Skip to playerSkip to main content
- 15-anyos, binaril ng ex-boyfriend sa loob mismo ng classroom


- Bago ngayong gabi. Posibleng maging dalawa ang babantayang bagyo ng PAGASA


- Ilang lugar, inulan at binaha bunsod ng LPA, thunderstorm at habagat


- Lalaki, nalapnos ang katawan matapos sumabog ang isang LPG tank


- Truck, nahulog sa bangin; Cubao at PITX EDSA Busway Stations; Atbp.


- Pag-archive ng Senado sa impeachment case ni VP Sara Duterte, ipinrotesta


- VP Sara Duterte: Kailangan natin respetuhin ang desisyon ng Senado


- Suspension bridge sa isang tourist spot, bumigay; 5 patay


- Entertainment Spotlight


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Pago ngayong gabi, kinundinaan ng Deped Schools Division of Nueva Ecija
00:15ang pamamaril sa loob ng isang paaralan.
00:18Kritikal ang 15 taong gulang na biktima matapos siyang barili ng dati raw niyang kasintahan
00:23na kritikal din matapos magbaril sa sarili.
00:26May report si Rafi Tima.
00:30Pasado alas 10 umaga, nagmamadaming pumasok ang emergency personnel sa Santa Rosa Central School sa Nueva Ecija.
00:37Ang kanilang irerescue, 15 anyos na babaeng estudyante na binaril umano ng ex-boyfriend.
00:42According po sa guard, noong una pinigil niya, which is napigilan naman,
00:47then inantay niya siguro na maglabasan yung ibang students, sumabay doon.
00:54So hindi na nanotice noong security guard na nakapost doon.
01:00Binaril ang biktima at saka nagbaril sa sarili ang suspect.
01:03Ang nakita is sa upper part po ng katawan, which is probably neck at ulo.
01:11So waiting pa tayo sa official statement po ng written galing po sa hospital
01:18para i-confirm po natin kung ano po talaga ang tama nila.
01:23Isinugot sila sa Doctors Hospital sa Cabanatuan City.
01:26Inilipat kalaunan sa Paulino Garcia Memorial Medical Center ang suspect.
01:30Na-recover sa crime scene ang isang caliber .22 snub-nosed revolver.
01:34Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima at suspect,
01:37pati kawanin ng ospital.
01:39Hindi pa rin makausap ang mga estudyante at gurong nakasaksi dahil sa trauma,
01:44pansamantalang isinara ang eskwelahan.
01:46Kwento naman ng isang gwardya,
01:48sinisita nila ang mga hindi-studyante na gustong pumasok sa eskwelahan,
01:51pero hindi daw sila nagsasagawa ng pagkapkap.
01:54Kung lisisiyado po kaming gwardya, pwede kaming kumapkap ng tao.
01:58Nito lang Marso, isa pang kaso ng karahasan sa loob ng paralan ang naitala sa Paranaque.
02:03Namatay ang 14-anyos na estudyante matapos saksakin ng kaedad niyang lalaking kaklase.
02:08Kwento noon ng pulis at magulang ng biktima,
02:11kapwa ay naakusahan ng dalawang estudyante ang isa't isa ng pambubuli.
02:15Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:20Bago ngayong gabi, pusibling maging dalawa ang binabantayang bagyo ng pag-asa.
02:25As of 8pm, tumaas pa ang tsansa na maging bagyo ng low-pressure area
02:29na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24 oras.
02:34Huli ang namataan 75km west-northwest ng Baknotan, La Union.
02:41Naunang naging tropical storm ang LPA na nasa labas ng par.
02:44Namatay ito sa layong 2,675km east of northern Luzon.
02:52Sa ngayon, taglay nito ang lakas na 65kmph at kumikilos pa west-northwest sa bilis na 10kmph.
02:59Bukod sa LPA at bagyo, inaasaan ding magpapaulan ng habagat sa malaking bahagi ng bansa.
03:07Dahil sa pinagsama-samang epekto ng low-pressure area, thunderstorm at habagat,
03:11nakaranas ng masamang panahon ang ilang bahagi ng bansa.
03:15Kumulan pa ng yelos sa Bulacan at Cavite.
03:17May report si Chino Gaston.
03:19Tila biglang nagka-waterfall sa gilid ng kalsada sa barangay Pansian sa Pagodpud, Ilocos Norte.
03:30Rumagasa kasi ang kulay putik na tubig na may kasamang mga bato.
03:33Pansamantalang naantala ang ilang motorista pero nakadaan din matapos ang isinagawang clearing operation.
03:50Natabu na naman ng baha ang bahagi ng Bagunot-Ibulo Bridge sa Bagau, Cagayan.
03:56Nagmistulang malawak na ilog ang kalsada sa iba pang bahagi ng bayan.
04:00Damay rin ng ilang taniman.
04:02Alos naging magdamang yung paghulan kaya nakapag-accumulate yung ibang municipalities like Bagau, Retrite, Sulana.
04:10Pinasok ng tubig ang ilang eskwelahan kaya suspendido ang klase sa ilang bayan.
04:15Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon na nakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ay dulot ng thunderstorm, habagat at low pressure area.
04:24Nabalot naman ang makapal na putik ang mga kalsada at palayan sa ilang barangay sa Ilagan, Isabela.
04:29Kasunod yan ng mga pagbaha dulot ng halos walang tigil na pagulan.
04:36Sa Cabanotuan City, Nueva Ecija, ramdam ang malakas na bugso ng hangin.
04:42Bumuhos din ang matinding ulan kaya halos mag-zero visibility sa Felipe Vergara Highway.
04:48Ang ilang motorista, gumilid muna para magpatila.
04:55Mabilis namang binaha ang ilang kalsada sa bayan ng Gimba.
04:59Sa Bukawi, Bulacan, iwinasiwas ng malakas na hangin ang mga kable at halaman.
05:05Paghupa nito, tumambad sa ilang residente ang mga butil ng yelo.
05:10May natumba rin umanong billboard na maaring dahil din sa tindi ng hangin.
05:14Nagka-hailstorm din o pagulan ng yelo sa ilang bahagi ng kavite.
05:21Kasabay ng hampas ng hangin, maaaninag ang mayat-mayang pagbagsak na mga butil ng yelo.
05:27Chino Gaston, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:30Lapnos ang katawan ng isang lalaki sa Pandakan, Maynila matapos sumabog ang isang tangke ng LPG.
05:40Kita ang pagliyab sa CCTV footage, pati na ang pagtakbo ng biktima hanggang habang nasusunog ang katawan.
05:48Ayon sa barangay, magluluto sana ng pambentang almusalang lalaki nang sumabog ang LPG.
05:53Matapos mapalabas sa bahay ang kanyang dalawang anak,
05:58saktong nalaglaganang nasusunog na lo na ang biktima na walang suot na pantaas.
06:03Agad siyang isinugod sa paggamutan.
06:05Pero sabi ng kanyang anak, hindi agad tinanggap sa ospital ang kanyang tatay.
06:10Sa Philippine General Hospital na tinanggap ang biktima na stable na ang kondisyon.
06:15Sinubukan naming makipag-ugnayan sa ospital na sinabing di tumanggap sa biktima,
06:20pero wala pa silang opisyal na pahayan.
06:23Base sa Republic Act 8344, maaaring patawa ng parusa o penalty ang isang ospital
06:29na hindi tumanggap o hindi nagbigay ng karampatang luna sa isang pasyente sa emergency cases.
06:35Inaalam pa ang sanhinang pagsabog ng LPG.
06:38Di bababa sa siyam, patay ng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang mini dump truck sa Lebak, Sultan Kudarat.
06:51Ayon sa pulisya, nawalan umano ng kontrol ang driver dahil sa pumalyang preno ng truck.
06:56Hindi na po huwaga na yung preno, pati yung engine brake ko na hindi na rin kinaya, kaya dumirito kami doon sa bangin.
07:11Sinisika pa naming makuhana ng pahayag ang mga biktima na galing sa pamamanhikan para sa mga muslim.
07:18Gayun din ang pamilya ng mga nasawi.
07:19Department of Justice, ihingi ng tulong sa Japan pati sa UP Anthropology at Forensic Pathology Department
07:28para sa advance na pagsusuri sa DNA ng mga buto ng tao na nakuha sa Taal Lake.
07:34Nitong mga nakarang araw, may nakuha pang bungo na may ngipin at buhok pa.
07:38Samantala, may ibang pulis pa na iniimbisagahan ng Napolcom
07:41bukod pa sa 18 pulis na inisyal na binigay ni Patidongan.
07:45Pagtatayo ng dalawa pang bagong busway station sa Cubao at PITX,
07:51isasabay sa rehabilitasyon ng mismong EDSA busway.
07:55Target ng Transportation Department na matapos ang dalawang istasyon sa 2026.
08:00Papalitan din ang overpass na tinaguri ang Mount Camuning.
08:03Plano rin gayahin sa lahat ng EDSA bus stations ang kayusan ng istasyon sa North EDSA.
08:09Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:12Tinwestiyon ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-archive na anya ay para na rin
08:19paglilibing ng Senado sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
08:25May report si Sandra Aguinaldo.
08:26Sa pag-archive sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte,
08:48Sa protesta ay dinaan ng ilang grupo ang pagtutol dito.
08:58Sa botohan kagabi, labing siyam na Senador ang pabor sa amended motion ni Senador Barcoleta na i-archive ang impeachment.
09:05Kabilang si Sen. President Jesus Cudero, pati mga kilalang kaalyado ng mga Duterte na sina Senators Aimee Marcos,
09:12Bato de la Rosa, Bongo at Robin Padilla, gayon din ang minoriya na si Sen. Mig Subiri.
09:18Let history, Mr. President, record that in this moment, we chose the Constitution.
09:24We chose the rule of law by defending the integrity of the Supreme Court.
09:28To the House of Representatives, I say,
09:30Do not allow yourselves to be used for the blind hatred and ambition of a few who did things haphazardly,
09:37gravely abused their discretion, and violated due process rights under the Constitution.
09:43The Senate is not your playground.
09:45Kesa, inaatupag ninyong palitan ang pinili ng taong bayan.
09:51Ano kaya kung yung speaker nyo na lang ang paltan nyo?
09:56Naging tagabantay na lamang sila ng humihiyaw na dambuhalang sanggol.
10:03Ginawa ng bonjing na armas ang impeachment.
10:07Si Sen. Erwin Tulfo pabor din sa pag-archive pero di raw para i-absuelto ang bise.
10:13Kung tunay po na walang kasalanan si VP Duterte,
10:18dapat siya mismo ang manguna sa pagbubukas ng lahat ng dokumento.
10:24Walang dahilan para umiwas kung malinis po ang konsensya.
10:30Si Sen. Ping Lakson, Boboto sana pabor sa mosyon pero nag-abstay.
10:35I would rather wait, not preempt the final ruling of the High Court.
10:41Apat na senador ang tumutol sa mosyon.
10:43Si the Sen. Minority Leader Soto, Sen. Driza Ontiveros,
10:47at miyembro ng mayoryana si na Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
10:51I know for a fact, once it is archived, it is dead.
10:54Ang boto na no ay hindi nangangahulugan na hindi natin nire-respeto ang pasya o kapangyarihan ng Korte Suprema.
11:08Lalo-lalo na't hindi pa ito pinal.
11:12The 1987 Constitution entrusted the duty to try and decide all cases of impeachment to the Senate.
11:20Today, we are voting to abandon this mandate.
11:23Pero para sa ilang senador, ang pag-archive ay parang itinabilang umano sandali ang Articles of Impeachment
11:30at pwede para upuhayin.
11:32Yes, it's dead but it's not really buried.
11:35But sabi nga ni Justice Ascuna, pwede na mahugutin pa ulit kung magbago ang Korte Suprema.
11:41Pag sinabi ng Korte Suprema, we are reconsidering the decision.
11:45Edi bubuhayin ulit. Napakasimple naman nun eh.
11:48Kahit hindi pa patay, napakahirap ilabas sa archives.
11:52Kailangan pa mag-majority vote.
11:55Para naman kay House Speaker Martin Romualdez, para na rin inilibing ang Articles of Impeachment.
12:01Kinwestiyon niya ang anayay pagbumadali ng Senado sa pag-archive.
12:05Lalo't hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara.
12:12Pinunari ni Romualdez ang anayay pagbato sa kanila ng mga personal na pag-atake at akusasyon
12:18at pangmamaliit sa kanilang constitutional duty para palabasing paglalaro lang ito sa kapangyarihan.
12:24Hindi lang daw ito unfair kundi mapanganib din dahil pinahihina nito ang tiwala ng publiko sa checks and balances sa isang demokrasya.
12:33Pinalagan din ang mga kongresista ang sinabi ng ilang senador na pamumulitika at pagkontra lang kay Duterte ang impeachment.
12:40We do not want to make the Senate as our playground to initiate our grand scheme.
12:46It is based on what the Constitution obliges us to do.
12:51The family name is just accidental.
12:57Alam po natin yan at kailangan po as public officers, we need to make ourselves accountable.
13:03Antayin po muna natin ang resulta ng MR.
13:06Para sa amin, hindi pa po tapos yung laban.
13:11Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:16Sabi ni Vice President Sara Duterte, kailangang irespeto ang desisyon ng Senado matapos i-archive ang articles of impeachment laban sa kanya.
13:25Pero tuloy pa rin daw ang paghahandaan ng kanyang kampo sakaling may mga impeachment case pang isasab pa sa kanya sa hinaharap.
13:31Kung mauna ang desisyon sa majority sa members of the Senate, everyone must follow and respect that decision of the Senate.
13:44Kinaanglan pangandaman ang tanan na posibleng may tabo.
13:48So possibly, wala takibalo 2026, 2027, 2028 na ay mga mag-file na quote of impeachment.
13:57That will be another opportunity to answer.
14:02Bumigay ang suspension bridge sa isang tourist spot sa China.
14:11Nakahandusay sa mabatong bahagi ng ilog ang ilang turista matapos mahulog nang maputol ang mga kablin ng suspension bridge sa Shata Scenic Region.
14:21Ayon sa mga otoridad, dalawang putsyamang nahulog, lima sa kanila ang nasawi.
14:26Iniinspeksyon na ang tulay.
14:27Sa Arizona naman, sa Amerika, patuloy ang wildfire malapit sa tourist destination na Grand Canyon.
14:36Mula sa kuha ng eroplano, kita ang makapal na usok.
14:40Sumiklab ang Dragon Bravo Fire noong July 4 at kumalat sa mayigit 130,000 acres ayon sa U.S. Forest Service.
14:48Bagong action queen kung tawagin si Bianca Umali na hinangaan sa kanyang stunt sa Encantada Chronicles, Sangre.
15:00On spotlight naman ng reunion ni Paolo Contis sa dalawa niyang anak sa ex-wife na si Lian Paz.
15:06May report si Aubrey Caramper.
15:09Paolo Contis reunited sa mga anak niyang sina Celine at Sonia sa dating asawang si Lian Paz.
15:15Sa reunion photo, kasama rin nila ang partner ni Lian na si John.
15:20Sa caption, nagpasalamat si Paolo kay Lian saan niya ay pagiging kind at forgiving nito.
15:26At kay John, sa pagpayag niyang makasama si Lian at kanilang mga anak.
15:31Pangako ni Paolo, hindi niya sasayangin ang pagkakataon at mananatiling in constant communication sa kanilang lahat.
15:38Biyaka Umali Labis ang pasasalamat sa positive reviews sa kanyang stunts sa Encantada Chronicles, Sangre.
15:52Bunga raw ito ng intensive training.
15:54Hanggat maaari raw gusto niyang siya mismo ang gumagawa ng stunts.
15:59Tinagurian siya ng Encantadex na Bagong Action Queen.
16:03Sparkle Stars and Kids, dumalo sa exclusive premiere ng Ganito Tayo Kapuso,
16:13kung saan tampok ang seven short films na tumatalakay sa seven Filipino core values.
16:19Present din sa screening ang mga opisyal ng GMA Network.
16:23Mapapanood ang Ganito Tayo Kapuso sa GTV Blockbuster Blowout sa August 17 sa Trinomas Cinema,
16:32sa GTV G-Flicks, iHeart Movies, Heart of Asia Channel, GMA, GMA Pinoy TV, GMA Live TV at Kapuso Digital Platforms.
16:45Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:51Yan po ang State of the Nation.
16:53Para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
16:57Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News,
17:01ag news authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended