Skip to playerSkip to main content
- Bahay, nadaganan ng puno ng eucalyptus; 1 sugatan
- Projected oil price rollback next week
- Sen. Estrada at Ex-DPWH Sec. Bonoan, nagpiyansa sa kasong Graft kaugnay sa Flood Control Scandal
- Sen. Lacson, umaasang 'matatauhan' ang ilang majority senators at lilipat sa minority
- Ama ng na-recover na labi kahapon, patay na ring nakuha; mga nasawi sa pagguho, 6 na
- Holdup suspect na sinabihan daw na "idiot," nagtangkang saksakin ang biktimang dayuhan
- #DomengPH
- Truck na kargado ng construction materials, bumangga sa kasalubong na truck
- Hardware store hinoldap; P10,000 kita at nasa P70K-P80K na alahas ng tindera, nalimas
- Trip to Palawan ni Angel Guardian | Laufey tries Pinoy delicacies
- Blue Origin Rocket, sumabog sa test launch
- "Hulog-cellphone" prank ng nag-human drone na tour guide, nagpasaya sa bakasyon ng pamilya

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04State of the Nation
00:13UP ang bubong ng bahay na ito sa Cebu City matapos madaganan ng higanting puno ng eucalyptus.
00:20Gumamit ang mga otoridad ng heavy duty na chainsaw para maputol ang nabual na puno.
00:25Himalang nakaligtas ang pamilyang nakatira sa kabila ng tindi ng pinsala sa kanilang bahay.
00:31Pagamat isa sa mga anak ang nasugatan sa paa,
00:35ayon sa may-ari ng bahay, bigla nalaman silang nakarinig ng malakas na kalabog.
00:40Hinala nila nabual ang puno dahil sa malakas na ulan kamakailan.
00:47Punyo na sa susunod na linggo at sa unang martes ng bagong buwan,
00:52haharurot ang big time bawas presyo sa petrolyo.
00:556 pesos and 50 centavos hanggang 7 pesos and 50 centavos ang tapya sa kada litro ng diesel.
01:02At mula 3 pesos and 50 centavos hanggang 4 pesos and 50 centavos sa kada litro ng gasolina.
01:10Estimate yan ang source sa oil industry, batay sa average ng 4-day trading ng krudo sa world market.
01:16At hindi lang sa mga gasolinahan may buwan namanong bawasingil ngayong Junyo,
01:21ayon sa Civil Aeronautics Board,
01:23efektibo sa June 1 to 15 ang pagbaba ng fuel surcharge sa level 13,
01:29mula sa kasalukuyang level 15.
01:31Dahil dyan, depende sa distansya,
01:33bababa ang surcharge sa 423 to 1,237 pesos sa domestic flights,
01:40at halos 1,400 hanggang lagpas 10,300 pesos sa international flights.
01:46Ang fuel surcharge ay optional fee na posibleng ipasa ng airlines sa mga pasahero
01:52para makabawi sa adjustment sa jet fuel prices.
01:56Bukod pa ito sa base fare sa airline.
02:01Malaya ngayon sa visa ng piyansang TIG 90,000 peso sina Sen. Jingo Estrada
02:06at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
02:09Dalawa sila sa limang akusado sa graft o katiwalian
02:12kaugnay sa flood control scandal.
02:15May report to Joseph Moore.
02:20Derecho sa Sandigan Bayan kanina si Sen. Jingo Estrada
02:23kasama ang misis ni si Presi at kanilang mga anak.
02:26May arrest warrant na kasi sa kanya ang 2nd Division para sa kasong graft.
02:34Nagkatensyon na magkagitgitan ang mga security at mga miyembro ng media.
02:43Naipit sa komosyon ang bunso ng Senador na yakap noon ng ina.
02:51Sa loob ng korte, dumaan sa pagproseso ang Senador.
02:55Kinunan siya ng fingerprint ng PNPC IDG
02:58saka nagpiansa ng 90,000 pesos.
03:01Ang kasin niyang graft o katiwalian
03:03ay bunsod ng umunipagtanggap niya ng 573 million pesos na kickback
03:07mula sa mga proyekto ng DPWH.
03:11Sumipot din sa korte ang sinasabing kasabuat at kapwa-akusado ni Estrada
03:15na si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
03:18Naging mailap siya sa media.
03:20Pero ayon sa 2nd Division Chairperson sa Sandigan Bayan beside ng Justice Geraldine Ekong,
03:25nagbayad din ng 90,000 pesos na piyansa si Bonoan.
03:30Bigo si Estrada sa apilang harangi ng arrest warrant dahil sa aning paglabag sa due process.
03:35Sa isang pahayag, maringitin ang ginistrada ang mga paratang laban sa kanya
03:39na aning walang batayan at katotohanan.
03:42Ang pagpiyansa niya ay bilang respeto rao sa judicial institutions
03:46at pagkilala niya sa horisdiksyon ng Sandigan Bayan.
03:50Isa rao ang paglagak ng piyansa sa legal remedies
03:52na pwede niyang gawin sa ilalim ng justice system ng bansa
03:55at balak niya rao gamitin ang mga ito para ipagtanggol ang sarili at linisin ang pangalan.
04:01Umaasa si Estrada sa patas na pagtrato, due process at walang kinikiling ang pagdinig.
04:06Papasok daw siya sa Senado sa lunes.
04:09Of course, never naman tayo nag-absend sa Senado.
04:13Bukod sa graph, naharap din si Estrada sa kasong plunder o pandarambong
04:17at isa pang graph sa Sandigan Bayan 5th Division.
04:20Wala pang inilalabas na warrant of arrest ang naturang dibisyon.
04:24Non-vailable ang plunder na ikatlong beses ng kakaharapin ni Estrada.
04:28Either way, I think most probably surrender. Surrender yan.
04:32After the third time, this is the third time, masanin na naman siya sa kung anong gagawin niya.
04:392001, nang makulong dahil sa plunder si Estrada, nung San Juan City Mayor pa siya.
04:44Kumumbra raw sila ng amang si dating Pangulong Joseph Estrada at iba pa ng mahigit kalahating bilyong pisong weteng payola.
04:52Pinawalang sala siya ng Sandigan Bayan noong 2007.
04:552014, kinasuhan siya ng plunder at graft, kaugnay naman sa pork barrel o pedaft scam.
05:022024, hinatulan siya ng not guilty sa plunder.
05:06Batay sa desisyon ng Sandigan Bayan, hindi napatunayan beyond reasonable doubt
05:10ang conspiracy o sabwatan ni Estrada at Janet Lim na polis.
05:15Dinidinig pa rin sa Sandigan Bayan ang graft case niya sa pork barrel scam pa rin.
05:20Out on bail siya ngayon sa kasong yan.
05:23Nang pumotok ang flood control scandal, tinukoy ni Estrada ang mga dating niyang naging kaso,
05:28kayaan niya madali siyang nadawit.
05:30Pag sinabi mo ba, o si Sen. Juntiveros, humihingi ng 30%, maniniwala ba tao? Hindi.
05:37Pag ako, o si Sen. Estrada, humihingi ng 30%, maniniwala ba tao?
05:43Yes, dahil I have my past.
05:46Meron akong mga nakarana na issues.
05:48Kaya I am very vulnerable to all these attacks.
05:53And I deny, vehemently, na merong hinihingi akong porsyento sa mga proyekto.
06:01Ngayong nahaharap na muli sa kasong plunder, sabi ni Estrada.
06:05This is the price that I have to pay for studying on my principles of what I believe in.
06:11So good.
06:12Ulitika ba sa tingin ni Sen?
06:14Your guess is as good as mine.
06:17Joseph Morong, Gemini News.
06:19Umaasa si Sen. Ping Laxon na madaragdagan silang labing isang senador sa Minority Block.
06:25Sabi ni Laxon, sana raw matauhan ang mga senador sa mayorya.
06:29Kasunod naman ang nangyari sa Senado kamakailan.
06:32Sa isang Facebook Live, sinabi naman ni Sen. President Alan Peter Cayetano
06:36na tinatakot ang ilan sa majority senators, kabilang ang pagkasampan ng kaso.
06:42Ngayon lang daw kasi nangyari na ang mayorya ng Senado ay hindi sunod-sunuran sa Malacanang.
06:47Pusible ang niyang maglabas ang kanyang mga kasamahan sa mayorya ng ebidensya ng pananakot sa kanila.
06:54Sa isang panayam, iginiit ng Pangulo na lumabas ang mga aligasyon laban sa mga senador
07:00habang iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang flood control projects.
07:06Anim na ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles, Pampanga.
07:11Ayon sa mga otoridad, ama ng isa pang nasawi sa trahedya ang narecover na biktima kaninang madaling araw.
07:18Isa pang kumpirmadong nasawi ang nananatiling unidentified.
07:22Tabing apat pa ang patuloy na hinahanap sa guho.
07:25Hindi pa rin inaalis ang posibilidad na may buhay pa sa mga biktima.
07:35Nasa kote sa Maguindanao, ang dalawang nagtangkang dumukot sa isang manging isda.
07:40Sa Bacolod City naman, huli sa buy bus ng isang sospek sa tangkang pang hold up sa isang dayuhan.
07:47May spot report si Sandra Aguinaldo.
07:52Nilapitan ng lalaking yan ang mag-partner na nasa harap ng convenience store sa Bacolod City.
07:58Maya-maya, tila may ibinulong ang lalaki sa nakaupo.
08:02Bigla siyang humugot ng kutsilyo at akmang sasaksakin sa tagiliran ang nakaupong isa palang banyaga.
08:09Ayon sa partner ng dayuhan, hindi nagbigay ng pera ang dayuhan sa lalaking nang hingin noon.
08:14Ayon naman sa pulisya, posibleng tinatangka ng lalaki na mang hold up.
08:19Nagtamo ng sugat sa tagiliran ang dayuhan.
08:21Ang sospek, naaresto sa drug by bus operation ng pulisya.
08:25Positibo siyang kinilala ng biktima.
08:28Subagot ang sospek kung bakit niya sinaksak ang dayuhan.
08:44Handang humingi ng tawad sa mga biktima ang sospek na maaharap sa asunto.
08:50Sa Maguindanao del Sur, arestado ang dalawang sospek sa tangkang pagkidnap sa mangingis ng senior citizen.
08:58Sa galit ng mga residente, kinuyog nila ang mga sospek nang maisakay sa pulis mobil.
09:05Pinagsisira nila ang kotse na ginamit ng mga sospek sa pagdukot.
09:08Ayon sa pulisya, sapi nitang isinakay ng dalawang sospek ang biktima pero nakatakas.
09:15Tumakas din ang mga sospek pero nasa kotirin.
09:18Inaalam pa ang motibo sa pagdukot sa mangingisda.
09:22Sandra Aguinaldo, GMA News.
09:25Bago ngayong gabi, lalo pang lumakas at isa ng severe tropical storm ang Bagyong Doming.
09:31Kuling namataan ang Bagyong Doming, 1,045 kilometers silangan ng Central Luzon.
09:36Kupikiris ito pa west-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
09:41Hindi direktang tatama sa lupa ang bagyo at inaasa ang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa lunes.
09:47Pero palalakasin ang bagyo, ang southwesterly windflow na siyang magdadala ng malalakas na pagulan sa kanurang bahagi ng bansa ngayong
09:55weekend.
09:56Ayon sa datos ng Metro Weather, mataas ang tsansa ng ulan ngayong weekend lalo na sa hapon at gabi.
10:02Kasama sa makararanas niyan ang northern at central Luzon.
10:06Ilang bahagi ng Calabar Zone, Bicol Region, Limaropa, malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
10:13Sa Metro Manila, may tsansa rin ng ulan sa weekend.
10:16Kaya maging alerto at mag-monitor ng advisories ng pag-asa.
10:22Nasawi ang dalawang minordiyad sa Benguet nang matumba ang sinasakyan nilang six-wheeler.
10:27Sa Rizal naman, nasaksihan ng isang jogger ang banggaan ng magkasalubong na truck.
10:33May Spot Report si Tina Panganiban Perez.
10:38Sa gitna ng video ng paglalakad ng lalaking ito, sa pakurbang bahagi ng Domsa o Don Mariano Santos Avenue sa
10:46Angono Rizal,
10:47biglang narinig ang matinding pagpreno ng sasakyan.
10:52Pagpaling ng kanyang kamera, doon nakita ang truck na may dalang construction materials na nakabanggaan ang kasalubong na truck.
11:01Nagdirediretsyo ang truck na may construction materials at bumanga sa poste.
11:06Wasak naman ang unahan ng bahagi nitong truck.
11:09Ligtas ang driver at pahinante nito.
11:12Nagkaayos na ang magkabilang panig.
11:15Sa Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, humambalang naman ang isang ten-wheeler matapos mahulog ang likurang bahagi nito.
11:24Ayon sa nakasaksi, paliko ang truck sa kurbadang bahagi ng kalsada ng maaksidente.
11:30Ang truck ay kargado ng construction materials.
11:34Lima ang patay at mahigit dalawampu ang sugatan nang matumba ang sinakyan nilang six-wheeler sa Kabayan Benguet.
11:41Dalawa sa mga nasawi ay menor de edad, galing Mountain Province at pababa sa Nueva Vizcaya ang truck.
11:48Sa Pagudpun, Ilocos Norte, sumalpok sa puno ang isang SUV.
11:54Nayupi ang bubong nito kaya hirap mailaba sa mga sakay na galing Isabela.
12:00Dalawang babaeng sakay nito ang dead on arrival sa ospital.
12:04Pito ang nagpapagaling sa ospital, kabilang ang 20 anyos na driver.
12:10Batay sa investigasyon, nawala ng kontrol sa sasakyan ang driver.
12:15Tina Panganiban Perez, GMA News.
12:18Hulikam sa Davao City ang lalaking nagpanggap na bibili pero mangohold up pala.
12:23Naka-helmet ang sospek na lumapit at nagbayad pa sa tindera para sa binili niyang electrical tape.
12:30Pero nang nasa kaha na ang tindera para manukli, sumunod ang sospek saka bumunot ng baril.
12:36Wala nang nagawa ang biktima kundi ibigay sa sospek ang 10,000 pisong kita ng tindahan na nasa kaha.
12:42At mga alas niyang nasa 70 hanggang 80,000 piso ang halaga.
12:47Pero nang puntirahinan ng sospek ang cellphone ng tindera, nagpanggap ang biktima na hihimatayin sa kaumalisang sospek.
12:56Kumakala pa ng ibangkuhan ng CCTV sa lugar ang polisya para makilala ang sospek.
13:07New milestone unlocked for Marco Massa.
13:11Nagtapos na sa senior high school ang ex-PBB Celebrity Colab 2.0 housemate.
13:16Thankful si Marco sa natanggap na suporta, lalo't aminado siyang hindi madaling pagsabayin ng studies at showbiz.
13:24Tila dala pa rin ni Sangredea Angel Guardian ang briliyante ng hangin sa kanyang trip sa Palawan.
13:31Busog ang tiyan at mata niya sa masasarap na pagkain at relaxing view sa malaparaisong isla.
13:38Mag-asawang EA Guzman at Shira Diaz nag-helicopter ride over Las Vegas.
13:44Ano nila, definitely one of the best experiences.
13:48I actually have never had limpias.
13:52This is really tasty.
13:54International artist Leve tries Pinoy delicacies.
13:59Moving on.
14:00Turong.
14:01I'm allergic to jackfruit.
14:05Mmm.
14:06Tastes like heaven.
14:07Katatapos lang ng three sold-out shows ng Icelandic-Chinese singer-songwriter sa Manila.
14:14Lalaking Austrian na umaming nagplano ng pag-atake sa concert ni Taylor Swift noong 2024 sa Vienna.
14:20Sinentensya hang makulong ng labin limang taon.
14:23Sa kanyang final statement, humingi siya ng sorry sa nagawa.
14:27Athena Imperial, GMA News.
14:33Habang nasa launchpad pa, sumabog na agad ang New Glenn rocket ng Blue Origin na pag-aari ng billionaire na
14:41si Jeff Bezos.
14:42Parang pagsabog ng nuclear bomb ang dinulot nitong higanting mushroom cloud.
14:47Dahil gabi ng May 28, nangyari ang disgrasya.
14:50Nagliwanag ang kalangitan at paligid ng space center ng NASA sa Cape Canaveral, Florida.
14:59Unmanned o walang astronaut na sakayang rocket na nagtetest ng makina nito.
15:04Target sana ng Blue Origin na magpadala ng low-orbit satellites na magkahatid ng broadband internet.
15:10Pantapat sa Starlink ng bilyonaro ring si Elon Musk.
15:19Muntik na maiyak at tumalon sa lawa ang ilang magkakaanak mula Iloilo na nagbakasyon sa South Cotabato.
15:26Ang kanilang cellphone kasi, nabitawan daw ng tour guide na nag-human drone.
15:31Ang plot twist niyan, pusuhan sa report ni Oscar Oida.
15:40Ang padron drone na drown?
15:48Nagulantang lahat ng turistang magkakamag-anak na ito dahil di umano na hulog ang cellphone ng kasama nila na ginamit
15:57ng tour guide sa pag-alayuman drone.
16:00Pero bago pa magsitalot ang lahat, it's a prank!
16:08Palakba ka ng buong pamilya mula Iloilo dahil mas sumaya ang kanilang paglalayag sa punta-easter resort sa Lake Cebu,
16:18South Cotabato.
16:19Ang iba sa kanila, tulad ni Lola, alalang-alala pa rin at tila di makamove on sa trauma.
16:28Ang tour guide nilang pabibo, complete package pala ang offer.
16:33Bukod sa napakarami niyang trivia, panalo rin ang eksahiradang human drone na may pa-element of kaba para naman kuha
16:43-kuha ang tanawing magaganda at mga turistang tuwang-tuwa.
16:50Oscar Oida, GMA News
16:55At yan ang mga baritang dapat niyong malaman. Ito ang GMA News.
16:59Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:01Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:03Ako po si Atom Araulo at ito ang State of the Nation.
17:08Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
17:11Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
17:13Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
17:13Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
17:13Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
17:13Ako po si Atom Araulo at ito ang mga baritang.
Comments

Recommended