Skip to playerSkip to main content
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi habambuhay ang pagmimina. Darating daw ang araw na mauubos din ang ginto.

Ano ang naghihintay sa mga minero na araw-araw sumusugal ng buhay sa madilim at masikip na tunnel… kapag wala nang natitirang mina? May sapat bang programa para sa mga minero at kanilang pamilya?

Panoorin ang ‘Walong Oras sa Dilim,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Matagal ng issue sa Pilipinas ang pangmimina.
00:05Matagal na itong tinututulan dahil sa masamang epekto nito sa ating kalikasan.
00:14Ilang beses na rin tumambad sa atin ang piligro nito sa mga minero,
00:19mga aksidente sa loob ng minahan at mga batang nakikipag sa palaran.
00:24Ito ang dahilan kung bakit noong 1991 ipinasa ang Republic Act 7076
00:33na nagtatatad ng mga tinatawag na minahang bayan.
00:39Sa ilalim ng programang ito, bibigyan ng gobyerno ang mga maliliit na minero ng permit at karapatang magmina.
00:49Pero kailangan nilang sumunod sa mga patakaran.
00:54Dahil sa batas na ito, ipinasara ng DNR South Cotabato ang mga iligal na minahan sa Qemato,
01:02pati ang malalaking minahan ng mga dayuhan.
01:05We have to close down everything kasi kahit yung mga tunnel nila, walang standard, walang PPE.
01:12Merong mga bata na pumapasok talaga sa tunnel, child labor.
01:18Malakas pa dun, drugs.
01:20Kasi nga, kailangan nilang magtrabaho hanggang gabi o hanggang umaga.
01:26Dahil sa programang minahang bayan, ngayon may kooperatiba na ang mga minero ng barangay Qemato.
01:34Naibalik sa mga katutubo ang karapatan sa pagmimina.
01:39Number one yung safety.
01:42Kasi pag iligal minor ka, walang timbering yung tunnel mo, walang mga standards.
01:48Kailangan merong medical kit doon sa area mismo.
01:55They should have a pollution control officer at saka safety officer.
02:00And then, dadaan talaga sila ng training before sila mag-ooperate sa mining.
02:05Bukod dito, mas malinaw na rin daw ang hatian sa kita.
02:10So, the problem with that gold rush dati, ang yumayaman lang is sino yung may power doon sa area.
02:16Kaya, sino yung financier may pera, madalas naaabuso yung mga small-scale miners natin.
02:26Ayon kay Kuya Renato, kumpara noon, mas malaki na raw ang kinikita niya ngayon.
02:32Kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-ipon.
02:35E sa 30 years niyo po na pagmimina, may naipundar na po kayo?
02:39Opo, ma'am.
02:40Anong napundar ninyo?
02:41Yung nabili ko ng dalawang ektarya na lupa.
02:47Wow! Dalawang ektarya na lupa! Saan po?
02:51Doon sa Sarangani po.
02:53Anong tanim doon?
02:54Nyug.
02:55Ako naman, nakakatuwa.
02:59200 plus yung punong, puno ng nyug.
03:04Akalain niyo dati nakikisaka lang kayo ngayon.
03:07May sarili na kayong lupa.
03:09Pero ayon sa DNR, hindi habang buhay ang pagmimina.
03:17Darating ang panahon, mauubos din ang ginto.
03:21Kaya importanteng turuan ng mga minero ng pagpupundar ng sarili nilang negosyo.
03:28That's why part din ng management namin dyan is yung closure ng mines.
03:35Pagdating na panahon, wala nang nakukuha.
03:37So, nakaprepare na yung mga closure plans namin.
03:44Alam din ito ni Tatay Renato.
03:46Kaya ganun na lang ang pagsisikap niyang maipagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.
03:53Sabi ko sa kanila, ayaw ko na maranasan niyo ang maranasan ko.
04:00Napakahirap, siniko. Hindi niyo makaya.
04:02Kaya, magtiis lang kayo, siniko.
04:07Hanggang kailan po kayo magmimina?
04:11Pagkatapos na nila. Saka na lang.
04:15Makalipas ang maraming oras sa ilalim ng lupa,
04:18nagdesisyon ng lumabas ng butas si Kuya Renato.
04:21Halika na, Kuya. Maakit na tayo. Sino ba mauna?
04:32Pero kung anong hirap pababa, ganun din ang hirap sa paglabas sa butas.
04:37Sige, sige.
04:52Doble hirap kay Kuya Renato kasi may bit-bit pa siyang sako.
05:04Sige po.
05:07Ay, salamat. Nakatayo na po kami.
05:15Hapon na nang makakita kami ng liwanag.
05:19Palapit na. Nakikita ko na yung liwanag.
05:31Tatlong dekada ng minero si Kuya Renato.
05:34Naghahanap ng ginto sa ilalim, otso oras sa dilim.
05:41Sada nga, ang mga pulbos ng ginto sa kanyang palad
05:45ang tutupad sa pangarap ng kanyang mga anak.
05:49Nag-promise ako na kailangan ko makapagtapos.
05:52Kailangan ko mag-persigy.
05:54Kasi alam ko yung hirap nila dito sa trabaho nila.
06:01At saka nag-promise din ako na kailangan pong tapusin yung pag-aaral ko
06:06para sa susunod na araw o pag-successful na ako.
06:09Ako naman po yung magtatrabaho para sa kanila.
06:14Para hindi na po sila mahihirapan.
06:15Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa Eyewitness, mga kapuso.
06:26Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
06:28I-comment nyo na yan.
06:29Tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended