Skip to playerSkip to main content
- Baguio Mayor Benjamin Magalong, nagbitiw bilang special adviser sa ICI


- Mahigit 14,000 hinagupit ng #OpongPH sa Oriental Mindoro; Nasa 500 pasahero, stranded


- Bagsik ng Bagyong Opong, ramdam sa kabisayaan


- Tulong ng Sparkle Artists sa mga binagyo


- Jewelry store nilooban ng mahigit 20 magnanakaw; 7 naaresto


- Malacañang sa paghahatid umano ng pera para kay Romualdez: patunayan na lang po


- 3 kinitil ng Bagyong Opong sa Masbate; mga lumikas at stranded naitala sa Bicol


- Lalaki, sinagip ang mga aso't pusa na na-trap sa baha


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00State of the Nation
00:30Aniya nagkaroon na umano ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI at malinaw na hindi na kailangan ng kanyang serbisyo.
00:39Pero hindi rin niya kailanman pinabayaan ng tungkulin bilang alkalde.
00:44Unang binanggit ng Malacanang na pinare-review sa kanilang legal team ang pagtalaga kay Magalong kasunod ng ilang puna
00:50sa posibleng conflict of interest dahil sa maanumalya umanong tennis court project sa lungsod.
00:56May mga po na rin umano na abala siya sa komisyon at baka nalilimutan na ang kanyang tungkulin bilang alkalde.
01:06Nasa West Philippine Sina ngayon, ang bagyong opong matapos itong mag-landfall ng aning na beses sa Visayas at Mimaropa.
01:14Mindoro ang ika-anim na lugar na dinaanan ang mata ng bagyo at may bakas ng iniwan itong pinsala.
01:20May live report si Bea Pinlak.
01:22Bea?
01:26Atong signal number 3, ang pinakamataas na babala ng bagyo na itinaas dito sa Oriental Mindoro nang tumama ang bagyong opong.
01:40Magtatanghali kanina ng tumama sa Mansalay Oriental Mindoro ang bagyong opong.
01:47Kita sa barangay B del Mundo kung gaano kanakas ang 110 km per hour na taglay nito.
01:53Sa Rojas, iwinawas-iwas ng malakas na hangin ng mga puno at nagngangalit ang dagat bago pa mag-landfall ang bagyo.
02:08Binura naman ang baha ang isang kalsada sa Sityo Kawakat, Barangay Kambunang sa Bulalakaw.
02:20Sa Bako, may namataang tina isang buhawi na nauwi sa pagkawasak ng ilang bahay at pagtumba ng mga puno na namerwisyo sa mga motorista.
02:30Ang mga otoridad kanina, nag-ikot sa gitna ng bagyo para makumbinsing lumikas ang mga residente.
02:49Humambalang at nagkalat sa ilang kalsada ang mga dahon at putol na sanga ng mga puno.
02:55May lalaking sugatan ng mabagsaka ng puno.
02:57Sa kalapan na kabisera ng Oriental Mindoro, bumaha sa ilang kalsada.
03:04Mahigit labing apat na libo ang apektado ng bagyo sa probinsya ayon sa Kapitolyo.
03:10Wala pa rin biyahin ang barko sa mga pantalan, kaya stranded ang halos dalawandaang rolling cargos at iba pang sasakyan.
03:17Hopefully Sabado ng gabi, makapag-resume tayo ang pinakamatagal siguro linggo ng umaga.
03:27Atom, may mahina pang buhos ng ulan dito sa Oriental Mindoro pero nakababa na sa signal number one ang wind signal dito sa probinsya.
03:38Yan muna ang latest mula rito sa Oriental Mindoro. Balik sa'yo Atom.
03:41Ingat at maraming salamat, Bea Pinlac.
03:44Bago ngayong gabi, sampuna ang naiulat na nasawi at labing tatlo ang nawawala dahil sa bagyong opong ayon sa Office of the Civil Defense.
03:53Ito sa mga nasawi ay sabiliran, isa sa mga napuruhan ng bagyo sa kabisayaan.
03:58May report si Rafi Tima.
03:59Ito yung sitwasyon sa amin ngayon sa Manhilo Elementary School, Southern Leyte, Maasin City.
04:05Lubok sa tubig ang paralan ito sa Maasin, Southern Leyte.
04:09Bumigay ang pader ng paralan dahil sa ragasan ng tubig.
04:12Sa Ormok Leyte, bahari nang nagpahirap sa mga motorista.
04:16Pinasok ng tubig ang ilang bahay.
04:21Ilang residente at alagang hayo pang inilikas.
04:25Sa nabagbiliran, nagmistulag-ilop ang isang kalsada dahil sa lakas ng baha.
04:31Sa San Policarpo, Eastern Samar, ang unang landfall ng bagyo kagabi.
04:35Ramdam sa buong Samar Island ang hagupit nito.
04:38Gaya sa San Roque, Northern Samar, kung saan tila matutumbana ang mga puno sa lakas ng hangin.
04:43Ang ilang residente, lumika sa mga paaralan at maging sa hotel.
04:49Sa Palapag Samar, aabot sa 125 ang inilikas sa barangay hall ng barangay Paisud.
04:55May mga nabualding puno.
04:57Sa ilang lugar na nawala ng kuryente, malaking tulong sa ilang negosyo ang kanilang generator set.
05:04Ramdam din ang masamang panahon sa Lazi, Sikihor.
05:06Habang sa Tagbilarang Bohol, stranded ang ilang pasahero dahil sa mga kansiladong biyahe.
05:14Hindi naging malaparaiso ang Boracay sa pagdaan ng bagyo.
05:17Bumindayog sa lakas ng hangin ng mga puno sa beach.
05:21Stranded sa Katiklan Fort ang ilang pasahero dahil walang naglalayag.
05:24Ang sitwasyon sa Boracay, halos pareho sa Kaluya Antike, kung saan mahigit pitumpong pamilya ang inilikas.
05:31Sa balasan Iloilo, gumamit na ng lubid na mga bumberong sumagit sa ilang binaha para mailikas.
05:37Sa bayan ng Carles, ilang lugar ang may hanggang dibdib na baha.
05:40Ang ilang bahay sa Pilar Capiz, nabagsakan pa ng mga nahulog na sanga ng puno.
05:46Sa Gimaras, suspindido rin ang biyahe sa Bonavista Wharf kung saan humampas ang malalaking alon.
05:52Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:56Patuloy ang paghahanda at pag-aabot ng tulong ng GMA Capuso Foundations.
06:00Sa mga sinalanta ng sunod-sunod na bagyo.
06:03Pati Capuso Artists, kaysa sa pagdadamayan at pagtutulungan para sa mga nasalanta.
06:09Yan ang entertainment spotlight ni Athena Imperia.
06:12Tumulong ang Sparkle Artists na sina Angel Guardian, Shuve Etrata at Brent Valdez sa tuloy-tuloy na repacking ng relief goods sa GMA Capuso Foundation Headquarters.
06:26Kahit sa simpleng paraan maramdaman nila na yung mga kababayan, tinutulungan pa rin sila, nandyan pa rin tayo para sa isa't isa.
06:34Hindi limitado ang pwede mong gawing pagtulong sa kapwa natin mga Pilipino. Marami pong ways.
06:39With your little way, you are capable of doing something more.
06:42Naipapadala natin yung mensahe sa henerasyon ngayon na tumulong din sila sa pamamaraang kaya nila.
06:49Naroon din ang Sparkle Campus Cuties, Ralph Miyako, Winston Stolick, Akira Curata, Nithan Tan at social media influencers Althea Ambrosio at Mark Oliveros.
07:00Bago nito, 5,000 relief packs na ang naipamahagi ng GMA Capuso Foundation para sa mga nasalantam ng Super Typhoon Namdo sa Cagayan Province at Benguet.
07:12Tinatayang 20,000 individual ang naaabot ng tulong dahil rito.
07:162,000 food packs ang naka-standby para sa Calayan Island.
07:20May 2,000 food packs ding naka-preposition sa AFP Southern Luzon Command Headquarters sa Lucena para naman sa mga maaapektuhan ng bagyong opong.
07:30Mais! Maisa sa katuparan na ni Justin Didyos ang dream na maging aktor.
07:38Simula sa lunes, mapapanood na siya bilang Eshnad sa Encantadia Chronicles Sangre.
07:44I know na excited din po talaga yung 18 kasi it's something different from SB19 from performing.
07:50Pero hindi ko po yun-expect na marami rin Encantadix yung parang na-excite sa pagpasok ko po.
07:56Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:00Armado ng baril at piko ang ilan sa mahigit 20 na hulikam na naloob sa isang tindahan ng alahas at relo sa California, USA.
08:11Pinasag nila ang mga estante, nilimas sa mga nakadisplay at isinilid sa mga bit-bit nilang bag.
08:17Nagpapotok ng barilang isa sa kanila sa pintuan bago sila sabay-sabay na tumakas at sumakay sa mga nakaabang na kotse sa valet parking.
08:27Nasa $1 million, sumahigit 50 million pesos ang halaga ng mga nalimas sa pagnanakaw noong lunes ayon sa mga otoridad.
08:34Batay sa local reports, pito ang naaresto.
08:37Dumalabas na noong 2023, iluoban din ng parehong tindahan.
08:44Nakakoy question ngayon ang testimonya ng nagpakilalang security aide noon ni Congressman Zaldico sa paghatid daw niya ng mali-maletang pera.
08:53Dumalabas na pineke-umanoh ang notaryo sa affidavit niya ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson.
09:00May report si Tina Panganiban Perez.
09:05Humigit kumulang tatlong beses ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman Zaldico at sa mga bahay ni Speaker Romualdez sa Taguig.
09:16Dito sa may gitna.
09:17Ang sabi kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee ni Orly Gutesa, nagpakilalang dating security aide ni Akobical Partylist Representative Zaldico,
09:26nakapag-deliver daw siya ng mali-maletang pera o tinawag niyang basura sa bahay ni Nako at dating Speaker Martin Romualdez.
09:35Naghatid din daw siya ng pera para kay Romualdez sa isang bahay sa Aguado Street malapit sa Malacanang.
09:42Minsan din daw niyang nakita si dating Act CIS Partylist Representative at ngayon i Benguet Representative Eric Yap na nagdala ng pera sa bahay ni Ko sa Pasig.
09:52Kung meron pong ganito talagang pangyayari, patunayan naman po, hindi po makikialam ang Pangulo sa mga pag-imbisigan na ito.
09:58Inusisa pa ni Sen. Rodante Marcoleta kahapon ang affidavit ni Gutesa na kalauna'y ipinamahagi sa media.
10:06Ito po, ipinanotaryo ninyo. Nakikita ko rin po. Totoo po ba itong notaryong ito?
10:14Totoo po, Your Honor.
10:15Ngayon, nakakwestiyon ang affidavit ni Gutesa. Ang nakapirma kasing notary public na si Atty. Petshi Rose Espera, sinasabing hindi siya ang nagnotaryo, lumagda o lumahok sa pagawa ng salaysay ni Gutesa ayon kay Senate Blue Ribbon Chair, Sen. Ping Laxon.
10:34Palsifikado rin daw at walang otorisasyon ang pirma nito.
10:37Pinuntahan namin ang opisina ni Espera sa Maynila, pero wala siya roon, ayon sa nakausap naming staff.
10:44Sabi pa ni Laxon, hindi man lang siya nasabihan at nagkagulatan na lang ng isa lang si Gutesa.
10:51Kailangan na niyang makilati sa ang background at record ni Gutesa, lalo na't mabigat at seryoso ang mga testimonya nito.
10:59Inangalam na ng DOJ kung peke nga ang notaryo.
11:02Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, hindi rin daw sumipot si Gutesa sa pagkikita nila para sa hiling din umano ni Gutesa na ipasok siya sa Witness Protection Program.
11:14I told him yesterday, I'll be here at 9.30. Punta ka na para mag-usap tayo.
11:20In the end, I think he said that he can defend himself.
11:24Sinisikap namin makuha ang panig ni Gutesa at Marcoleta.
11:28Itinanggi na ni Romualdez at IAP ang mga aligasyon.
11:33Sa isa namang sulat ni Ko, kay House Speaker Faustino D,
11:37iginiit ni Ko na wala siyang tinanggap na pondong konektado sa mga proyekto ng DPWH.
11:43Pinabulaanan din niya ang iba pang bintang laban sa kanya.
11:46Gaya ng pagsingit umano niya ng pondo sa 2025 National Budget na iginiit niyang inapurubahan ng Kamara at Senado at sumunod sa proseso.
11:56Tiniyak din niyang babalik siya sa Pilipinas para saguti ng mga okusasyon sa tamang forum.
12:01Pero umaasa si Ko na sa pagbalik niya sa Pilipinas, bibigyan siya ng due process at matitiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
12:11May hanggang September 29 si Representative Elizalde Ko na bumalik sa bansa.
12:16Alinsunod ito sa direktiba ng Speaker.
12:19Kung hindi, mahaharap daw si Ko sa disiplinary at legal actions.
12:23Tiniyak ng Speaker ang kaligtasan ni Ko at kanyang pamilya.
12:27Naka-medical leave si Ko at nagpunta ng Amerika para raw magpagamot.
12:33Nag-a-apply na ang DOJ para sa Interpol Blue Notice laban kay Ko
12:37na batay sa mga ulat ay wala na sa Amerika.
12:40Interpol is being notified that they are subjects of an investigation, of criminal investigation.
12:45As a European?
12:47Spain?
12:48Spain or France?
12:50A lot of text messages are coming in that he's in France.
12:53Gumugulong na rin ang case build-up ng DOJ laban sa 21 individual na inirekomenda ng NBI na ihabla ng graft, malversation of public funds at indirect bribery.
13:06Hiniling na rin sa Bureau of Immigration na ma-issuehan sila ng Immigration Lookout Bulletin Order.
13:12Wala sa listahan si nadating Speaker Romualdez at Makati Mayor Nancy Binay na binanggit ni DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na hinatiran umano niya ng pera.
13:23We're working on it. Marami pa yan. Marami pa kami kailangan kasuhan. Hindi lang talaga kaya sabay-sabay.
13:31Hindi na raw sinama si na Curly at Sara Diskaya habang protected witness na rin ang kontratistang si Sali Santos.
13:40Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:45Kabilang sa datos ng Office of the Civil Defense, ang tatlong naitalang nasa week sa masbate dahil sa bagyong opong. May report si JP Soriano.
13:53Mataling araw pa lang, hindi na pinatahinig ng bagyong opong ang masbate.
14:02Dito nag-landfall ang dalawang beses ang bagyo kaninang madaling araw.
14:06Nang lumiwanag, kabi-kabila ang pinsala.
14:15Nabuwal ang mga puno at tumumba ang mga poste.
14:20Nilipad ang mga yero.
14:22Wasak ang mga bahay.
14:23May signal pero walang kuryente.
14:25Sa batuan, napuruhan ang Parish Immaculate Conception.
14:32Bumagsak ang kisamay nito kaya tinamaan ang mga lumikas doon.
14:37Inaalam pa kung ilan ang nasugatan.
14:41Sa dimasa lang, nasa sandaang pamilya ang inilikas.
14:45Sa paunang tala ng mga otoridad, tatlo ang kinitig ng bagyo sa masbate.
14:50Isa sa Monreal at dalawa sa masbate city.
14:53Mahigit sampu ang naospital.
14:56Nang mahagip ng sanga ng bumagsak na puno.
14:59Mahigit 8,000 pamilya o tinatayang 26,000 individual ang nasa mga evacuation center.
15:06Tulong gaya ng pagkain at tubig ang hiling ng lokal na pamahalaan.
15:17Matapos sa masbate, tumawid ang bagyong opong sa Romblon.
15:20Kung saan dalawang beses din itong nag-landfall.
15:23Sa Albay, nagngangalit ang dagat kaninang pasado alas 8 ng umaga sa bayan ng Piyo Duran dahil bawal pang maglayag ang mga roro.
15:33Hindi tuloy makasampa ang mahigit sandaang sasakyan.
15:37Ang ilang stranded driver nag-ambagan para sa isang pirasong tuningan.
15:41Ipinaksiyon nila ito para may makain.
15:44Umagahan hanggang hapunan.
15:47Pag hindi namin tipiran yan, sir.
15:48Saan kami kukuha ng alawans?
15:51Limang araw na kami dito.
15:52JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:57Paalala ulit tuwing masama ang panahon.
16:00No pets left behind.
16:02Ilang mga alagang aso at pusa ang iniligtas ng isang lalaki sa Liloan or Mox City.
16:07Sa gitna ng lampas taong baha, lumangoy si Jason para sagipin ng alagang aso.
16:18Pati na ang iba pang alagang aso at pusa ng kanilang mga kapitbahay, binabantayan na rin daw nila.
16:24Kwento ni Yus Cooper Jaisal Suko, nagdesisyon talaga silang manatili sa bahay na binaha para sa mga alaga.
16:31Pinayagan din daw sila ng kanilang mga magulang para manatili roon.
16:35Nananatili sila sa bubong ng kanilang bahay habang hinihintay ang pagkupa ng baha.
16:43Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
16:49Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended