
08:25Yun nga po, at HDO, may lalabas lang pagka nagkaroon na po ng kaso.
08:29Personally, ano pong pakiramdam nyo?
08:30Dito sa isyong ito, palalim ng palalim yung investigasyon, padami ng padami yung nasasangkot,
08:35na naapekto na po ba yung trabaho ninyo?
08:38So, totoo lang, sir rapi, at the end of the day, paggabi po,
08:42nagmamonitor po ako sa social media yung galit ng tao nandoon ho eh.
08:47Galit ang mga tao, hindi lang po sa contractor, hindi lang sa public works officials,
08:52pati po sa mga mambabatas.
08:54Dahil kami nga po ay sinasabing we have the power of the purse,
08:58ang kongreso, ang senado, dumadaan po sa amin.
09:01Pagkatapos, syempre, may mga istorya, may mga kwento na galing kay ganito,
09:06yung pondo, galing kay congressman, si congressman, nag-allocate ng pondo na ganito.
09:11So, nakakahina rin po na loob na nadadamay po yung institution itself.
09:16Hindi naman po yung institution na masama eh.
09:18May iilan lang po ng mga tao na masama doon, pero nadadamay po because doon sa ginawa ng iilan, sir rapi.
09:26Very quickly, hindi naman po kayo concerned na baka mangyari yung galit na nangyari sa Indonesia,
09:31dito sa bansa, yung galit na sila doon sa kanilang mga politiko roon.
09:35Huwag naman ho sana, sana eh lalo ho nga magkakaproblema ho tayo,
09:39may problema tayong dapat ayusin pag pumasok pa ho yan.
09:43Kaya kailangan ho siguro talaga ng gobyerno.
09:45It is a challenge for the government now, sir rapi, na huwag lang puro kwento na walang kwenta.
09:51Dapat may mangyari.
09:52Iyon pong inaantay ng taong bayan.
09:54May makulong, may managot, at hindi lang po kontraktor kung sinong tamaan eh tamaan.
10:01At yan din po ang Alping Aabangan.
10:02Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
10:05Maraming salamat po, sir rapi. Good afternoon po.
10:07At po sa Senator Irwin Tulfo.
10:09Ito ang GMA Regional TV News.
10:17Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
10:21Patay ang isang construction worker matapos saksaki ng kanyang katrabaho sa San Joaquin, Iloilo.
10:27Siya sila nung dahilan ng pananaksa?
10:29Raffi, ayon sa pulisya, napikon ang sospek sa biktima dahil sa isang biro matapos mag-inuman sa kanilang baraks.
10:39Batay sa pahayag ng ilang saksi, nakahiga sa duyan ang sospek nang magbiro ang biktima na puputulin ang tali ng duyan.
10:46Habang nasa aktong puputulin ang tali gamit ang itak, digla itong naputol talaga at nahulog ang sospek sa duyan.
10:53Nagalit ang sospek at nagkasagutan sila.
10:56Umalis daw kalauna ng biktima at uminom sa isang tindahan.
11:00Doon siya pinuntahan ang sospek at sinaksak sa dibdig.
11:04Patuloy pang pinaghahanap ang sospek na tumakas matapos ang krimen.
11:08Mahaharap siya sa reklamong murder.
11:12Nasaksak din ang isang pulis sa gitna ng operasyon nila sa Santa Catalinan, Negros Oriental.
11:17Kabilang siya sa mga rumisponde sa pananaksak sa sospek sa isang babae sa barangay Milagrosa.
11:24Nanlaban daw ang sospek nang puntahan sa kanyang bahay.
11:28Hanggang sa nasaksak sa kanang mata ang nasabing pulis.
11:31Nagpapagaling siya sa ospital pati ang nasaksak na babae.
11:35Naaresto rin kalauna ng sospek na sinusubukan pangkunan ng pahayag.
11:40Pemi-finals bound na si Pinay tennis player Alex Iala sa Guadalajara 125 Open sa Mexico.
11:52Kinalo ni Alex sa quarterfinals si Nicole Fosaguergo ng Italy sa loob ng dalawang set.
11:57Umabot pa sa tiebreaker ang first set habang 6-2 ang score sa second set.
12:02Ilang oras bago yan, nagwagi din si Alex sa kanilang round of 16 match ni Barbara Lipchenko ng Amerika.
12:08Kahapon, nakakuha ng tigis ang set ang magkalaban bago na udlot ang naro dahil sa masamang panahon.
12:14Kanina lang, oras sa Pilipinas, itinuloy ang third set kung saan panalo si Alex sa score na 6-3.
12:20Makakaharap ni Alex sa semis si Kyla Day ng Amerika bukas.
12:24Update po tayo sa lagay ng panahon.
12:26Ngayong may bagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
12:31Kausapin po natin si Pag-asa Weather Specialist Benison Estareja.
12:35Magandang tanghali po at welcome sa Balitang Hali.
12:38Magandang tanghali po, Ma'am Connie.
12:40Okay, pakilinaw lamang po ano nga hubang ibig sabihin talaga pag sinabi nating medium chance na maging bagyo ang bagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
12:51Kapag po sinabi nating medium chance, meron na itong chance na maging isang garap na bagyo po sa susunod 24 oras.
12:59And for sure po ito ay within the next three days ay maging isang garap na po na bagyo or tropical depression.
13:04I see. At nasaan ho ba yung lokasyon itong bagyong low pressure area?
13:08Oh, sorry, o yung bago na LPA sa loob po ng Philippine Area of Responsibility.
13:14Ito pong nabuo natin ang bagong LPA.
13:17Nasa may West Philippine Sea at nasa layong 85 kilometers.
13:20Kanluran ng Ilocos Sur as of 8 in the morning.
13:23And we're seeing that this low pressure area po ay yung tinunting lalayo sa ating kalupaan.
13:27At posilyong lumabas na rin ang ating Philippine Area of Responsibility pagsapid po ng Sabado.
13:32I see. At nakikita ba natin na kung sakali ho, maaaring lumakas pa ho ito at magpaulan ng husto sa bansa?
13:41Sa ngayon po itong low pressure area, nagdadala pa rin ng mga pagulan dito sa may Ilocos region at ilang bahagi ng Cordillera region.
13:48Light to moderate with a time-sized rains.
13:50Actually, yung impact po ng habagat ang mas dapat nating pakabantayan sa susunod na 24 oras.
13:54Meron tayong actually yellow rainfall warning pa rin as of 11 in the morning sa May Zambales, Bataan at bahagi pa ng Pampanga, Tarlac at Occidental Mindoro.
14:04Sa mga susunod na oras, makakasa pa rin tayo ng mga heavy rains doon sa mga nabanggit na lugar.
14:09And for the rest of the zone, including Metro Manila, hindi na tuloy-tuloy yung mga magiging pagulan po natin.
14:14Pero at some point, meron pa rin tayong mga light to moderate rains at mga thunderstorms po lalo na sa hapon hanggang dito.
14:19So kung nga alis po ng Sabado, inaasahan natin na magiging maulan din ho ba ang ating weekend?
14:26Early Saturday, we're expecting pa rin ang malaking bahagi ng Luzon, lalo na yung mga nasa western sections.
14:31And that includes Metro Manila, maulap ang kalangitan at may chance pa rin po ng mga light to moderate rains.
14:37And pagsapit po ng hapon, mas mababawasan na yung mga pagulan natin at mas gaganda pa yung panahon pagsapit po ng linggo.
14:44So we're expecting na maraming pagkakataon na po na magiging maaraw ang panahon sa umaga at sa tanghali at sa dakong hapon hanggang sa gabi.
14:51Andyan pa rin ang mga pulukulong pagulan o mga thunderstorms.
14:54Marami pong salamat sa inyong update sa amin. Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estareja.
15:00Ngayong mainit ang usapin tungkol sa korupsyon dahil sa nakitang anomalya sa mga flood control projects sa bansa,
15:13paano nga ba ito may kukumpara sa buong mundo?
15:15Base sa 2024 Corruption Perceptions Index ng Transparency International,
15:19kung saan inilista ang mga bansa batay sa perceived corruption o nakikitang katiwalaan sa gobyerno,
15:26pang-114 ng Pilipinas sa 180 na bansa.
15:30May score na 33 ang Pilipinas, mas mababa sa global average na 43.
15:34100 score kung walang nakikitang katiwalaan.
15:38Kapantay natin pagdating sa perceived corruption ng mga bansang Belarus, Bosnia and Herzegovina,
15:43Lao, Mongolia, Panama at Sierra Leone.
15:46Pinakamatasang na ko ang score ng Denmark na 90, habang pinakamababa ang 8 ng South Sudan.
15:53Isinusulong po sa Senado ang pagbabalik sa parusang death penalty para sa kasong plunder.
16:02Inihain ni Sen. Bato de la Rosa ang Senate Bill 1343 na layong ipatupad muli ang death penalty sa bansa.
16:10Noong 2006 nang alisin ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Republic Act 93-46.
16:16Sa explanatory note ng panukala, sinabi ni de la Rosa na dapat managot ang mga public official na responsable sa paghihirap ng taong bayan.
16:26Nabanggit din doon ang epekto sa ekonomiya ng korupsyon sa likod ng flood control projects.
16:31Hiling ni de la Rosa na maisabatas ito agad.
16:37Pwede na makapag-avail ang mga senior citizen ng 20% discount sa mga butika kahit wala ng buklet.
16:44Ayon po yan sa circular na inilabas ng Food and Drug Administration.
16:48Kasunod yan ang naunang utos ng Department of Health na hindi na required magpakita ng buklet ang mga senior citizen kapag bibili ng gamot o medical devices.
16:56Sapat na rao na ipakita ng mga senior ang kanilang senior citizen's card o anumang valid ID bilang patunay na pasok sila sa discount.
17:09Daring at challenging daw ang role na gagampana ni Sparkle actor Martin Del Rosario sa episode ng Magpakilanman Bukas Sabado sa GMA.
17:23Alam ka Rocket, what's your dancer?
17:2580 mil.
17:26Para ka nakatisot ng ginto.
17:27Alam mo ba ginawa rin na sa akin ha?
17:30Chika ni Martin sa inyong maren, nagpaturo siya ng macho dancing para sa kanyang role bilang macho dancer.
17:37Iikot ang kwento sa karakter niyang si John na gagawin ang lahat para sa pamilya.
17:42Sabi ni Martin, pinaghandaan niya rin ang mga dramatic scene.
17:46Kasama rin sa episode sina Angela Alarcón, Betong Sumaya, Dave Bornea at marami pang iba.
17:55Ang daming dagok, problem, mga challenges na dumating sa buhay ni John pero maganda naman sa kanya hindi siya sumuko.
18:02Kung baga parang lahat ng opportunity ginrab niya.
18:05Simula rin bukas Sabado, mapapanood na sa GMA ang spin-off ng youth-oriented series na Maka.
18:15Yan ang Maka Love Stream.
18:17Makakasama pa rin ang inyong favorite Gen Z barkada pero with new characters and stories.
18:23Gaya ni na Zephanie, Sean Vesagas, Sean Lucas, Bryce Eusebio, John Clifford, Olive May, May Anbasa, Mad Ramos at marami pang iba.
18:33Abangan niyan bukas Saturday, 4.45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.
18:39At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
18:45Ako po si Connie Sison.
18:46Rafi Tima po.
18:47Kasama nyo rin po ako, Aubrey Caramper.
18:49Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:51Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Silipino.
18:55Mula sa GMA.
19:25Mula sa GMA.
19:41Mula sa GMA.
Comments