Skip to playerSkip to main content
Hindi ito basta ordinaryong 8-hour shift. Para sa mga minero tulad ni Kuya Renato, ang trabaho ay sumuong sa masikip at madilim na tunnel—kapalit ng pag-asang makakuha ng ginto.

Kasama ang minero ng TBoli, sasama si Kara David na suungin ang makipot at madilim na tunnel.

Panoorin ang ‘Walong Oras sa Dilim,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Noong dekada 80, natuklasang mayaman sa ginto ang mga bundok ng Barangay Quimato sa Tiboli, South Cotabato.
00:12Dinagsa ito ng maraming minero mula sa iba't ibang panig ng Mindanao.
00:19Pati mga banyagang kumpanya nagtayo ng kanilang large scale mining operation dito.
00:30Makalipas ang apat na dekada, ngayon lang nakuha ng mga katutubong Tiboli ang karapatang makapagmina sa kanilang sariling lupa.
00:42Patuloy silang naghahanap ng ginto, sinisimot kung anuman ang naiwan pa.
00:50Kailangan maaga kami sa minahan.
00:52Wala na kami.
00:53Wala na, maraming makuha ng ginto.
01:00Tatlongpong taon ng minero si Renato Fado, isang katutubong Tiboli.
01:21Dating magsasaka, pumasok siya sa pagmimina nang magkaroon siya ng sariling pamilya.
01:27Kesa magsasaka po, ang kita sa tatlong buwan bago ka mag-harvest, mag-ane.
01:36Ikumpere ko lang sa pagmimina ko, ang tatlong buwan makita ko lang sa isang buwan o tatlong linggo lang sa minahan.
01:47Pero ang problema, delikado.
01:48Yun lang ang problema.
01:51Pero hindi ko na yan iniisip, pagpakapira lang.
01:57Ilang oras po ba kayo nasa loob ng tunnel?
02:00Minsan, limang oras. Abotan kami ng walong oras.
02:05Walong oras sa loob ng tunnel?
02:07Oo.
02:07Hindi ka makakita ng araw. Walang liwanag. Maliban lang sa ilaw mo, nang dinala mo.
02:13Anong oras kayo nagpasok?
02:16Eight.
02:16Eight o'clock?
02:17Eight o'clock. Labas kami, alam, five o'clock.
02:20Hindi na kayo nakakita ng liwanag niyan?
02:22Lahat buong araw at buong gabi-gabi lang, dilim ang makita mo.
02:28Tekila namin, Panginoon, nagpasalangin ko kami.
02:30Ikaw ang protection sa matagos sa kanama.
02:33Bago ako pumasok, ma'am, maganda salbo ako.
02:38Nga Lord, Ikaw na ang bahala sa buhay ko kasi wala akong magawa.
02:43Kung wala ikaw sa pabuhay ko.
02:45Sa simula, nakakatayo pa kami habang naglalakad.
03:03Pero habang lumalalim, mas nagiging malinaw ang hirap na aming gagawin.
03:09Malamig pala dito, no?
03:11Ay namin po rin sa loob.
03:13Kung nakikita ninyo ito, ayan.
03:16Yan po yung, ano nila, blower nila.
03:20Yan yung nagsusupply ng hangin sa loob kasi.
03:25Ngayon, nakakahinga pa tayo ng ayos.
03:27Pero mamaya, pag doon na sa kaloob-looban ng tunnel,
03:33ano, medyo manipis na ang hangin.
03:36Maya-maya, isang maliit na butas ang aming nadaanan.
03:45Nasimot na raw nila ang ginto sa bahaging ito.
03:49Para kasi...
03:49Nakundem na ang mga destino.
03:51Hindi natuloy kasi wala nang ginto.
03:55Wala nang ginto dyan.
03:57Kinundem na.
03:58Hindi na pwedeng pasukan.
04:04Regular daw silang minomonitor ng DNR
04:07para malaman kung ligtas pa bang pasukin ang isang mina
04:11o dapat na itong i-abandona.
04:17Makalipas ang ilang minuto,
04:20tumigil sa isang bahagi si Kuya Renato.
04:27Papasok na tayo?
04:28Okay po.
04:30Sige po, Kuya.
04:31Pasok na.
04:32Sus, kalalim!
04:50Huwag, kalalim ay!
04:52Sige, sige, kaya yan.
04:58Sus, Mariusip, kalalim.
05:01Sige.
05:02Sige, sige, sige. Kaya, kaya.
05:06Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa isang minahan.
05:13Pero lubhang maliit ang butas sa minahang ito.
05:20Hindi ko kaya pag may hawak akong isang pang ano.
05:23Pwede bang mag-Gopro ka na lang?
05:25Anong tingin mo?
05:27Pwede mag-Gopro na ako.
05:28Mahirap pag may hawak akong GoPro.
05:30Pasikip yung hindi mo kaya.
05:31May camera.
05:32Hindi kaya.
05:33Gopro na lang ako.
05:34Masikip dito.
05:36Jean, hindi ko kaya kasi maglakad na, mag-ano, kapit-kapit ng may hawak akong isang camera.
05:42Kailangan ko dalawang kamay.
05:43Sige.
05:48Maba na.
05:49Laban na.
05:51Laban na.
05:51Pasikot-sikot ang daan sa loob.
06:03Matalas ang mga pato, masikip at kailangan mong gumapang para pagkasahin ang iyong sarili.
06:09Kaya dinodoble mo ang gamit mo para?
06:15Kasi masasaktan talaga matalas ang mga bato.
06:18Opa.
06:18O, okay.
06:19Kailangan ala Spider-Man pa pala dito.
06:30Ayan po.
06:32O, hindi ko alam kung advantage ba yung maliit o yung malaki, yung matangkad o yung pandak.
06:42Kasi kapag matangkad ka, nakakakapit ka sa mga bato-bato ng mas mabilis.
06:50Pero pag matangkad ka rin, nauumpog ka rin.
06:55Tingnan natin ito.
06:56Isang pupuntahan.
07:05Hindi ko alam kung gaano pakalalim ang butas na aming lulusungin.
07:12Madaling dapuan ang takot at kaba.
07:14Dahil pakiramdam mo, walang katapusan ang pasikot-sikot sa ilalim ng lupa.
07:20Sus, kasikip talaga dito.
07:28Pumukas na pa.
07:35Malaling pa pala ito.
07:38Oh my God.
07:39Pag hindi mo kabisado itong mina, maliligaw ka.
07:52Kasi akala ko dead end na dito sa kinauupuan ko.
07:55Pero pag tinignan mo pa doon,
07:59ayoko na pumasok doon.
08:03Pero malaling pa pala.
08:05May tunnel pa doon.
08:06Makalipas ang ilang minuto.
08:14So naabot na natin yung dulo ng destination natin.
08:20Pagdating sa ilalim,
08:21diretsyo sa pagtitik-tik at pagtitibag ng bato si Renato.
08:24Gamit ang nag-iisang flashlight sa kanyang ulo,
08:32hinanap niya ang bakas ng ginto sa mga bato.
08:35Paano niyo po nalaman na meron pong ginto dito?
08:44Ito yung mga ano ma'am,
08:45may mga guide.
08:46Kasi ito yung ano,
08:48main bina niyan.
08:49May bulawan dyan?
08:51Opo, minsan kakapit ito sa bato.
08:55Ah, may ginto dyan?
08:57Kita nyo?
08:58Ayan, ginto yan?
09:00Hindi pa po.
09:01Ah, hindi pa.
09:01Pero kumbaga may kasamang ginto ito.
09:05Kumbaga buhay na bato.
09:0730 years na kasing nagmimina itong si Kuya Renato,
09:11kaya kabisado na niya yung itsura ng bato na may bulawan.
09:17Masikip, madilim at manipis ang hangin sa ilalim.
09:23Hindi ko alam kung paano sila nakakatagal sa ganitong lugar.
09:30Hindi naman ako nag-iisa.
09:31Minsan, minsan ako nag-iisa pag may ano, may kasama ko.
09:37Pero ang sikip-sikip po, dito lang kayo, hindi kayo aakyat?
09:41Hindi, nababao naman ako.
09:43Dito na rin kayo kakain?
09:44O, yung mga makain lang ang mga tinapay.
09:48Hindi na kayo lalabas?
09:51Hindi na.
09:53Wala.
09:55Pagod na kasi pag maglabas ka na ano eh.
09:57Ah.
09:58Maraming pasikot-sikot sa loob ng mina.
10:04Bawat isang minero may sariling butas na halos iisang tao lang ang kasya.
10:09So, makikita ninyo, pagbaba mo dito sa shaft na to, merong dalawang pupuntahan.
10:20Pwedeng dito, kung nasaan nakapuesto si Kuya Renato, or pwede dito sa kabila.
10:27Doon, dyan naman nakapuesto yung kasamahan niya.
10:33Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso.
10:36Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
10:39I-comment nyo na yan, tapos mag-subscribe na rin kayo sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended