- 7 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
- Power bank, sumabog habang nasa inspection table ng airport
- 31 Pinoy na ni-repatriate sa Middle East, nakauwi na matapos maantala ang flight
- Lalaking nag-amok, nanakit ng pinsan at aso
- 4 nasawi, 12 sugatan nang mahulog sa spillway ang sinakyang rescue vehicle galing sa religious fellowship
- In Case You Missed It: P3 dagdag-presyo sa sardinas; Hiling na interim release ng kampo ni FPRRD
- Eksperto: Sugar intake ng mga bata kada araw, dapat katumbas ng hanggang 6 teaspoons o 20–28 grams lang
- Dream role ni Andrea; Closeness ng Shukla; Papawis ni David
- Wattah Wattah Festival ng San Juan
- Mt. Mantalingahan na pinakamataas sa Palawan, isa sa mga pinakamahirap akyatin
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- 31 Pinoy na ni-repatriate sa Middle East, nakauwi na matapos maantala ang flight
- Lalaking nag-amok, nanakit ng pinsan at aso
- 4 nasawi, 12 sugatan nang mahulog sa spillway ang sinakyang rescue vehicle galing sa religious fellowship
- In Case You Missed It: P3 dagdag-presyo sa sardinas; Hiling na interim release ng kampo ni FPRRD
- Eksperto: Sugar intake ng mga bata kada araw, dapat katumbas ng hanggang 6 teaspoons o 20–28 grams lang
- Dream role ni Andrea; Closeness ng Shukla; Papawis ni David
- Wattah Wattah Festival ng San Juan
- Mt. Mantalingahan na pinakamataas sa Palawan, isa sa mga pinakamahirap akyatin
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:00Naglia, ba't sumabog ang isang power bank habang nasa inspection table sa Rojas Airport sa Capiz?
00:21Kumislap ito habang kinusuri ang bagahe ng isang pasaherong Pamaynila.
00:25Binugahan ito ng fire extinguisher pero sumabog.
00:29Nagkalasog-lasog ito at nag-iwan ng itim na abo sa sahig.
00:33Walang nasaktan ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
00:38Napagalamang sobra ang watt-hour capacity ng power bank sa itinakda ng CAAP na 160 watt-hours naman.
00:45Git ng pasahero, pinayagan naman siyang dalhin ang power bank sa flight galing Maynila.
00:52Bago ngayong gabi, balikbansa na ang unang batch ng mga Pilipino sa gitnang silangan
00:57na nagpasundo-bunsod ng hidwaan ng Israel at Iran.
01:01Alanganin pa rin ang sitwasyon doon para sa mga Pilipino,
01:05lalo noong pinuntirian ng Iran ang airbase ng Amerika na nasa Qatar.
01:09May report si JP Soriano.
01:10Tumawid ng Persian Gulf ang mga missile ng Iran.
01:17Gumuhit ang mga yan sa kalangitan ng Qatar.
01:20Target nila ang Aulade Airbase, ang pinakamalaking military installation ng Amerika sa Middle East.
01:26Ganti umano ito ng Iran matapos puntiriyahin ang tatlong nuclear sites nila ng airstrikes ng Amerika.
01:33Nakasalagman ng Qatar may mga debris pa rin na tumama sa lupa.
01:37Kinonde na ng Qatar ang ginawa ng Iran na nagdulot din ang takot sa mga nakasaksing Pilipino.
01:43Naka po, hindi ba yan? Ang dami.
01:46It's in our roof.
01:47Have you seen? This one, they will intercept.
01:50Oh, you see? Intercept.
01:53They're intercepting.
01:57As you can see, this is our house.
01:59Siguro around 3, 4, 5 na explosions.
02:02So, lumabas kami sa bahay.
02:03So, paglabas nga namin ng bahay, nakita ko na nga yung, yun na nga, mga rackets.
02:08Kalaan namin kwitis lang.
02:09Ang caregiver na si Christine, halos tatlong oras na nagtago sa basement kasama ang kanyang amo.
02:15Ang amo ko, yung madam, biglang bumaba at sabi magtago nga kami sa basement.
02:21And then yun nga, lahat kami nagbabaan.
02:23Pero hindi raw siya mapakali dahil alam niyang nasa kalsada ang asawa niyang delivery rider sa mga oras na iyon.
02:30Dahil sa missile strike, ipinagbawal ang paglipad, papasok at palabas ng Qatar.
02:47Nadelay tuloy ng mahigit sampung oras ang flight ang 31 Pilipino na nirepatriate ng Department of Migrant Workers.
02:55Nakarating na sila ng Pilipinas ngayong gabi, 26 galing sa Israel, 3 galing Jordan at tig-isa mula Palestine at Qatar.
03:05Handa naman daw ang AFP na tumulong sa pag-repatriate sa mga Pilipino sa gitnang silangan.
03:09Sa datos ng Department of Foreign Affairs, mahigit 2.1 milyon ang mga Pinoy sa Middle East kasama na mga Pinoy sa Israel at Iran.
03:20May mahigit 222,000 namang mga Pinoy sa Qatar.
03:23The Armed Forces of the Philippines is closely monitoring developments in the Middle East.
03:29Should the need arise, the Armed Forces of the Philippines stands ready to assist as directed.
03:36JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:40Huli kam sa Maynila ang isang lalaking nag-amok at nanugod ng kaanak, napag-diskitahan pati isang aso.
03:52Pasintabi po sa sensitibong video ng pananakit.
03:55Ayon sa barangay, napagbalingan ng sospek ang aso matapos ang pagsugod niya sa pinsang lalaki.
04:03Agad na-areso ng mga tanod ng sospek at nabawi ang kanyang pamalo.
04:08Hindi na raw maghahabla ang pinsa ng sospek.
04:10Pero kakasuan daw niya ng may-ari ng sinaptang aso na dinala na sa veterinaryo.
04:16Sabi ng barangay, dati nang inreklamo ng mga kapitbahay ang sospek dahil sa pangugulo at pagdodroga.
04:23Walang tugon diya ng sospek na hindi humarap sa kamera,
04:26pero Anya, noong naalimpungatan siya, sa kanya binitbit ang pamalong nakuha sa kanyang kwarto.
04:35Apat ang nasawin ng malisgrasya sa La Libertad, Zamboanga del Norte, ang rescue vehicle ng isang LGU.
04:43Gumamit ng payloader para iahon ng sasakyang may labing-alim na tao sa loob.
04:48Nahulog ito sa spillway ng ilog ng matangay ng malakas na agos.
04:53Namatay ang sakay nitong barangay chairman, anak niyang lalaki at dalawang kaanak na babae.
04:58Sugata ng labing-dalawang iba pa.
05:00Ayon sa ilang residente, sa spillway umanoon nag-shortcut ang driver.
05:05Hawak na siya ng pulisya at sinisikap ang makunan ng pahaya.
05:09Batay sa investigasyon, miyembro ng isang religious organization ng mga biktima
05:13na galing sa fellowship activity sa Misamis Occidental at pauwi na sa bayan ng Dumingag.
05:20Ayon sa Dumingag LGU, may permiso sila o may permiso nila ang paggamit sa rescue vehicle.
05:26Mga manufacturer ng dilatang sardinas, inatras na ang hirit na 3 pisong taas presyo ayon sa DTI.
05:39Lumabas ang desisyon matapos ang pulong ng magkabilang panig.
05:45Australia, kinunsidira ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:49para sa hiling ng interim release ayon kay Vice President Sara Duterte.
05:52Sinubukan daw niya makipag-ugnayan kay Australian Foreign Minister Penny Wong
05:56pero giit ng vice, hindi raw yun ang kanyang pangunahing pakay na magpunta kamakailan sa Australia.
06:02Bukod sa Australia, may isa pang bansa na binanggit sa hiling na interim release ng kanyang ama
06:07pero hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol dito.
06:10Ang prosekusyon naman sa kaso ni dating Pangulong Duterte,
06:13pinababasura sa ICC ang hiling niyang interim release.
06:17Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:24Sweet ka ba sa inyong mga anak?
06:27Huwag lang daw sobrahan ng sweetness pagdating sa kanilang baon.
06:31Gaano nga ba karami ang asukal na pwede sa mga bata kada araw?
06:35Alamin sa FitTrack ni Katrina Son.
06:44Pasukan mode ulit maging ang mga magula at isa sa mga taas nila,
06:49tiyaking may masustansyang baon ang anak.
06:52May juice po, tubig po sa jug po nila, chicken, may kanin po, at may sandwiches.
06:58Kasi po ang dalawa po, ano po nila eh, break time, recess po at lunch break.
07:03Ang sweet advice ng iba sa kanilang anak, umiwas sa matatamis.
07:08Mahirap na yung puro ano eh, yung chitirya eh.
07:10Magdalo ng mga juice, mga iced tea,
07:13baka magkaroon ng efekto sa chan, sikmura, baka lalamunan, tocilitis.
07:19Pati ilang estudyante, mas mapanuri na sa kanilang kinakain.
07:23Dahil po ano, mas prone po yung mga bata sa mga sakit,
07:27lalo po sa mga diabetes po, sa mga UTI.
07:30Para maging nourished po ako.
07:33Kung magsusugar check sa mga baon, payo ng isang doktor.
07:3820 to 25 up to 28 grams of sugar, of added sugar per day,
07:42yun lamang yung po pwede natin ibigay sa mga bata.
07:45So that's roughly around 60 spoons lamang.
07:47Pero mas kaunti, mas mabuti,
07:49dahil hindi naman kinakailangan sa added sugar,
07:52kumukuha ng enerhiya.
07:53Pwede na ba sa mga complex carbohydrates,
07:55pwede rin po sa mga fiber-rich foods.
07:57Ang 4 grams daw ng sugar, katumbas na ng isang teaspoon o kutsarita.
08:03At hanggang 6 teaspoons lang daw ang pwede sa bata kada araw.
08:07Halimbawa, ang isang strawberry-flavored tetrapak drink
08:10ay may 21 grams ng sugar.
08:13Katumbas ito ng 5 teaspoons o higit pa.
08:17Kung iinom ng dalawang ganito ang isang bata,
08:19lalagpas na siya sa recommended daily limit ng added sugar.
08:23At kapag ganito kadami ang added sugar intake ng mga bata,
08:27may masamang epekto ito sa katawan gaya ng obesity at tooth decay.
08:32Kaya mas mainam ang healthier choices.
08:34Sa inumin, tubig lang, pwede na.
08:37O kaya'y lemon-infused o cucumber-infused water.
08:40Siyempre, fruits.
08:42Kung paparisan ito ng jam, kaunti lang.
08:45Mainam ding pambaon ang mga sandwich.
08:47Pero kung walang oras maganda ng baon,
08:50pwede raw ang mga biskwit na high in fiber.
08:52Minsan, simpleng saging, kamote, itlog.
08:55Mas winner pa yan.
08:56Ang mga laga, low sugar, high nutrition at pasok sa panlasa ng mga bata.
09:01Katrina Son, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
09:09Andrea Torres, all set na sa premiere on Monday ng Afternoon Prime series na Akusada.
09:16Sa Jimmy Integrated News interviews,
09:17sinabi ni Andrea na hindi biro ang kanyang paghahanda sa anya'y dream role as carol na isang tahong vendor.
09:26Naging emosyonal naman si Andrea nang maalala ang mga pinagdaanan sa kanyang career.
09:31Minsan, nakakalimutan mo na,
09:33Oo, marami ka pang gustong gawin.
09:36Pero marami ka na ring nagawa.
09:38Na nakakalimutan mo ibigyan ng credit yung sarili mo na na-achieve mo yun.
09:45And siguro, minsan kasi ang iniisip ko,
09:48Bakit ganun?
09:48Ba't sa akin ang hirap?
09:51Ba't hindi ako nagkakaroon ng moments na,
09:54parang, ayan, binigay lang sa'yo?
09:55Siguro, mas dapat kong isipin na at least,
09:58masasabi ko, lahat ng meron ako,
10:01na-earn ko yun.
10:02Nilaban ko yun.
10:03Diba?
10:04And nakatulong yun sa akin ngayon,
10:06kasi iba yung appreciation mo
10:07sa work mo.
10:08Ang ex-PBB duo na sina Shuve Etrata at Clarice De Guzman,
10:15masaya raw na extended hanggang outside world
10:18ang kanilang closeness.
10:20In fact, ang fans daw ni Maum,
10:24inisponsoran ang airfare ng parents at mga kapatid ni Shuve
10:27para makaluwas mula Cebu.
10:30Hindi ko alam anong gagawin ko ng pagpapasalamat.
10:33Masaya lang po ako na natutupad na po ang pangarap naming dalawa.
10:38Pinangarap lang po kasi namin ito ni Mami before.
10:41Yung ganito po na pag-welcome sa akin,
10:44hindi ko po alam na mamahalin po ako ng ganito.
10:46Present din sa pa-homecoming ng Sparkle GMA Artist Center kay Shuve
10:51ang ilang fans and friends,
10:53pati na ang TDH suitor ni Shuve na si Anthony Constantino.
11:03Sangre Adamus played by Kelvin Miranda,
11:06nakibasaan sa Wata Wata Festival sa San Juan.
11:13Absolutely eye-catching ang papawis mode ni David Licauco.
11:18Flex kung flex ang kanyang toned body habang nagbabasketball.
11:22Ang netizens tuloy,
11:24aliw ang comments sa paayuda ni pambansang ginoo.
11:28Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:34Babad na babad na naman ang mga taga San Juan sa taonang Wata Wata Festival ngayong araw.
11:41Mula umaga hanggang hapon,
11:42nagbasaan sa kalye ang mga nakisaya sa pista ni San Juan Bautista.
11:48Meron ding pa-concert, improvised pools at dunk tank.
11:52Kahit pa nagigpit ngayong taon,
11:54may mga gulo pa rin.
11:55Tulad ng mga kabataang nagbasag ng mga bote
11:58at namato ng mga water gun.
12:01Sa gitna ng tirik na araw,
12:02may ilang hinimatay at nahilo.
12:04Pero sa kabuan,
12:05ayon sa San Juan LGU,
12:07matagumbay ang Wata Wata Festival ngayong taon.
12:12Sa Bacolod City,
12:13dinaan sa foam party ang pista.
12:16Ani mo'y naligo ka na rin
12:17dahil parang libre ang shampoo.
12:20Meron pa rin tradisyonal na basaan sa mga kalye
12:23at hindi rin nawala ang inihain nilang unlimited CC
12:26na isang uri ng shellfish.
12:35Ang pinakamataas sa bundok sa Palawan
12:37isa raw sa pinakamahirap akitin sa bansa.
12:40Pero kung matapang kang abutin ito,
12:43magagantimpalaan ka ng kakaibang karanasan.
12:47G tayo dyan sa report ni Ian Cruz.
12:49Samantalahin ang uhaw sa hiking.
12:56Samantalingahan ang pinakamataas sa mundok sa Palawan.
13:00Di ka ukuhawin sa pagakyat
13:02dahil laking tulong na mga mapagkukunan ng tubig inumin.
13:06Isa itong protected landscape,
13:08hitik sa iba't ibang endemic wildlife.
13:10May parang rat snake kaming nakitin.
13:13Yung sa ahas po, parang nasa trail lang namin.
13:17Makakasalamuha rin ang komunidad na mga katutubong Palawan.
13:20May mga nadaanan din kami sir na ano eh,
13:24mga local tribe.
13:25Nakakasalamuha na talaga ng mga tao.
13:27Sila mababait naman sila.
13:29May antarag dito,
13:31tribo pa dun
13:32na hindi pa sila sa tao.
13:37Yung tribe na po yun,
13:39sinasabi nila,
13:41ang pinaka source ng pagkain nila
13:43is through hunting
13:45Sa taas sa mahigit dalawang libong metro,
13:51aabutin ng tatlo hanggang limang araw
13:53ang paglalakbay.
13:55Mula sa technical trail,
13:57matatarik na akyatan
13:58at unpredictable weather.
14:01Isa ang mantalingahan
14:02sa mga itinuturing
14:04na most difficult climbs sa Pilipinas.
14:07Mas mahirap siya sa apo.
14:09Some parts of the trail,
14:10hindi talaga siya established.
14:12Parang nagtabas lang yung local guides namin
14:15ng daan.
14:16Meron pa nga pong ano eh,
14:17parang bagil lang talaga siya.
14:18Puro ahon siya,
14:19puro lusong,
14:20parang walang katapusan.
14:22Ngayon man,
14:23tila walang hanggang naman
14:24ang tanawin pagating sa tuktok,
14:27ang 360 degree view
14:28ng Palawan Mountains.
14:31Tinatawag din nila itong
14:32Mountain of Gods.
14:34Sa highest peak ng Palawan,
14:36mahanap mo
14:37ang napakagandang pahingahan.
14:40Ian Cruz,
14:41nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:45Yan po ang State of the Nation
14:47para sa mas malaking misyon
14:49at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:52Ako si Atom Maraulio,
14:53mula sa GMA Integrated News,
14:55ang news authority ng Pilipino.
14:59Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:03Magsubscribe na sa GMA Integrated News
15:05sa YouTube.
15:06Ako si Atom Maraulio,
15:07ako si Atom Maraulio,
15:08ako si Atom Maraulio,
15:08ako si Atom Maraulio,
15:09ako si Atom Maraulio,
15:10ako si Atom Maraulio,
15:10ako si Atom Maraulio,
15:11ako si Atom Maraulio,
15:11ako si Atom Maraulio,
15:12ako si Atom Maraulio,
15:12ako si Atom Maraulio,
15:12ako si Atom Maraulio,
15:13ako si Atom Maraulio,
15:13ako si Atom Maraulio,
15:14ako si Atom Maraulio,
15:14ako si Atom Maraulio,
15:15ako si Atom Maraulio,
15:16ako si Atom Maraulio,
15:16Bye.
Be the first to comment