Skip to playerSkip to main content
- Truck, sumalpok sa poste ng ilaw


- Staff ni Sen. Padilla na si Nadia Montenegro, iniimbestigahan sa paggamit umano ng marijuana sa Senado


- Bilyon-bilyong pisong halaga ng umano'y shabu, nalambat sa karagatan nitong mga nakaraang buwan


- Ilang senador, tutol sa 48 oras na deadline sa E-wallets para mag-unlink sa gambling apps at sites; DICT: kaya itong gawin agad


- 6 sa 15 na contractors ng flood control na pinangalanan ni PBBM, may rating na "poor"


- Pag-amyenda sa batas para ibaba sa edad 10 ang age of criminal liability, isinusulong ni Sen. Padilla


- Sen. Marcoleta, pumalag sa pagbanggit sa kanya sa joke sa concert; "napakawalang-hiya ng tao na 'yun"


- 7 kabilang ang 4 na menor de edad, sugatan sa pag-araro ng SUV sa isang paaralan


- Mr. and Mrs. Guzman; Will at Mika; Tiktok entries ng DenJen

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Dumerecho sa Center Island ang truck na yan sa Banga, South Cotabato.
00:20Bumagsak ang nasalpok nitong poste ng solar light.
00:23Wasak ang harapan ng truck pati ang inararo nitong Center Island na posibleng di raw napansin ang driver.
00:29Diktas ang driver na isinugod sa ospitan.
00:33Kinilala ang dating aktres na si Nadia Montenegro na staff na ngayon ni Sen. Robin Padilla
00:38sa sumbong ng umano'y paggamit ng marihuana sa Senado.
00:43Itinanggi raw ito ni Montenegro pero patuloy ang investigasyon.
00:46May report si Mark Salazar.
00:51Ang dating aktres na si Nadia Montenegro na staff ngayon ni Sen. Robin Padilla
00:57nabanggit sa isang incident report ng Office of the Sergeant at Arms.
01:02Sa incident report ng Senate Sergeant at Arms na si LSO1 Victor Patelo
01:08may simoy ng tila marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado.
01:13Hindi lamang isa kundi sa dalawa ng pagkakataon.
01:17Noong Hulyo itinawag sa kanya ang tungkol sa malakas na amoy sa 5th floor.
01:21Nang inspeksyonin, wala siyang nakitang naninigarilyo.
01:26August 12, isa pang staff ng isang Senador ang nagsumbong na may kakaibang amoy galing sa ladies' room
01:32ng extension offices ng mga Senador.
01:35Inahilintulad nito ang amoy sa marihuana.
01:38At sabi niya, ang tangi umanong na sa area ay si Nadia Montenegro.
01:42Nang tanongin ni Patelo si Montenegro, itinanggi niyang nanigarilyo siya sa loob ng ladies' room
01:48o gumamit ng marihuana.
01:50Pero mayroon daw siyang vape sa bag at baka ito raw yung pinanggalingan ng kakaibang amoy.
01:55Sinusubukan naming makakuha ng pahayag mula kay Montenegro.
01:59Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Secretary, Atty. Renato Bantog Jr.
02:04na inatasan niya ang Sen. Sergeant at Arms na magsagawa ng imbistigasyon.
02:09Sa utos din ni Sen. President Chief Escudero,
02:12ipinadala ng Secretary of the Senate ang incident report
02:15tungkol sa umanoy paggamit ng marihuana sa opisina ni Sen. Padilla
02:20para sa kanyang kaalaman.
02:22At naaakmang aksyon.
02:24Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Padilla pero ayon sa kanyang Chief of Staff,
02:28iniimbestigahan na nila ito at pinagpapaliwanag na rin ang nasasangkot nilang staff.
02:34Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:38May nadeskubre na namang umanoy floating shabu.
02:42Natagpuan sa baybay ng Mariveles Bataan
02:44ang mahigit 800 milyong pisong halaga ng droga
02:47na nakasilid sa pakete ng Chinese tea
02:50gaya ng mga nalambat noon sa Zambales, Pangasinan at Batanes.
02:54May report si Darlene Cai.
02:59Noong Mayo, natagpuan ng mga mangingisda
03:02ang sampung sako ng umanoy shabu sa Masinlok, Zambales.
03:05Aabot sa mahigit isang bilyong piso
03:07ang palutang-lutang na droga sa dagat.
03:10Kunyo ng may masamsam din sa iba't ibang baybayin sa Pangasinan
03:13na kilo-kilo ng umanoy shabu.
03:16Nakasilid ang mga hinihinalang floating shabu
03:19sa pakete ng tsaa at durian.
03:20Sabi noon ng PIDEA, ito na ang pinakamalaking halaga ng droga
03:25na nakuha sa dagat ng Pilipinas.
03:27Naaabot sa 588 kilos,
03:30katumbas ng halos 4 na bilyong piso.
03:34Hulyo nang may makita rin isang pakete
03:36ng hinihinalang shabu sa Saptang Batanes.
03:39Ayon sa PIDEA Region 2,
03:41may label na dry durian at Chinese characters ito.
03:46Kanina lang,
03:47rumesponde mga polis sa baybayin ng barangay Sisiman sa Mariveles, Bataan.
03:52Ayon sa PNP Region 3,
03:54isang manging isda ang nakakita ng sako
03:56na nakaipit sa mga bato malapit sa lighthouse o parola.
03:59Nang isa-isang kunin ang 60 sako ng patuka sa manok,
04:02tumambad ang 118 na pakete ng hinihinalang shabu.
04:07Nasa 118 kilos ang timbang nito
04:09at nagkakahalaga ng mahigit 802 milyon pesos.
04:13Gaya ng mga drogang nalambat noon sa Masinlok, Zambales at Pangasinan,
04:17nakasilid ang mga hinihinalang droga sa pakete ng Chinese tea.
04:21Naniniwala ako na may koneksyon
04:23dahil based doon sa mga nahuli rin natin,
04:26na-recover rin natin before,
04:28halos pareho yung packaging,
04:30pati yung mga Chinese label,
04:33halos pareho.
04:34Pusibling baka nilagay ito
04:35at may kukuhang iba
04:36or baka naman naka-recover niya,
04:39natakot or iniwan na lang doon.
04:41Nasa kustodiyan na ng Bataan Forensic Unit
04:43ang nga nakuhang pinagihinala ang droga
04:45para eksaminin.
04:47Darlene Kaye nagbabalita
04:48para sa GMA Integrated News.
04:51Tutol ang ilang senador
04:52sa dalawang araw na palugit
04:54na ibinigay ng Banko Sentral ng Pilipinas
04:56sa mga e-wallet
04:58para tanggalin ang mga link nito
04:59at icon
05:00sa mga gambling app at website.
05:02Pag kumpirma ng Department of Information
05:05and Communication Technology,
05:07pwede naman itong magawa agad.
05:09Pero ayon sa BSP,
05:11nais silang bigyan ng oras
05:12sa mga customer
05:13para mag-withdraw
05:14ng kanilang pondo
05:15sa online gaming account.
05:18Sa gitna nito,
05:19ipinunto ni Sen. Wynn Gatchalian
05:20na pwede pa rin malink
05:22ang e-wallet sa gaming website
05:24maski yung mga iligal.
05:26Git ng BSP,
05:28agarang solusyon
05:28ng pag-alis ng e-wallet link
05:30at icon sa apps
05:31habang inaayos ang regulasyon
05:33sa mga ligal na online gambling platform.
05:36Sa magkahiwalay na pahayag,
05:37sinabi ng Gcash at Maya
05:39na handa silang sumunod
05:40sa direktiba ng BSP
05:42oras na matanggap ang opisyal
05:44na kautusan nito.
05:47Halos kalahati sa mga inilista
05:49ng Pangulo na contractor
05:50ng flood control projects
05:52ang may poor
05:53o unsatisfactory rating
05:54batay sa isang pagsusuri.
05:56Sabi ng DPWH,
05:58istrikto ang kanilang bidding process
06:00na tinawag namang moro-moro
06:02ni Bagu City Mayor Benjamin Magalong.
06:04May report si Ian Cruz.
06:09Sa labing limang contractors
06:11na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos
06:13itong lunes,
06:15nakita ng GMA Integrated News Research
06:17na anim ang binigyan ng poor
06:20o kaya'y unsatisfactory rating
06:22sa Contractors Performance Evaluation System
06:25o CPES
06:27base sa siyam na government projects
06:30na kanilang ginawa.
06:32Ginawa ang pagsusuri ng Construction Industry
06:34Authority of the Philippines
06:36para sa mga proyekto
06:37mula July 2015
06:39hanggang June 2025.
06:41Alinsunod sa Government Procurement Policy Board
06:44blacklisted sa paglahok
06:46sa alinmang proyekto ng gobyerno
06:48ang mga contractor
06:49na may poor
06:51o unsatisfactory rating.
06:54DPWH
06:55ang implementing agency
06:56ng mga flood control project.
07:09Pero sabi ni Baguio City Mayor Benji Magalong,
07:13kalimitan,
07:14moro-moro ang bidding.
07:16May mga paboritong construction company raw
07:19ang mga politiko.
07:20Iyong mga mabilis na magbigay
07:22ng kickback.
07:23Ayon daw mismo
07:24sa mga nakausap niyang kontratista
07:26sa 100% na project cost,
07:3025% umano
07:31ang ibibigay sa Committee
07:33on Appropriations
07:35ng Kongreso,
07:365 to 10%
07:37para sa kongresista
07:38na kung tawagin ay parking fee
07:40o pass-through,
07:423% sa Bids and Awards Committee
07:45ng DPWH,
07:46at may 3% din
07:49ang mga lumahok
07:50sa moro-moro na bidding.
07:52Kung 12%
07:53ang kita
07:54ng construction company,
07:5630% na lang umano
07:57ang matitira
07:59para sa mismong
08:00flood control project.
08:02Ang kwento nga dyan,
08:03ang mga
08:03de-contractor,
08:04sabi niya,
08:05kung sino pa
08:05ang di pumipirma
08:07sa dokumento,
08:08siya pa
08:09ang may pinakamalaking
08:10porsyento.
08:12Sipin mo,
08:12pag nagkakaso,
08:14sinong kakasuhan?
08:17Yung mga nakapirma
08:17sa dokumento,
08:19sa kontrata,
08:19DPWH,
08:21at yung contractor.
08:23Pero yung pinakamalaking
08:24mga porsyento,
08:25ito yung mga politiko,
08:26anong sabi,
08:28paano sila masasabi?
08:29Handang mag-volunteer
08:31si Magalong
08:31para imbisigahan
08:32ang flood control projects.
08:35At tiyak daw
08:36babaha
08:37ng ebidensya.
08:38Pero para sa Markanyang,
08:39hindi na kailangan
08:41ng iba pang
08:41mamumuno
08:42sa imbisigasyon,
08:44may nailatag na rao
08:45ng mekanismo
08:45ang Pangulo.
08:46Kung ano man po
08:47ang meron siya,
08:48kung ito po
08:49ay kumpleto,
08:50maaari niya po
08:51ito maisumiti
08:51agad-agad
08:53sa ating Pangulo.
08:54Kabilang sa listahan
08:55ng Pangulo,
08:56ang Center Waste
08:57Construction
08:58and Development
08:59Incorporated.
09:01Ang presidente
09:01ng kumpanya,
09:03si Lawrence Lubiano,
09:04na pinakamalaking donor
09:05ni Senate President
09:06Cheese Escudero
09:07noong 2022 elections.
09:10Matagal ko ng kaibigan
09:11at kakilala
09:12siya at tumutulong
09:14talaga sa amin.
09:15Mula't mula pa
09:15nung hindi pa iso to
09:17at tubong
09:18sarusagon talaga siya.
09:19Sabi ng Comelec,
09:20posibleng imbestigahan nila
09:22ang campaign donations
09:23ng mga government
09:25contractor,
09:26lalo't
09:27pinagbabawal ito
09:28ng omnibus election code.
09:30Nasa section 95 kasi,
09:32paragraph letter C
09:33ng omnibus election code,
09:36yung mga prohibited
09:37na magbigay
09:38ng donation,
09:39contribution
09:40sa mga kandidato
09:42o sa political parties.
09:43At kung hindi tayo
09:44nagkakamali,
09:45na-mention doon
09:46yung may mga kontrata,
09:47servisyo sa pamahalaan
09:49o kaya mga may
09:50public works
09:51na contract
09:52sa pamahalaan.
09:53As to,
09:54ano yung interpretation yan,
09:55hindi ko muna
09:55mabibigay sa inyo
09:56sapagkat may posibilidad
09:58kasi na dahil nga
09:59sa mainit na mainit
10:00ang issue,
10:00may mag-file
10:01ng mga kaso
10:01sa amin sa komisyon.
10:02Sinusubukan pa
10:04ng GMA Integrated News
10:05sa makuwang
10:05panig ni Escudero.
10:07Ian Cruz
10:08nagbabalita
10:08para sa GMA Integrated News.
10:11Gusto ni Sen. Robin Padilla
10:13na ibaba sa 10 taong gulang
10:15ang age of criminal liability.
10:17Pero pinalagan yan
10:18ng mayakdan
10:19ng Juvenile Justice
10:20and Welfare Act
10:21na si Sen. Kiko Pangilinar.
10:24May report si Mark Salazar.
10:28Sa murang edad na labintatlo,
10:31inakusahan
10:31ang isang binatilyo
10:32ng panggagahasa
10:33at pagpaslang
10:34sa walong taong gulang
10:35niyang kapitbahay
10:36sa Quezon City
10:38kamakailan lamang.
10:40Ang umano'y humalay naman
10:42sa 6 na taong gulang
10:43na babae
10:43sa Mabalakat Pampanga
10:45noong Enero,
10:468 at 10 lang ang edad.
10:49Minor di edad din
10:50ang tatlo sa apat na suspect
10:52sa pagpatay
10:53sa isang estudyante
10:54habang nilolooba
10:55ng kanyang bahay
10:56sa Tagum City
10:58noong nakaraang buwan.
10:59Ang biktima
11:00halos 40 beses
11:02na sinaksak.
11:04Ilan lang yan
11:05sa mga kahindik-hindik
11:06na krimen
11:07kung saan
11:08kabataan ang sangkot.
11:09Tingin ni Sen. Robin Padilla
11:11panahuna
11:12para amyendahan
11:13ang Juvenile Justice
11:14and Welfare Act
11:15na nagsasabing
11:16exempted
11:17sa criminal liability
11:18ang nasa edad
11:2015 pababa.
11:21Baka raw dapat
11:22ibaba na ito
11:23sa edad 10
11:24para sa mga
11:25karumaldumal na krimen.
11:26Merong mga
11:27kahit wala pa
11:29sa legal na edad
11:30ang kanilang ginagawa
11:31ayon sa kanilang
11:33mismong
11:33kapasyahan.
11:35Baka po ito
11:36ang panahon na
11:36upang magkaroon
11:38ng mas naaangkop
11:39na kahinatnan
11:40o consequences
11:41ang kanilang mga
11:42aksyon.
11:43Tutol dito
11:44ang may akda
11:44ng batas
11:45na si Sen. Kiko
11:46Pangilinan.
11:47Malian niya
11:48na hindi
11:49pinapanagot
11:50at basta-bastang
11:50pinapakawalan
11:51ang batang
11:52nagkasala
11:52sa ilalim
11:53ng kanyang batas.
11:54At yung 15
11:56and below naman
11:57pagka serious
11:59offenses
12:00pwede silang
12:03mandatory
12:05confinement
12:06for a period
12:07not less
12:07than one year.
12:09Nakasaad sa batas
12:10na kung sangkot
12:11ang edad
12:1212-15
12:13sa karumaldumal
12:15na krimen
12:15tulad ng
12:16pagpatay
12:16at panggagahasa
12:18kailangan ilagay sila
12:19sa intensive
12:20juvenile intervention
12:22and support center.
12:23Sabi pa ni Pangilinan
12:26maraming probisyon
12:28ang batas
12:29na pumuprotekta
12:30sa biktima
12:30ng juvenile offender
12:31pero binibigyan
12:33din ito
12:34ang pagkakataong
12:34makapagbago
12:35ang batang
12:36nagkasala.
12:37Sa halip na
12:38amendahan yung batas
12:39eh patupad
12:40ng tama
12:41yung batas.
12:42Kayo po mismo
12:42ang nagsabi
12:43may problema
12:44sa implementasyon
12:45lalo na naman
12:46lalakas po
12:47ang mga loob
12:47ng mga
12:48sindikatong bata.
12:50Ni refer sa
12:51Committee on Justice
12:52ang panukala
12:53ni Padilla
12:53para mahimayang
12:54issue
12:55bago ibalik
12:56sa plenaryo
12:56at pagbutohan.
12:58Mark Salazar
12:59nagbabalita
13:00para sa
13:00GMA Integrated News.
13:03Pumalaag
13:04si Sen. Rodante
13:04Marculeta
13:05sa pagbanggit
13:06sa kanya
13:06sa biro
13:07sa isang
13:07concert.
13:08Ito po yata
13:11yung nag
13:12sponsor
13:13nung
13:14isang
13:15concert
13:15na ngayon
13:17ngayon lang
13:17pati po ako
13:19ay kanya
13:19ang itinawit.
13:20Bigla ba
13:21niya naman
13:21sinabi
13:21tingnan nyo
13:23yung mukha
13:23ni Marculeta
13:24kung matatawa
13:25kayo.
13:25Napakawalang
13:26yan
13:26mga taong
13:26na yun
13:27Mr. Chair.
13:29Nabanggit yan
13:36ni Marculeta
13:37sa gitna
13:37ng Senate
13:38hearing
13:38sa online
13:39gambling.
13:40Pagamat wala
13:41siya ang
13:41pinangalanan
13:42nag viral
13:42online
13:43ang mga
13:43video ng
13:44komedyante
13:45at host
13:45na si Vice
13:46Ganda
13:46na nag-joke
13:47ukol sa Senado.
13:51Wow!
13:52Sige nga
13:52titigil mo nga
13:53si Marculeta
13:53tingin ako
13:54matatawa ka.
13:59Jo, Jo, Jo, Jo
14:05wala ko
14:05ayun pa lang
14:06nagsisorry na ako.
14:07I am sorry.
14:10Bukod sa birong yan
14:12may biru rin si Vice
14:13patungkol
14:14kay dating
14:14Pangulong Duterte.
14:16Doon
14:16tinukoy niya
14:17ang Jet Ski
14:18Holiday
14:18sa West
14:19Philippine Sea
14:20na may kasamang
14:21libre trip
14:21sa The Hague
14:22ng ICC
14:23para sa mga
14:24DDS.
14:26Kinundi na ito
14:27ng Davao City
14:28Council
14:28Kinukuha pa namin
14:30ng panig
14:30ni Vice
14:30Ganda.
14:32Bago ngayong gabi,
14:34pito kabilang
14:34ang apat na
14:35minoridad
14:35ang nasugatan
14:37sa pag-araro
14:37ng SUV
14:38sa isang
14:39pribadong
14:39paaralan
14:40sa Kaloocan.
14:42Sa investigasyon,
14:43naghihintayan ng
14:44apo
14:44ang 70 taong
14:45gulang na driver
14:46ng aksidente
14:47umanong natapakan
14:49ang silinyador.
14:50Maayos na
14:51ang lagay
14:51ng mga biktima.
14:53Pusibli namang
14:54maharap sa kasong
14:55reckless imprudence
14:55resulting in
14:56multiple physical
14:57injuries
14:57and damage
14:58to property
14:59ang driver.
15:07On Spotlight,
15:09ang star-studded
15:10wedding
15:10na Shira Diaz
15:11at EA Guzman.
15:13At Will Ashley,
15:14may inamin
15:14kay Mika Salamanka.
15:16Ano kaya yan?
15:17Alamin sa report
15:18ni Nelson Canlas.
15:19And now,
15:22I got to say
15:25that every second
15:27of patience
15:28brought me
15:29to the most
15:31beautiful reward
15:32and that's you.
15:36Thank you for waiting
15:37for me.
15:40And I promise,
15:42from this day
15:44forward,
15:46you'll never
15:48have to wait
15:49again.
15:50Kapuso couple,
15:52Shira Diaz
15:53at EA Guzman,
15:54kasal na
15:55after 12 years
15:56of being together.
15:57May natitipuhan
16:01ka ba
16:02sa mga
16:03housemates?
16:04Will Ashley,
16:05napaamin sa
16:06Will You Lie
16:07episode ng
16:08YouTube channel
16:09di Mika Salamanka.
16:10I think everyone
16:11knows naman
16:12about this
16:13kasi since
16:15first week
16:16nasabi ko na.
16:18Wow!
16:21Sino?
16:22Sinabi ko na.
16:24Ay, sinabi niya.
16:25Ikaw.
16:25Ay, kuya,
16:26totoo.
16:26Nasabi pa siya
16:27ng totoo.
16:28Wow!
16:30TikTok entries
16:31nina Jeneline Mercado
16:33at Dennis Trillo.
16:34Good vibes
16:35ang hatid.
16:36Naabutan ko pa silang
16:37nagsushoot
16:38ng bagong entry
16:39sa set
16:40ng Sanggang
16:40Dikit for Real.
16:42Nagsisingit kami
16:43na talaga
16:43ng time
16:44para gumawa
16:44ng mga
16:45nakakatuwang
16:46mga content
16:47para sa mga
16:48followers
16:49para rin naman
16:51sumaya ang araw nila.
16:53So,
16:53nakakatulong yun
16:54sa pagpapaalala
16:55na meron kami
16:56palabas na ganito
16:57at kasama namin
16:58yung mga
16:58masasayang cast
16:59habang ginagawa namin yun.
17:01Seryoso naman
17:01ang dalawa
17:02pagdating sa taping.
17:03Mas lalo kaming
17:04ginaganahan talaga
17:05pag nalalaman namin
17:06na ganda yung
17:07pagtangkilik
17:08yung mga kapuso namin.
17:09Kahit na mainit,
17:10mahirap,
17:11maraming action scenes,
17:12okay lang.
17:13Sulit lahat ng pagod.
17:14Nelson Canlas
17:15nagbabalita
17:16para sa
17:17GMA Integrated News.
17:20Yan po ang
17:21State of the Nation
17:22para sa mas malaking
17:23misyon
17:23at para sa mas malawak
17:25na paglilingkod
17:26sa bayad.
17:27Ako si Atom Araulio
17:28mula sa
17:28GMA Integrated News,
17:30ang News Authority
17:31ng Pilipino.
17:32Huwag magpahuli
17:34sa mga balitang
17:35dapat yung malaman.
17:37Mag-subscribe na
17:38sa GMA Integrated News
17:39sa YouTube.
17:40Ako si Atom Araulio
17:50sa mga balitang
17:52sa mga balitang
17:52sa mga balitang
Be the first to comment
Add your comment

Recommended