Skip to playerSkip to main content
- Alcantara, napaaming may partisipasyon sa hatian ng nakubrang pera sa flood control projects


- Valencia CDRRMO: 'Di bababa sa 4 ang nasawi, 6 ang nawawala sa malawakang pagbaha


- Tricycle na may sakay na 2 taong gulang na bata, nasalpok ng pickup


- Gretchen Barretto, naghain ng kontra-salaysay kaugnay sa mga reklamo patungkol sa missing sabungeros


- Cong. Duterte, iginiit na walang ghost project sa Davao City


- Sen. Estrada at Sen. Villanueva, kinompronta sina Engr. Brice Hernandez at Engr. Jaypee Mendoza


- #NandoPH


- Mga namamasyal sa Luneta,maaaring mag-arkila ng tradisyunal na kasuotan simula sa Disyembre 

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Napaamin si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara na may participasyon sa hatian ng pera sa flood control projects.
00:24Isang dating kongresista rin ang idinawit ni dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez na tumanggap umano ng kickback.
00:32May report si Sandra Aguinaldo.
00:37Sa mga litratong ipinresenta ni dating DPWH Assistant Engineer Bryce Hernandez sa kamara,
00:44si dating District Engineer Henry Alcantara Rao ang naka-blue shirt na nasa harap ng bulto-bultong perang kinubra sa flood control projects.
00:54Itinanggi noon ni Alcantara ang aligasyon.
00:57Muling naongkat ang larawan sa pagdirig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw.
01:02Noong una, itinanggi ni Alcantara na siya ang lalaki sa larawan.
01:06Paano mo mapapaliwanag?
01:08Pero nang magpakita si Sen. Erwin Tulfo ng litrato kung saan kita na ang mukha ng naka-blue shirt.
01:16So kanina sinasabi mo, wala kang kinalaman dyan, hindi ka may-ari niyan, huwag kang isama ni Bryce.
01:25So ibig sabihin, itong patunay na may kinalaman ka sa mga partihan na yan.
01:30Pag-amin ni Hernandez, hati-hati silang DPWH engineer sa kita mula sa flood control projects.
01:38Yung project na yan, meron po kaming sharing na pagkumita po, si Boss Henry po meron 40%, ako po may 20%, si Engineer JP meron po 20%, at si Engineer Paul Duya meron din po 20%.
01:51Sinabi pa ni Hernandez, naisip nilang gumawa ng ghost projects dahil tumaas ang tara sa proponent o mambabatas na nagpasok ng proyekto sa budget.
02:03Pero hindi raw alam ni Hernandez kung sino ang mga proponent, si Alcantara raw, ang nakakaalam nito.
02:09Nang tanungin si Alcantara, sinabi niyang nagsusubitin na lang siya ng wishlist sa regional office ng DPWH.
02:16Sino po yung proponent na sinasabi ni Bryce?
02:19Hindi ko po alam sa kanya, Your Honor. Every time po na may tatanong sa kanya, puro po ang turo eh sa akin.
02:25Pero hindi ito umubra sa mga senador kaya kinontemp siya.
02:29Dalawang hearing na itong nagsisinungaling, sa mga taong sa baba, lahat may kasalanan, ikaw wala.
02:35District engineer ka, hindi mo alam na may ghost project.
02:39Sa pagtingin sa isang litrato, isang dating kongresista ang idinawit ni Hernandez.
02:44Hindi, sabihin mo na lang, para kanino itong mas malapit ito?
02:48Ano po, ang nakalagay po dyan is Mitch po. Kung hindi po na maling pagkakatanda ko,
02:54ang sabi po dyan ni boss, para po kay Mitch Kahayon po yata yun.
02:59Si Mitch Kahayon Uy ay dating kongresista at dating opisyal sa DSWD nung Administrasyong Duterte.
03:07Mariinkinon din na ni Kahayon Uy ang aniyay walang basihang paninira at ang pagdawit sa kanya ni Hernandez.
03:14Wala raw siyang ugnayan kay Hernandez na ilang beses din daw umaming hindi sila magkakilala.
03:21Naging kinatawan daw siya ng kalookan at hindi ng bulakan.
03:25Naungkat din sa pagdinig ang mga mamahaling sasakyan na tinanggap umano ni Alcantara mula sa kanya mga taongan.
03:32Birthday gift na rin po nilang tatlo. Biniro ko pa nga sila. Anong gagawin ko dyan? Sana pinayaran nyo na lang.
03:40Kinontrayan ni Hernandez na nagsabing mismong si Alcantara ang humingi ng mga regalo.
03:46Yung sasakyan po ng LC300 at GMC, hindi po namin niregali yun. Hiningi niya po yan sa amin.
03:52Ang niregalo at ang hiningi niya pong regalo ng birthday niya ay isang patek po na relo.
03:57Nasa 5 million mahigit po.
04:01Nakabili kayo?
04:02Opo.
04:04Saan?
04:06Alam ko parang dito po banda sa Makati namin binili yun.
04:10Bukod kay Alcantara, cited in contempt din si Carly Diskaya.
04:14Nang tanungin kasi kung bakit absent sa pagdinig ang misis niyang si Sarah.
04:19May ano po siya yung may heart condition din po siya.
04:24Pero sa isinumiting excuse letter ni Sarah sa komite, nakasaad na may nakaschedule raw siyang meeting sa mga empleyado nila.
04:32You lied. You lied. Paano pa kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?
04:38Humihingi po ako ng pasesya po sa inyo. Wala po akong intention talaga magsinungaling.
04:43Inissuehan naman ng show cause order ang misis niya.
04:47Sited in contempt din si JP Mendoza Delsa pagsisinungaling umano.
04:51I-detain sila sa Senado.
04:54Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:58Apat ang napaulat na nasawi habang animang nawawala sa malawakang pagbaha sa Valencia City, Bukidnon.
05:05Maaga namang nagaanda ang mga tagaluson sa posibleng epekto ng bagyong nando na maaaring maging super typhoon.
05:12May report si Nico Wahe.
05:17Nagdulot ang matinding takot ang pagragasan ng bahas sa Valencia City, Bukidnon.
05:22Isang rider na nagtangkan tumawid pero agad na pinigilan ang mga residente.
05:28Bumapalaho naman sa iyak ang babaeng ito.
05:33Matapos umanong maanod ng baha ang kanyang anak.
05:36Pag hupa ng tubig, isang bangkay ng batang natagpuan sa lugar.
05:40Inaalam pa kung ito ang anak ng babae.
05:43Ayon sa CDRRMO, hindi bababa sa apat ang nasawi habang animang nawawala sa pagbaha.
05:49Mahigit tatlong dang pamilya naman ang naapektuhan mula sa limang barangay.
05:53Maybe we will declare a state of calamity dito sa Valencia.
05:58Kasi nag-motion na yung LDR para magapan at saka magka-produce kami na more goods sa aming mga constituents.
06:09Malawakan din ang pagbaha sa ilan pang lugar sa probinsya.
06:12Stranded ang maraming residente.
06:15Ilang paaralan ang pinasok ng hanggang bewang na tubig.
06:17Wala na git.
06:20Daudagat na dili sa may sanyag.
06:23Sa ang patuan, magintanao del Sur, laking pangihinayang ng mga magsasaka sa mga nalubog nilang taniman.
06:30Tanaw rin sa drone video, matinding pagbaha sa ligawasan sa special geographical area ng farm.
06:37Sa leon, Iloilo, apat na bahay ang nasira dahil sa landslide.
06:40Bumigay rin ang footbridge sa lugar.
06:41Walang nasaktanaw na sawi sa insidente pero inilikas ang mahigit 20 residente ayon sa lokal na pamahalaan.
06:48Ayon sa pag-asa, habagat at localized thunderstorm, managpaulan sa Visayas at Mindanao.
06:53Mistulang dagat na ang bahaging ito ng barangay Mauban at Rahal sa Balungaw, Pangasinan kahapon.
06:58Kasunod ng malakas na ulang dala ng bagyong mirasol.
07:01Hanggang baywang ang tubig sa bahay ng umingan.
07:05Pinadapa rin ang masamang panahon ng mga palayan at maisan sa kasiguran aurora kung saan nag-landfall ang bagyong mirasol.
07:13Nagmistulan rin lawa ang campus na ito sa Pagbilaw Quezon.
07:17Pati ang Maharlika Highway sa Barangay Palsabangon.
07:22Pagkalabas ng bagyong mirasol sa PARP, pinaghahandaan naman ang mga tagaluzon ang bagyong nando.
07:27Sa Gonzaga, Cagayan, naghahanda sa posibleng paglikas ang ilan nakatira sa tabing ilog.
07:31Mas takot daw ngayon ang ilan sa kanila dahil tuluyan ang gumuho ang diking proteksyon sana nila sa baha.
07:37Dating may dike sa bahaging ito ng ilog dito sa may barangay Bawa sa Gonzaga, Cagayan.
07:42Pero nandahil sa bagyong ofel noong nakarantaon at bagyong krisig nitong Hulyo,
07:47tuluyan nasira ang dike.
07:48At kagabi lang, mas nagdagan yung takot ng mga residente dahil itong bahagi naman na ito ay tuluyan gumuho.
07:54Ayon sa barangay, nakipag-uusap na sila sa munisipyo para magawa ang dike.
07:58Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:03Huli ka mang pagsalpok ng pickup sa isang tricycle na may sakay pang dalawang taong gulang na bata sa Iloilo.
08:10Yan at iba pang disgrasya sa kalsada sa report ni John Consulta.
08:18Nakapagbaba pa ng pasahero ang tricycle na ito sa kalilog Iloilo bago mag-u-turn pabalit sa lane nito.
08:24Makikita rin na naiwan sa loob ng sidecar ang dalawang taong gulang na apo ng tricycle driver.
08:29Saglit kuminto sa gilid ng kalsada ang tricycle hanggang sa...
08:34Nasalpok na ito ng pickup.
08:37Ang nahulog ni tricycle driver, nagmadaling tumakbo sa naararon niyang tricycle para i-check ang kanyang apo.
08:44Ligtas ang bata pero sugatan ang tricycle driver.
08:47Hindi nahalgip sa kamera pero nakasag-asapa na nakapalatang motor ang pickup.
08:52Ayon sa mga polis, biglang sumama ang pakiramdam ng driver ng pickup kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.
08:59Di pa malinaw kung sasampahan ng kaso ang pickup driver na nasa ospital pa.
09:04Sa Tarisay City, Cebu, makikitang mabilis ang takbo ng rider na yan.
09:09Hanggang sa sumalpok siya sa sinusundang motor sa barangay Bulacau.
09:13Sa isa pang barangay, sapul din sa CCTV ang pagbangga ng nag-counterflow na rider sa isa pang motor.
09:18Nagkaayos na ang mga sangkot sa magkahiwalay na insidente.
09:23John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:34Kumara pang aktres na si Gretchen Barreto sa DOJ para magkain ng kontra sa Laysay,
09:39kaugnay sa mga hinaharap na reklamo dahil sa missing sabongeros.
09:43Si Barreto ay pinangalanan ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
09:55na isa sa mga sangkot umano sa pagkawala ng mahigit tatlong pong sabongero mula 2021 hanggang 2022.
10:02Kasama raw siya sa Alpha Group ng negosyanting si Atong Ang na nagpa siyang ipaligpit umano ang mga sabongero.
10:09Tinawag ng abogado ni Barreto na unsubstantiated o walang katibayan ang mga paratang.
10:15Kasama ni Barreto si Ang, dating NCRPO Chief John L. Estomo,
10:20at 60 iba pa sa mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention, at iba pa.
10:26Hindi nakapagsumitiin ng kontra sa Laysay ang kampo ni Ang
10:29dahil kulang daw ang mga dokumentong hinihingi nila sa PNP, kaugnay sa reklamo.
10:35The accusations against Ms. Barreto stands on nothing.
10:43And if you look at the Complaint Act today, it is actually recognized.
10:46The accusations against her are actually recognized as allegations.
10:52Unsubstantiated, unproven, and at the end of the day, incredible.
10:58And made by a witness who also himself lacks credibility in this respect.
11:03Iginit ni Congressman Paulo Duterte na walang ghost project sa Davao City.
11:10Tugon ito ng kongresista sa patutsada ni House Majority Leader Sandro Marcos
11:14na posibleng hinahanap ni Duterte ang P51 billion pesos na ginasto sa kanyang distrito
11:20kaya hindi nagpapakita sa mga sesyon ng kamera.
11:23Sabi ni Duterte, nilinaw na ng DPWH Region 11 na properly accounted for ang P49.8 billion pesos
11:31na halaga ng mga proyekto sa kanyang distrito.
11:34Dagdag pa ni Duterte, hindi na siya dumadalo sa sesyon sa kamera.
11:38Hindi dahil sa kapabayaan, kundi dahil hindi na raw siya niya matagalan ang katiwalian sa kamera.
11:45Kinumpronta ni na Sen. Jingo Estrada at Sen. Joel Villanueva si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
11:54na nagdawid sa kanila sa maanumalyang flood control projects.
11:58Naunang sinabi ni Hernandez na isang staff ni Estrada na nagnangalang Beng Ramos
12:03ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction.
12:08Itinanggi ni Estrada na staff niya si Ramos na napagalamang staff ng Blue Ribbon Committee.
12:14Hindi pinadalo sa pagdinig si Ramos na may stage 4 cancer.
12:18Kaibigan daw ni Mina Jose ng WJ Construction si Ramos
12:22na nag-refer kay Hernandez para sa isang joint venture na hindi naman natuloy.
12:28Ipinakita sa pagdinig ang CCTV footage ng pagbisita ni Mina Jose
12:32ng WJ Construction sa Senado noong August 19.
12:35Pumunta raw siya sa tanggapan ni Sen. Irwin Tulfo para sa isang repair project.
12:41Pero bago pumunta rawon, tumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee.
12:46Paglilinaw ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para maghatid ng pera.
12:51Ipinakita rin ni Hernandez ang pag-uusap nila ni Jose patungkol sa idea deliver umano ni Jose.
12:57Pero itinanggi ni Jose na nagbibigay siya ng pera.
13:00At that time po, ang sabi po ni Boss Henry, nagre-request daw po si Sen. Joel ng pondo po.
13:10Nang almost parang ang pagkakabanggit ni Boss Henry is 1.5 billion.
13:17So balit dun sa parang na pumasok sa conversation po na napikturan,
13:22isang kayang iyalat ng pusa kanya ni Sekretary Bonoan is 600 million.
13:28Totoo naman po.
13:29I'm sorry Mr. Chairman, there's nothing there.
13:32Kahit na picture lang yung pinicture mo,
13:36there's nothing there that states that,
13:38is this a new allegation that you're talking about?
13:43Was there a time na I asked or I nominated flood control program sa inyo?
13:49Wala po, Your Honor. Ever since po.
13:52Ever since. Wala, Mr. Chairman.
13:55Was there a time na nag-lobby si Sen. Villanueva for any contractor,
14:03any contractor na in-endorse, pinakitaan ng pabor,
14:10or nilabi sa iyo, Mr. Alcantara?
14:14Wala po, Your Honor.
14:15Binalika naman ni Villanueva ang umano'y larawan ng disappearing messages
14:21na ipinakita ni Engineer JP Mendoza sa pagdinig doon ng kamera.
14:26Ipinakita ni Villanueva kung gaano daw kadali pekiin ang mga umano'y usapan sa cellphone.
14:32Bitbit din ni Villanueva sa pagdinig ang kopya ng 2025 General Appropriations Act
14:37at hinamon ang mga dating DPWH engineer na ituro doon ang sinasabing proyekto ng Senador.
14:44Pero ayon din kay Hernandez,
14:46hindi matatagpuan sa General Appropriations Act ang ilang flood control projects
14:50dahil nasa unprogrammed na bahagi ito ng national budget.
14:54Bago ngayong gabi, lumakas pa bilang tropical storm ang Bagyong Nando.
15:00Sa 11 p.m. bulitin ng pag-asa,
15:02huling namataan ang bagyo ng sentro ng bagyo,
15:051,175 kilometers east ng central zone.
15:09May lakas yan ng hangin ang umaabot sa 65 kilometers per hour
15:13at bugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
15:16Babagal ang pagkilos ng bagyo pa northwestward.
15:19Ayon sa pag-asa, posibleng mas tumakas pa ito sa mga susunod na araw bilang super typhoon.
15:26Inasaan maglalanfall o didikit ito sa Babuyan Islands lunes ng hapon hanggang umaga ng Martes.
15:32Dapat ding maghanda ang Batanes at ipapangbahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Region at ilang bahagi ng Central Luzon.
15:40Nauna nang sinabi ng pag-asa na may tinatawag na cone of probability,
15:44kung saan pwedeng magbago ang pagkilos ng bagyo.
15:48Samantala, patuloy rin binabantayan ang bagyong mirasol na bagamat nasa labas na ng par
15:53ay lumakas pa bilang tropical storm at humahatak sa habagat.
15:57Habagat at trough ng bagyong mirasol ang nagpapaulan sa bansa.
16:02Kasabay ng pagbabalik tanaw sa kasaysayan,
16:04mas magiging bahagi ka na ng pagkukwento ng nakaraan
16:07dahil sa planong pagpaparenta ng mga tradisyonal na kasuutan sa mga bibisita sa luneta.
16:13Layo nito ang buhay ng interes ng parkgoers sa heritage clothing.
16:18May report si Von Aquino.
16:19Paano kung ang pamamasyal sa luneta na isang national cultural treasure
16:27na nagpapaalala ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal?
16:30Pwede nang sabaya ng pictorials o tamang Filipiniana attire tulad nito.
16:35Mangyayari na raw yan sa Desyembre.
16:37Ayon sa National Parks Development Committee o NPDC
16:41na nakipag-partner sa private organizations para sa Filipiniana rental services.
16:47Papayagang magpapicture at magvideo sa tabi ng mga monumento,
16:51pathways, jardin at iba pang attractions ang mga mag-aarkila.
16:55It's not only that they will hear about our history,
16:59they will feel it by wearing our national dress.
17:03Limitado lang muna sa Filipiniana attire ang mga arkila.
17:06So we will start first with the Filipiniana from the Spanish era
17:12to the early 1900s which is the early American.
17:17This is not a mere costume, especially for our tribal indigenous peoples.
17:25For them, it's their cultural identity.
17:28Ayon sa isang cultural analyst,
17:30ang pagbibihis ng mga tradisyonal o katutubong kasuotan,
17:34madagal nang ginagawa sa ating bansa.
17:36Noong 1950s, ginagawa na yan sa Baguio, sa Mines View Park.
17:43Magsusuot ka ng kasuotan ng mga katutubong igurot
17:45or kasama sila magpapicture.
17:48Ang pagpapasuot ng Philippine traditional attire sa mga turista o banyaga
17:52ay maituturing daw na unang hakbang sa pagkilala sa kultura ng mga Pilipino.
17:57Pero dapat daw binibigyan din ang kaalaman ng mga turista tungkol sa kasuotan.
18:03Dapat din kumpletuhin ang buong kasuotan mula headdress, headgear hanggang footwear
18:08bilang pagrespeto sa pananamit na mga katutubo.
18:11Huwag gamitin itong mga ito, itong mga sagradong mga kasuotan na ito.
18:16So yung mga popular lang at yung madaling isuot kasi iba, it takes time para maisuot.
18:25At yung iba nga dinadasalam pa yan sa bawat suot.
18:28Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:31Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
18:39Ako si Ato Maraulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended