Skip to playerSkip to main content
Tatlong dekada nang minero si Kuya Renato, isang katutubong Tboli. Dati siyang magsasaka na napilitang pumasok sa minahan upang maitaguyod ang kanyang pamilya.

Sa loob ng madilim at masikip na tunnel, araw-araw niyang isinusugal ang buhay kapalit ng pangarap na maayos na kinabukasan para sa kanyang pamilya at edukasyon para sa kanyang mga anak.

Panoorin ang ‘Walong Oras sa Dilim,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Abantero ang tawag sa mga tulad ni Kuya Renato.
00:05Sila ang taga-tibag ng mga bato para makagawa ng tunnel.
00:12Hindi lahat ng batong matitibag mapapakinabangan.
00:17Kailangan pa nilang piliin sa mga batong ito kung alinang may bina o gold ore.
00:24Mga bato na kinakapitan daw ng ginto.
00:30Iipunin nila mga batong ito sa mga sako.
00:34Kuya ilang sako ang kailangan mo mabuo sa isang araw?
00:40Sampo.
00:42Sampong sako ang kailangan nila.
00:44Sampong bag, ten bags.
00:46Ten bags.
00:47Ang isang sako siguro inaabot sila ng mga less than one hour.
00:53Siguro mga 30 minutes, 45 minutes na paghuhukay.
01:00Para makabuo sila ng isang sako.
01:02Ang kota nila, sampong sako.
01:04Kaya inaabot sila dito ng otso oras sa ilalim ng panel.
01:14Habang nagtatrabaho si Kuya Renato,
01:17napansin kong marami ng sakong nakapaligid sa kanyang pwesto.
01:20Kung nakikita po ninyo dito, may mga sako-sako po dito ng bato.
01:27Yung mga sako-sako ng bato na yan,
01:30yan naman ang kukunin ng mga atrasero.
01:34Yung mga atrasero, kailangan matikas ang katawan nun
01:37kasi magbubuhat siya ng siguro mga ilang kilo ba itong isang sako na to.
01:42Yung bin yan eh.
01:45Mga yan, yung mga...
01:4615 kilos.
01:49Habang nagtitiktik kami sa ilalim,
01:52mano-mano namang kinakarga ng mga atrasero sa itaas ang mga sako ng bina.
01:59Nine pesos ang bayad sa bawat sakong kanilang mabubuhat.
02:03Sa ganitong trabaho, karaniwang nagsisimula ang mga minero.
02:14Katunayan, dati rin atrasero si Kuya Renato.
02:18Pero nang tumanda siya at natuto nang maghanap ng bina,
02:21naging abantero na siya.
02:24Mas malaki raw ang kita ng mga abantero.
02:27So sa isang araw po, magkano ang karaniwang po ninyong kinikita bilang abantero?
02:32Limang araw ko nag-abante.
02:35Kapira ako ng 7K.
02:417K, limang araw.
02:43Maganda ng kita.
02:45Tapos 15 days ko, nakasahad ako ng 16K.
02:49Oo.
02:50Saan niyo po ginagastos yung pera?
02:53Sa estudyante ko, kasi may graduating na ako ngayon.
02:57Graduating ng ano po?
02:58Sa college.
02:59Naku, congratulations!
03:02Sa mga anak ni Kuya Renato, dalawa na ang nakapagtapos ng pag-aaral.
03:07Pero hindi pa raw siya pwedeng tumigil.
03:12Dahil papasok na sa kolehyo ang kanyang paboritong bunso na si Cherry May.
03:17Si Cherry May ang bunsong babae sa pamilya Fado.
03:30Masipag.
03:33Mapagmahal.
03:33Siya ang madalas na gumagawa ng baon ng kanyang tatay Renato.
03:46So, simula nung pinanganak ka, si Papa mo nasa mina na talaga?
03:51Opo.
03:51Alam mo ang trabaho niya dito sa pag-mimina?
03:54Dati po, nung hindi pa ako sumasama sa kanya dito,
03:58wala akong masyadang alam kung anong ginagawa nila.
04:01Naku-curious po ako kung ano ang ginagawa nila sa loob.
04:06Past three years, naisipan ko na sumama sa kanila,
04:12mag-observe kung anong ginagawa nila dito.
04:16So, nung una mong nakita si Papa na nandun sa loob,
04:24anong naramdaman mo?
04:26Nag-aalala po ako, or nagigilty, ganun.
04:30Nagigilty ka?
04:32Ba't ka nagigilty?
04:35Wala, ba't ka naman nagigilty?
04:38Wala ka naman kasalanan.
04:41Akala ko kasi madali lang yung ginagawa nila dito.
04:44So, nung nakita ko na lang siya,
04:47ano, ang pawis niya.
04:49Ganun pala kahirap yung trabaho nila dito as minors.
04:54Tsaka yung mga pera na nakukuha nila,
04:58eh, dugot pawis pala yung source nila.
05:02So, nung nakita mo na ganun pala kahirap?
05:06Ano po, inisip ko na magtipid,
05:08magagamitin ko na lang yung pera pag kailangan ko.
05:14Simula noon,
05:19nagdesisyon si Cherime na tulungan ng ama
05:22sa pamamagitan ng pagiging unawera.
05:27Mula sa salitang hunaw na ang ibig sabihin hugasan,
05:32trabaho ng mga unawera na hugasan ang bawat isang bato
05:37para mas madaling makuha dito ang ginto.
05:40Hindi lahat ng nakukuha nila dun sa ilalim ng tunnel
05:44ay siguradong may ginto.
05:46So, yung siguradong may ginto,
05:48yun yung tinatawag nilang good ore katulad nito.
05:52Yung good ore na yan,
05:53paghahati-hatian yan ng lahat ng mga abantero.
05:57So, ang kota nila ay 180 bags
06:00para kumita sila.
06:02Ipoproseso nila yun,
06:04tapos paghahati-hatian nila
06:06kapag nakakuha na sila ng magandang ginto doon.
06:10Ngayon, yung ibang mga nakukuha nila,
06:15wala namang ginto
06:15or kaunti lang yung ginto.
06:18Yun yung pumupunta dito sa making kung tawagin nila.
06:20Ito yung kumbaga parang waste na ore na
06:25yung alam nila hindi masyadong mataas
06:28yung percentage ng gold.
06:29Pero, nagbabakasakali yung mga tao dito
06:32na baka meron pa silang makuha
06:33kahit na alikabok lang ng ginto.
06:38Limampung sako ng bato
06:39ang kailangang mahugasan ng grupo
06:41para kumita ang bawat isa sa kanila
06:45ng isang daang piso kada araw.
06:47Dinagawa ko po yun kasi sa pang-alawans ko sa school
06:52at may ibang babaya rin.
06:55So, for, ano na din,
06:56ng assistant for, ano, sa pag-aaral
06:59at saka tulong ko na rin sa papa ko
07:02kasi tatlo kami nag-aaral
07:05tapos sabay-sabay kami.
07:09Kamakailan, nagtapos ng senior high si Cherry May.
07:14College na siya ngayong pasukan.
07:17Minsan ba, Kuya, inisip mo mag-give-up na lang?
07:22Opo.
07:25So, inisip ko naman ba yung...
07:27...is dyan, dito eh.
07:30Cherry May.
07:30Cherry May.
07:31Sana, katapos sana,
07:33bago ako paghinto sa paghanap ng ginto.
07:36Brabang may lakas pa.
07:38Pag naisip mo ang mga anak mo,
07:42naglakas na ang loob mo.
07:44Opo.
07:45Ginagawa ko lang sila ng inspirasyon sa pagtrabaho.
07:49Sana makatapos si Cherry May.
07:53Ganun talaga,
07:54ang ating mga anak ang nagbibigay ng lakas sa atin.
07:58Para lumabang.
07:59Talaga na, Kuya, malakat na tayo.
08:03Walang madilim.
08:08Walang mahirap.
08:11Sa isang amang nagmimina
08:14ng pangarap.
08:24Maraming salamat sa pagtutok ninyo sa eyewitness, mga kapuso.
08:28Anong masasabi ninyo sa dokumentaryong ito?
08:31I-comment nyo na yan.
08:32Tapos, mag-subscribe na rin kayo
08:34sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended