00:00Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sasalamin sa tunay na pangangailangan ng mga Pilipino
00:07ang lalamanin ng 2026 National Budget bagay na suportado ng ating mga kababayang ordinaryong Pilipino.
00:16Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Palita.
00:21I will return any proposed general appropriations bill
00:26that is not fully aligned with the National Expenditure Program.
00:31Yan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pambansang budget sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
00:39Pagbibigay diin ang punong hekutibo.
00:41Dapat nakaangkla ang anumang pondo sa pangangailangan ng bawat Pilipino.
00:45Dahil kung hindi...
00:46I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.
00:51Hindi ko aaprobahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayan ng Pilipino.
01:03Ang pahayag na yan ng Pangulo, malaking bagay daw sa pagsusulong ng budget na tutugon sa mga pinakamahalagang pangangailangan
01:09ng sambayan ng Pilipino ayon sa Budget Department.
01:13Suportado ito ng ahensya lalo't makabubuti ito sa bansa.
01:16Kaya umapila rin ito sa Kongreso na sundin ang naging direktiba ng Pangulo at kung ano ang nakalatag sa National Expenditure Program o NEP.
01:24Tiniyak naman ang Kongreso na tutugon ito sa naging pahayag ng Pangulo.
01:28Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez ang transparency sa deliberasyon ng budget.
01:33Siniguro rin niya na seryoso at agarang tatalakay ng Kamara ang panukalang pambansang budget ng may kumpasyon lalot para ito sa mga Pilipino.
01:41Ayon naman kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa huli ay trabaho ng mga mambabatas na busisiin ang pambansang punto.
01:49Anya, tulungan dapat ang mangyari.
01:51Tulungan kami ng Pangulo sa gusto niyang mangyari and klaro yung gusto niyang mangyari, accountability.
01:56So we will give that to the President and we will cooperate.
02:00Pinalakpa ka naman daw ni Sen. Panfilolakso nang i-anunsyo ng Pangulo na ibabalik niya ang budget bill na ipinasan ang Kongreso kung hindi ito nakaangkla sa NEP.
02:09Anya na sa pamamagitan nito magiging kakaunti ang pagsisingit sa pondo na kagagawan-umano ng ilang mambabatas.
02:17Nagustuhan din ni Senate Minority Leader Tito Soto ang pahayag na ito ng Pangulo.
02:21Babala niya, humanda na raw ang mahilig sa insersyon.
02:24Sang-ayon din dito ang mga ordinaryong Pilipino gaya ni Narowena at Jean.
02:29Dahil masisiguroan nila nito na rekta sa mga Pilipino ang ilalaang pambansang budget.
02:34Dapat lang talaga na ibibigay yung budget sa nararapat.
02:38Kaya yung mga dapat, yung mga kurap mga politikong o kaya mga nakaupo na kinukurap nila yung maawa naman kayo sa amin.
02:46Kami mga ordinaryong mamayan, kami yung nagtitiis.
02:48Kasi ano eh, yun yung needs ng mga tao eh, yung mga mahihirap na mababa yung mga asil kinikita.
02:56Ayun, magiging okay yung pamumuhay nila.
03:01Sa kabilang banda, siniguro ng DBM na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na madagdagan pa ang mga investment sa bansa para mas mapalagu pa ang ekonomiya.
03:10Kaya gitang DBM, tututukan ng gobyerno ang paglalaan ng pondo sa mga programa na makakapagpabuti
03:15sa pamumuhay ng mga Pilipino gaya ng edukasyon.
03:18Titiyakin din daw ng pamahalaan na mas mapapataas pa ang antas ng kakayahan ng mga magagawa
03:23at mas mapaparami pa ang trabaho na malaking parte sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa.
03:28Magpupursigay ang DOLE, DTI, DSWD kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensya
03:36sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad para sa natitirang apat na porsyento ng ating kwersang manggagawa
03:44na hanggang ngayon ay walang trabaho.
03:47Ipagpapatuloy natin ang pagbibigay ng puhunan sa mas marami pang negosyante
03:51para makapagsimula ng maliit na negosyo o micro-enterprise sa mababang interes at walang kolateral.
04:00Pati na rin ang kapital at proteksyon para sa mga yamang isip.
04:05At para sa mga itinataguyod natin mula sa kahirapan,
04:08patuloy tayong nagbibigay ng libreng training at puhunan para makapagtayo sila ng sariling negosyo.
04:15Hindi tayo titigil hanggang halos dalawat kalahating milyon maralitang pamilya
04:20ay matutulungan natin na magkaroon ng kanilang sariling maliit na negosyo.