- 2 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Senior citizen na street sweeper, nakaladkad ng kableng sumabit sa truck
- 1 Pinoy, kabilang sa 1,500 na nawawala sa Nepal-China flashflood; napaulat na nasawi, umakyat na sa 332
- Lalaking nag-set up ng camera na mukhang ballpen para mamboso, arestado
- Singil sa tubig ng manila water, posibleng tumaas nang higit P1/cubic meter
- Tricycle driver, nasawi nang mabagsakan ng puno
- Lalaking nagtangkang manghablot ng cellphone, binugbog
- Industrial area, nasunog
- Pagtagas ng tubig sa bagon, bunsod ng sirang aircon drain line valve, ayon sa LRT-1
- Romualdez Camp, ipinababasura ang kaso laban kay Romualdez; "walang credible na testigo"
- Tsuper na pumasada kahit lasing umano, kinansela ang lisensya
- DENR-EMB, inaalam kung reclamation area ang pinagmulan ng alikabok sa hanging hinipan ng 'gust front'
- First lady Melody Acosta sa "Born to Shine"
- Hicming Falls sa Virac, Catanduanes
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- 1 Pinoy, kabilang sa 1,500 na nawawala sa Nepal-China flashflood; napaulat na nasawi, umakyat na sa 332
- Lalaking nag-set up ng camera na mukhang ballpen para mamboso, arestado
- Singil sa tubig ng manila water, posibleng tumaas nang higit P1/cubic meter
- Tricycle driver, nasawi nang mabagsakan ng puno
- Lalaking nagtangkang manghablot ng cellphone, binugbog
- Industrial area, nasunog
- Pagtagas ng tubig sa bagon, bunsod ng sirang aircon drain line valve, ayon sa LRT-1
- Romualdez Camp, ipinababasura ang kaso laban kay Romualdez; "walang credible na testigo"
- Tsuper na pumasada kahit lasing umano, kinansela ang lisensya
- DENR-EMB, inaalam kung reclamation area ang pinagmulan ng alikabok sa hanging hinipan ng 'gust front'
- First lady Melody Acosta sa "Born to Shine"
- Hicming Falls sa Virac, Catanduanes
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:21The street sweeper is in a delivery truck.
00:25Tumama pa siya sa isang post-it.
00:27Nangyari yan itong Martes sa Valenzuela City.
00:30Di kita sa CCTV pero sumabit pala sa truck ang isang kable na siya namang humila sa street sweeper.
00:37Inoperan siya sa balikat at naghihintay din ang operasyon sa paa.
00:41Aakuin ng kumpanya ng delivery truck ang gasto sa ospital at gamutan.
00:46Iniimbisigahan naman kung paanong napulupot sa katawan ng biktima ang kable at kung sa aling utility company ito.
00:55Kinukumpirma pa ng gobyerno ang iniulat na isang Pilipinong turista ang kabilang sa mayigit isang libong nawawala
01:02kasunod ang pagragasan ng Baha at Putik sa border ng Nepal at China.
01:06Ang trahedyang yan na tinawag ng eksperto na debris flow,
01:10nangyari na rin daw dito sa Pilipinas at hindi malayong maulit.
01:14May report si Maki Pulido.
01:20Nagtakbuhan ng mga residente sa bahaging ito ng Tibet sa border ng China at Nepal.
01:25Ilang sandali lang rumagasa ang malat tidal wave na Baha.
01:29Wasak ang gusali na nawash out kasama ng mga nakaparadang sasakyan at mismo mga residente.
01:37Nakapangingilabot din ang tagpong ito.
01:39Nabura sa isang igla pang isang gusali pati ang mga taong gustong makalikas.
01:49Bago ang mga sandaling yan, mula sa malayo,
01:52rinig na ang pagragasan ng tubig sa pagitan ng mga bundok.
01:55Hanggang sa...
01:59nilamon na ng tubig ang ilog at mga bahay sa gilid nito.
02:05Ilang residente ang nakasaksi sa nakapanlulumong ragasan ng tubig.
02:11Higanteng alon ang humampas sa Bote Cossie River.
02:16Tila laruan lang na sinira ng baha ang mga tulay.
02:19Ang pagragasan ng baha nag-iwan ng makapal na putik sa mga komunidad.
02:24Ayon sa local media, tinatayang mahigit tatlong daan ang kinitil ng pagragasan ng bato at putik.
02:30Mahigit san libo naman ang nawawala.
02:32Ayon sa Nepal Tourism Board, kapilang dyan ang isang Pinoy na ngayon ay kinukumpirma pa ng ating mga otoridad.
02:38Mga babae ho ba yan? Reported o lalaki?
02:42Wala pong indication if it's a male or a female po.
02:46We presume that dahil po galing po yung datos po sa Nepal Tourism Board, that the person is a tourist
02:54there.
02:54Nakikipag-coordinate na ang pamahalaan sa Nepalese authorities and with the Filipino community to determine if there are Filipinos affected
03:02by the incident.
03:03Sa tala ng Department of Foreign Affairs, nasa 122 Pilipino ang naninirahan sa Nepal.
03:09Karamihan sa kanila, mga babaeng kasal sa Nepali Nationals.
03:13Si Pangulong Marcos nagpaabot na ng pakikiramay sa mga nasa Nepal at mga naapektuhan ng flash flood, lalo sa mga
03:19nawala ng mahal sa buhay.
03:21Tanaw sa satellite images ang iniwang pinsala ng flash flood.
03:25Ang mga otoridad doon nagbabala sa mga residente at rescuers na lumayo muna sa mga ilog.
03:30May nabuo kasing lawa kung saan nangyari ang baha sa Nepal at pinangangambahang magdulot muli ng trahedya.
03:37Sa ngayon, wala pang ibang detalye, kaugnay niyan.
03:39Pero ano ba ang mitsa ng flash flood sa Nepal?
03:42Ayon sa mga ulat, isang bahagi ng glacier sa Himalayas ang gumuho.
03:47Inakala pa itong lindol pero sabi ng US Geological Survey,
03:50nagkaroon ng seismic energy o paggalaw ng lupang dulot na mga gumuhong bato at yelo ng glacier.
03:57Sinundan yan ng debris flow.
03:59Parang baha na pero may laman na mga bato, graba, buhangin.
04:04Na pagka umagos ay parang wet concrete.
04:07Debris flow ang tawag dyan.
04:09Boulders na tangay-tangay ng baha na more than 50% ang bato.
04:15Mas marami pa sa tubig.
04:17Ang debris flow na nangyari sa Nepal naranasan na rin noon sa Pilipinas.
04:21Gaya sa Compostela Valley noong 2012 na kumitil ng mahigit limang daan.
04:262015 naman ang natabunan ng bahagi ng ilang barangay ng Baco Oriental Mindoro
04:31ng mga naglalakihang bato mula sa debris flow.
04:35At di raw malayong mangyari ulit yan.
04:37Marami tayong buntok.
04:39Pag nagkaroon ng landslide because of a storm,
04:42doon sa mountains, meron tayong source material.
04:45And when they get remobilized, they turn into what we call as debris flows.
04:49And they exit at the mouth of the drainage network.
04:53There are more than 1,000 places that we've identified and we need to put them out of harm's way.
04:59And if we cannot get them to leave that place, at least we need to get them prepared.
05:05Mackie Pulido, GMA News.
05:08Kalaboso ang isang lalaki na namboso sa mga katrabahong babae gamit ang spy camera na mukhang ballpen.
05:14May report si Jomer Apresto.
05:19Ilang beses kinakalikot ng lalaking yan ang sineset up na kamera at sinisipat ang tamang anggulo.
05:25Habang nasa loob ng banyo ng isang staff house sa Malate, Maynila,
05:29ang pakay niya, bosohan umano ang mga katrabahong babae.
05:33Yung katrabaho ko, sinabi sa akin na may nakita silang object sa may ipit ng CR.
05:42So yung isang katrabaho ko, habang siya naliligo, nagtaka siya kasi parang akala namin, akala niya pen lang.
05:49Nang suriin ang admin ng staff house, nakita niya ang isang memory card at tumambad ang mga video
05:54na mga babaeng katrabaho habang naliligo.
05:57Pilit namin siyang pinapaamin kung bakit niya ginawa yun.
06:00Kung binibenta niya ba, pinagkakitaan niya ba yung dito kami.
06:05Sabi niya hindi daw, addict daw siya sa pornography.
06:08Agad isinumbong sa otoridad ang sospek na hawak na ngayon ng mga otoridad.
06:13Malamang ko na matagal niya nang ginagamit yun, nakakabit doon sa CR na yun.
06:20Iniimbestigahan kung ibinibenta ng sospek ang mga video, pero sa pahayag niya sa polis siya.
06:25Pang-personal niya lang pong consumption, yun po ang pagkakasabi.
06:29Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek sa reklamong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act.
06:36Sa pag-usbong ng iba't ibang teknolohiya, paano nga ba mapoprotektahan ng sarili mula sa kaparehong insidente?
06:43Ayon sa isang US-based cyber safety software company, suriin muna ang paligid.
06:48I-check ang mga pader, mga saksakan at iba pang bahagi ng silid.
06:51Tignan kung may LED lights o maliliit na ilaw sa kwarto at gumamit ng flashlight para sipatin kung may spy
06:58camera.
06:58Ilan sa mga posibleng pagtaguan ng spy camera ay mga ilaw, appliances, salamin at butas na pader.
07:04Pwede rin itest ang salamin kung two-way mirror ito o yung tagusang nakikita sa kabila.
07:09Pusibleng may spy camera kung walang puang sa pagitan ng daliri.
07:13Ayon sa PNP, makatutulong din ang paggamit ng smartphone app o professional bug detector sa pag-check ng paligid.
07:20Jomer Apresto, GMA News.
07:24May nakambang taas singil ang Manila Water sa huling quarter ng taon.
07:28Mahigit piso kada cubic meter ang posibleng itaas ng singil na maaaring ipatupad sa Oktubre.
07:34Enero naman ng susunod na taon, ipatutupad ang huling tranche ng rate hike na posibleng umabot ng piso kada cubic
07:42meter.
07:43Ang dagdag singil ay bahagi ng rate rebasing o yung inaprobahang adjustment sa singil sa tubig
07:50base sa gastos ng mga water concessionaire sa pagkasaayos ng kanilang pasilidad.
07:57Nagulungan ng truck ang isang bata sa Cebu habang nabagsaka ng puno ang isang tricycle driver sa Ilocos Sur.
08:03Ang mga aksidente yung kumitil ng buhay sa report ni Sandy Salvasho ng GMA Regional TV.
08:13Ang sanay pahinga sa lilim ng puno, naging mitya sa pagkasawi ng isang tricycle driver sa Santa Maria Ilocos Sur.
08:20Ayon sa pulisya, pumarada ang biktima at nabagsakan ng puno ng akasya.
08:25Maaaring umanong lumambot ang lupa kaya nabuhal ang puno.
08:33Pumailalim naman ang batang iyan sa isang truck sa Balamban, Cebu.
08:36Sa investigasyon ng pulisya, bumaba ng truck ang driver para tignan ang bateriya ng sasakyan dahil hindi ito umaandar.
08:43Pero bigla itong umabante at nabundol ang tumatawid na bata kasama ang kanyang lola.
08:49Sugatan ang lola habang dead on arrival sa ospital ang bata.
08:53Inararo rin ang truck ang nakaparadang tricycle.
08:56Nasa kustudiyan na ng pulisya ang driver na nahaharap sa reklamo, suspendido ng kanyang lisensya.
09:04Paliko ang jeep na ito sa Batangas City.
09:06Nang biglang, sumulpot ang umaharurot na truck.
09:10Inararo ng truck ang jeep.
09:11Damay patiposte ng ilaw.
09:14Dalawa ang nasawi, kabilang ang isang minor de edad.
09:17Labing isa ang sugatan.
09:18Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na posibling maharap sa reklamo.
09:22Mula sa GMA Regional TV, Sandy Salvaso, GMA News.
09:31Bugbog ang inabot ng isang lalaki na nagtangtang manghamblot ng cellphone sa Bacolod City.
09:43Naaktuhan ng isang residente ang lalaki na sinubukang hablotin ang cellphone ng isang estudyante.
09:48Hindi rin daw ito ang unang beses na nagnakaw ang lalaki.
09:52Sa kabila ng sinapit ng lalaki, nakatakas pa rin siya.
09:56Inimbestigahan ng pulisya ang insidente.
10:00Bago ngayong gabi, sumiklabang sunog sa isang industrial area sa Valenzuela City, pasado alas 7 ngayong gabi.
10:07Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na inabot ng dalawang oras bago i-deklarang fire out.
10:13Nalambang pinagmula ng apoy at halaga ng pinsala.
10:21Halos mabasa ang mga pasahero ng LRT-1 dahil sa tumatagas na tubig sa bagon nito.
10:30Takang-taka ang uploader ng video dahil hindi naman daw umuulan sa monumento sa Kaloocan noong lunes.
10:37Paliwanag ng Light Rail Manila Corporation, tubig mula sa aircon ang tumagas dahil sa depektibong aircon drain line valve.
10:45Nasira umano ito ng mas maaga sa takdang tatlo hanggang limang taong lifespan.
10:51Inalis na raw ng LRMC ang tren at tinala sa depot para masurit.
10:56Pinalitan na rin ang nasirang valve.
10:58At para hindi na maulit ang insidente, pinadalas na ang pagsusuri sa mga aircon drain valve.
11:04Plano rin palitan ng valve sa lahat ng tren sa fleet.
11:09Iginit ng kampo ni Congressman Martin Romualdez na walang credible witness laban sa kanya ang ombudsman,
11:15kaya dapat daw ibasura ang kaso laban sa kanya.
11:18Sagot yan ni Romualdez sa naunang pahayag ng ombudsman na meron silang 28 testigo laban sa kanya
11:24sa kabila ng pagbawi ng testimonya o affidavit ng apat sa mga dating tauhan, itating Congressman Zaldico.
11:32Hindi pa rin daw nila nakikita, nababasa o nalalaman kung sino ang naturang 28 testigo.
11:39Iginit pa ng kampo ni Romualdez, walang saksi na direktang naguugnay sa kanya sa flood control scam at sa kickback
11:46mula rito.
11:47Sagot naman ni Assistant Ombudsman Mico Clavano,
11:50hindi eraser ang recantation o pagbawi, kundi dagdag na ebidensya.
11:55Dahil dalawaan niya ang magkaibang pahayag, kailangang suriin kung alin dito ang totoo.
12:03Habang buhay nakansilado ang lisensya ng isang jeepney driver na pumasada ng Lasing sa Maynila.
12:14Sa viral na ngayong video mula sa Facebook page ni Gabriel Go,
12:19kita ang peligrosong pag-umaneho ng tsupero sa Taft Avenue,
12:22nang imbisagahan na pag-alamang gumagamit din ang driver ng iligal na droga.
12:28May mga dati rin umanasyong paglabag na hindi pa nare-resolve ba.
12:33Inimpound na ng LTO ang jeep.
12:35Ipinatawag din ang operator nito.
12:40Peligroso rin ang trip ng mga kabatangya na sakay ng tatlong motorsiklo sa Antique.
12:45Wala na ngang mga helmet, di pa maayos ang pagangkas ng isa sa mga ito.
12:50Pinagpapaliwanag na ng LTO ang mga rider at may-ari ng mga motor.
12:56Inaalam ng Department of Environment and Natural Resources kung galing sa nireclaim na bahagi ng Manila Bay
13:02ang mga alikabok na nilipad ng hangin na hinipa ng gust front kahapon.
13:07Sa mga kuha ng satellite ng Environmental Management Bureau ng DNR,
13:12nasa 40-50 km ng kumpol ng buhangin at iba pang particles ang itinulak pataas ng hangin.
13:20Sa kabila nito, wala raw naging masamang epekto sa ground-level air quality
13:24ang pagtama ng gust front na may kasamang buhangin.
13:28Nakatulong din naman o ang ulan dahil sa natural scrubbing mechanism nito para labanan ng polusyon.
13:34Kaling nang tanghali, may gust front muli na napansin sa bahagi ng Manila Bay.
13:41Wala po halos naging epekto sa kalidad ng hangin ang nangyaring resuspension po ng mga sand
13:50na dala ng gust front ng habagat.
14:02First Yaya turned First Lady Melody Acosta.
14:06Mapapanood na rin sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine.
14:11Ipinasilip ni Sanya Lopez ang pag-reprise niya ng role na na-miss daw niyang gampanan.
14:15Yung preparation ko lang, pinanood ko lang ulit yung First Lady para ano ba yung atake ko doon
14:20kasi syempre sa dami na mga teleserye na dumaan sa atin, kailangan mong balikan kung sino.
14:27Yes, refresh lang.
14:30Kelvin Miranda mapapanood na rin sa The Master Cutter.
14:33Grateful si Kevin sa oportunidad, lalo't dream come true raw ang makatrabaho niya si Ding Dong Dantes.
14:39Dream ko rin talaga mga trabaho si Kuya Dong. Sobrang saya ko na kasama ko siya siya siya.
14:46Alamin kung kalaban nga ba o kakampi ang karakter ni Kelvin sa series.
14:52Sparkle Opa Kim Ji Soo sasabak bilang kontrabida sa Task Force Firewall.
14:57I feel very excited. It's my first time to do real villain which is that guy. I'm so excited.
15:05Von Aquino, GMA News.
15:12May mga paraisong hindi agad nakikita pero kapag narating mo, mapapatigil ka sa ganda.
15:18Gaya na lang ng isang natatagong talon sa Katanduanes na unti-unti nang nadidiskubrein ng mga turista.
15:24G tayo dyan kasama si Darlene Kai.
15:29Bukod sa sikat na Rolling Hills, may isa pang natural wonders at Katanduanes sa unti-unting tutuklasan ng ganda.
15:36Sa kasuluk-sulukan ng gubat, matatagpuan ang Hickming Falls.
15:41Wala virak proper, humigit kumulang 20 minuto ang biyahe papuntang barangay Hickming.
15:46Sampung minutong trek at makikita na ang hidden gem na ito.
15:50Hindi man kasing laki ng ibang sikat na falls, isa ang Hickming Falls sa ipinagmamalaki ng isla.
15:56Hindi po kompleto yung trip nyo sa Katanduanes or exposure kapag hindi nyo na bisita ang falls.
16:02Kasi halos every barangay po ay bigay po na siya ng kalikasan.
16:06So, i-appreciate pa rin natin po kahit mali.
16:09May mga natural pools at cascades din na pwedeng i-explore.
16:13Pwedeng lumangoy, magbabad sa malamig na tubig, mag-picnic o simpleng mag-relax habang napapalibutan ng luntiang kagubatan.
16:21At dahil hindi pa ito kasing mainstream ng ibang tourist spots sa Katanduanes,
16:26mas tahimik at ma-i-enjoy ang peaceful experience.
16:30Darlene Kai, GMA News.
16:33At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:36Ito ang GMA News.
16:37Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
16:40Noon at ngayon, serbisyong totoo.
16:42Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.