Skip to playerSkip to main content
Lalaking nagla-live selling umano ng ilegal na droga, nakatakas sa buy-bust operation


Lalaki, nagpatangay sa rumaragasang ilog para balikan ang na-stranded na mag-ina


Moderately explosive eruption, naitala sa Bulkang Kanlaon


Epicenter ng Mw4.5 lindol sa Northern Luzon, naitala sa Pugo, La Union 


OVP Chief of Staff Atty. Lopez, nagtungo sa Senado; sinabing maghanda sa 'Typhoon Inday' 


Batanes, tinawag ng ilang Chinese scholars na extension ng taiwan kaya bahagi ng China 
P400,000 cash at ilang gamit, natangay nang looban ang kumbento ng simbahan


Isa sa mga suspek sa pamamaril ng security guard, huli sa aktong nagsasakay ng armas 
Iran, muling inatake ng Amerika


 Klea Pineda, 20kg lighter

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Come on in!
00:05Oh my God!
00:19Inabutan ng kulisya ang mga pakete ng droga at iba't ibang drug parafernalya
00:24ng salakay ng isang bahay sa Iloilo City.
00:26Pero ang kanilang target na live seller umano ng iligal na droga, wala na.
00:32Ayon sa pulisya, na monitor nila ang sospek na nagla-live selling ng droga
00:36kaya agad ikinasang operasyon.
00:39Pero mukhang natiktika ng sospek na agad tumakas at tumalon sa ilog.
00:44Aminado ang ina ng sospek na bumabatak ang anak pero hindi raw ito nagbebenta.
00:49Patuloy na tinutugis ang sospek.
00:52Lampas tao ang bahas sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng mga pagulang dulot ng habagat
00:57na pinalakas ng bagyong inday.
00:59May nasira pang tulay dahil sa rumaragas ang tubig.
01:02Dito naman sa Metro Manila, tinaghahandaan na ang bagyo at habagat
01:07na inaasahang mararamdaman ng epekto simula bukas hanggang sa weekend.
01:11May report si Ian Cruz.
01:15Buwis buhay na nagpatangay sa rumaragas ang ilog ang isang lalaki
01:19sa barangay Tikulab sa Maitom, Sarangani.
01:23Tinangka kasi niyang palikan ang kanyang mag-inang stranded sa kabilang pampang.
01:28Nabigo ang lalaki pero nasagip na mga rescuer ang kanyang mag-ina.
01:33Hindi pa malinaw kung anong sinapit ng lalaki.
01:38Wasak naman ang isang tulay, busod ng rumaragas ang baha
01:42kasunod ng mga pagulang dala ng habagat na pinalakas ng bagyong inday.
01:48Sa Talayan, Maguindanao del Sur, lampas tao ang baha sa barangay Tambunan Uno.
01:54Sa parehong barangay, stranded sa baha ang ilang mga estudyante
01:58at magulang na papunta pa man ding graduation.
02:03Inihatin sila ng truck ng sundalo sa paaralan at nakadalo sa seremonya.
02:10Kagabi pa inuulan ng malakas ang Talayan
02:13kaya maraming kalsada ang nagmistulang ilog.
02:19Sa bayan ng South UP, ilang estudyante ang papasok sa paaralan
02:23ang di nakatawid sa rumaragas ang ilog.
02:26Nakatawid din sila matapos ang isang oras nang humupa ang tubig.
02:32Bumaha rin sa parang Maguindanao del Norte.
02:35May mga sinagip na residente sa Palimbang Sultan Cudarat Province.
02:40Rumagasa ang bahang kulay putik.
02:43Lubog sa baha ang maraming bahay kaya kinailangan ding i-rescue.
02:47Ayon sa mga residente, nakapagpataas ng baha ang pag-apaw ng katabing sapa.
02:53Sa bayan ng Bagong Bayan, binaha ang isang paaralan.
02:57Isa sa nakapagpalalaraw ng baha ang baradong daanan ng tubig
03:02dahil sa naipong mga dumi at mga basura na pinagtulungang alisin ng mga gurot-estudyante.
03:08Ang isang paaralan naman sa bayan ng Kalamansig,
03:12pinasok na ng tubig ang mga classroom.
03:15Inakyat ng mga guro sa mataas na lugar ang mga gamit sa loob.
03:19Binahari ng Pigkawayan, Cotabato.
03:23Sa Northern Luzon, puspusan ang paghahanda para sa Bagyong Inday.
03:28Sa Batanes, nilagyan ang mga residente ng sandbags,
03:31ang kanilang mga bubong para di tangay ng malakas na hangin.
03:36May mga residente ng inilikas sa Itbayat.
03:39Sa Dagupan City, bawal muna ang swimming, surfing at pagpapalaot sa lahat ng coastal areas.
03:45Dito sa Metro Manila, maagang ibinaba at itinali ang mga naglalakihang billboard sa kahabaan ng EDSA.
03:53Ayon sa pag-asa, bukas hanggang weekend mararanasan sa Metro Manila ang enhanced habagat.
04:00Dahil dito, pinaghahanda ng pag-asa sa posibleng mga pagbaha ang mga residente sa mabababang lugar.
04:06Ang ating estimate, 50 to 100 millimeters in just 24 hours.
04:11So ang implication niyan, pwede siya mag-cause ng mga localized flooding.
04:15Pakiusap naman ng MMDA sa mall owners,
04:17haya mag-park overnight ang mga motoristang posibleng mas-stranded dahil sa masamang panahon.
04:23So ang ililibre po nila ay yung, kunyari nagsira sila ng 10 ng gabi hanggang 6 ng umaga.
04:29Iyon po, libre. Pero yung starting 6 ng umaga siguro, may bayad na po.
04:35Ian Cruz, GMA News.
04:38Nabalot ng abo ang ilang lugar sa Negros Provinces matapos muling pumutok ang Bulkang Kanlaon kaninang umaga.
04:45Ang abo mula sa bulkan umabot pa hanggang Cebu.
04:48May report sa Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
04:54Binulaga na makapalat maitim na usok ang mga taga-Kanlaon city Negros Oriental
04:58nang biglang sumabog ang Bulkang Kanlaon pasado alas 7.30 kaninang umaga.
05:02Halos baluti ng usok ang buong kalangitan.
05:06Ayon sa FIVOX, tumagal ng 3 minuto ang moderately explosive eruption
05:10na lumikha ng hanggang 3 kilometrong plume o singaw,
05:13kasabay ng paglalabas ng pyroclastic density currents o uson.
05:18Tanaw ang makapal na usok sa Bacolod City.
05:26Narinig din ang pagsabog sa bayan ng Lakasilyana.
05:43Makalipas ang ilang minuto, bumagsak ang ashfall sa ilang lugar sa Negros.
05:46Binalot ng abo ang mga panindang gulay sa Uptown Public Market sa Kanaon City.
05:51Umabot din ang ashfall maski sa loob ng bahay.
05:54Sa umoni siya o.
05:55Ni Sulu Daliga may samo ang balay na may portahan.
05:59At binalot ang mga halaman.
06:01Ang alubati sa akong apuhanin tawon.
06:04Noon sana niya.
06:05May mga maliliit na baturing pumatak sa isang bahay na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.
06:11Hindi rin nakaligtas maski ang motosiklong ito sa abo.
06:14Halos nag-zero visibility pa ang ilang kasada.
06:18Umabot din ang ashfall hanggang Cebu Province.
06:21May mga reports of ashfall kita nga nabaton sa Kanlaon City hasta sa Cebu Province.
06:29Kita magsuksuksang ato nga mga face masks tungod kay ang ash kung ato nang mahaklo.
06:35Health hazard din siya.
06:36Dahil diyan, ilang paaralan ang nagsuspindi ng klase.
06:40Inaabisuhan din ang mga residente na magsuot ng face masks at huwag lumabas sa kanika nilang bahay.
06:45Nananatini pa rin sa alert level 2 ang bulkan Kanlaon.
06:48Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone.
06:53Mula sa GMA Regional TV, Aileen Pedreso, GMA News.
06:58Nianig ng magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng northern Luzon nitong hapon.
07:03Napatakbo palabas ng classroom ang esudyanting yan sa Tubao, La Union.
07:08Nakitala ng FIVOX ang epicenter ng lindol, isang kilometro, kanluran ng Pugo, La Union.
07:15Naramdaman din ang paginig sa Baguio City.
07:18Ginulat ng paginig ang mga nasa establishment na yan.
07:21Tumabas sa open spaces sa mga esudyante at manggagawa.
07:26Naramdaman din ang paginig sa Pangasinan gaya sa Ordineta City at sa bayan ng Mangaldan at Mayambang.
07:32Walang naiulat na pinsala o aftershock.
07:44Nagtungo sa Senado ang Chief of Staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez.
07:50Ayon kay Sen. Secretary Ray Bantug, naroon si Lopez para sa administrative matters na inaayos para sa defense team ng
07:58BICE.
07:59Ipinasubpina ng Sen. Impeachment Court si Lopez para magbigay ng kanyang testimonya sa paglilitis sa July 13 at 14.
08:06Ayon sa tagapagsalita ng Impeachment Court na si Atty. Reggie Tongol na iserve na ang sabpina kay Lopez.
08:13Kapag hindi niya ito sinunod, isa-sight in contempt siya ng korte.
08:17Patipid naman ang sagot ni Lopez ng tanongin ng media.
08:30Hindi dinetalya ni Lopez kung ang bagyong Inday na itinuturing niya ay tungkol sa BICE na Inday ang palayaw.
08:39Ang sinabi ni Lopez, hindi naman pinalampas ng prosekusyon.
08:45Mag-ready lang tayo. Para sa bagyo ha.
08:47Hindi dun sa impeachment kasi nakahanda naman po yung prosecutors.
08:56Matagal na nakahanda.
08:58Pati Batanes, sinaangkin na rin ng China ayon sa isang maritime expert.
09:04What they say is that the Batanes Islands are a natural extension of Taiwan
09:08and that the people who are indigenous to the Batanes are the same people who are indigenous to Taiwan.
09:13And of course, Chinese were there a long time ago so therefore we must own Batanes.
09:20Ayon sa Maritime Monitoring Group na Sea Light, mga eksperto mula sa Jinan University,
09:25ang nagsabi niyan sa isang symposium sa Guangzhou, China.
09:29Sa isang article ng state-run news site na News GD,
09:33na pagkasundoan ng mga dumalong eksperto na may tuturing na Natural Geographic Extension of Taiwan,
09:39ang tinatawag nilang Batan Islands at China anila ang may soberanya dito.
09:45Wala rin anilang legal na validity ang Japan-Philippines Maritime Delimitation Negotiation sa lugar.
09:51Inalmahan niyan ng Department of National Defense at Philippine Coast Guard.
09:58Hindi rin malayo na nasa plano nila yan.
10:01And it also validates yung sinasabi natin na they have the plan to control the whole Pacific Ocean.
10:09What is this for, right?
10:11And we know walang basihan nito, kalukuhan nito.
10:15We should really debunk and counter all these lies.
10:18Otherwise, kapag hindi natin pinatulan itong mga ganitong kasinunghalingan,
10:23uulit-ulitin lang nila and they are going to rewrite history once again.
10:28Baka hindi natin alam, baka pati ilog pasig ang kininari ng China.
10:40Di sinanto ng kawatan ng kumbento ng isang simbahan sa Bacolod City.
10:45Nahuli ka mang panaloob ng lalaking yan kahapon ng madaling araw sa kumbento ng St. Jude Tadeo's Parish and Shrine.
10:53Tinangay niya ang abot sa 400,000 pisong cash na gagamitin sana para sa ilang proyekto ng simbahan.
11:00Ninakaw rin niya ang ilang appliances, laptop at maging ang bisikleta ng assistant parish priest.
11:06Kaninang umaga, narecover sa gilid ng simbahan ang mga ninakaw na gamit maliban sa pera.
11:12Ayon sa pulisya, pamilyar ang sospek sa lugar kaya posibleng nakapagtrabaw na noon sa loob.
11:20Patuloy ang pagtugi sa sospek.
11:23Aristado ang isa sa mga tinutugi sa sospek sa pamamaril sa isang security guard sa General Santos City.
11:31Nahuli ang sospek na ang maaktuhan ng pulisya na nagsasakay ng mga matataas sa kalibre ng armas.
11:38Nakasilit sa saku ang siyam na armas na karamihan ay mga shotgun.
11:42Itinanggi ng sospek na pagmamayari niya ang mga armas, may nagpakagalang umano ng saku sa kanya at dinaw niya alam
11:49na armas ang mga laman nito.
11:51Itinanggi rin niyang may kinalaman siya sa pamamaril sa isang security guard.
11:56Muling inatake ng Amerika ang Iran kasunod ng pagtatapos ng kanilang interim agreement.
12:02Kabilang sa pinuntirian ng Amerika, ang Iranian port malapit sa straight to four moves.
12:07Ayon sa US military, layunin ng mga panibagong pag-atake na panatilihing bukas ang straight sa traffic.
12:14Matatanda ang sinabi ni Trump na tapos na ang interim agreement o kasunduan para wakasan ng gera sa pagitan ng
12:20Amerika at Iran kasunod na muli niyang pag-atake ng Iran sa mga US bases.
12:26Kinababahala naman ng United Nations ang panibagong military confrontation ng dalawang bansa.
12:31Dahil sa posibling epekto nito sa pandahidigang kapayapaan, seguridad at ekonomiya.
12:4420 kilograms lighter, yan ang achieved goal ni Clea Pineda na from 75 down to 55 kilograms na lang ngayon.
12:53Ang kanya raw biggest motivation para seryosohin ang weight loss journey, pagmamahal sa sarili.
13:01Ilang kapuso stars bibida sa mga pilikulang kalahok sa 2026 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
13:07Grateful si hari ng tondo star Juru Madrid na makapunta ng Basilan para sa pilikulang Hand of God.
13:15Excited naman para sa pilikulang Tiric si Rocco Nasino kung saan mas hinubog daw siya ng ginampanang karakter.
13:22After 14 years, balik sinemalaya naman si Martin Del Rosario para sa queer drama na tayo lang ang nakakaalam.
13:31Mukha ng kahirapan ang ipapakita ni Pocuang sa pilikulang Two Valid IDs.
13:37Naglulok sa ang music industry sa pagpanoon ni Welsh Power Ballad Diva na si Bonnie Tyler sa edad na 75.
13:46Pumanaw ang Total Eclipse of the Heart singer habang nasa ospital sa Portugal dahil sa matagal ng iniindang karamdaman.
13:55Aubrey Carambelle, GMA News.
13:58At yan ang mga balita ang dapat niyong malaman.
14:01Ito ang GMA News.
14:02Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
14:05Noon at ngayon sa Bishong Totoo.
14:07Ako po si Atomaraolio at ito ang State of the Nation.
Comments

Recommended