Skip to playerSkip to main content
- Hulicam: Panloloob sa fast food sa kasagsagan ng bagyo


- Ilang bahay, nawasak ng mga trosong tinangay ng umapaw na Chico River


- Aurora, isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Uwan


- Enrile, nasa ICU dahil sa Pneumonia, ayon sa kaniyang anak at kay Sen. Jinggoy Estrada


- Sen. Lacson, muling inihalal bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee


- ICYMI: Nasirang dike sa Bulacan | Taas-singil ng MERALCO


- Problema sa tubig at kuryente ng mga nasalanta ng Bagyong Tino, tututukan daw ni VP Sara Duterte


- Kahalagahan ng pakikipagtulungan sa gitna ng mga krisis, binigyang-diin ni ex-UN Sec. Gen Ban Ki Moon


- Entertainment Spotlight


- Binatilyo, ni-rescue ang mahigit 50 katao sa kasagsagan ng Bagyong Tino



State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Sinakto ng masasamang loob sa pananalasa ng Bagyong Uwan
00:14ang panaloob nila sa isang fast food sa Santa Maria, Bulacan.
00:18Sa bayan naman ng Marilau,
00:20police ang nanloob sa loob ng isang convenience store.
00:23May report si Marisol Abduramar.
00:25Habang nararamdaman ng Bagyong Uwan itong linggo,
00:32sinamantala ng ilang kawatan na pasukin ng isang fast food sa Santa Maria, Bulacan.
00:36Huli kam ang pagpasok ng lalaking na kahood at face mask sa isang silid.
00:40Maya-maya pa, may hila na siyang boat.
00:43Nakaabang sa labas ang tatlo niyang kasabwat.
00:46Natuntun sa hot pursuit operation ang hideout ng grupo sa Kaluokan.
00:52Timbog ang dalawa sa apat na suspect.
00:55Narecover ang kanilang getaway vehicle.
00:57Pati ang itinapong volts sa Enlex, pero wala na ang laman itong 300,000 pesos.
01:08Nang panggap na may bibilhin ang lalaking na kapulang hoodie
01:10nang pumasok sa isang convenience store sa Santa Rosa Uno sa Marilau, Bulacan, Pasado Laschete, kagabi.
01:16Pero diretso siyang pumasok sa counter at nagdeklara ng hold-up.
01:19Mula sa counter, naglakad siya kasama ang kahera papunta sa kwarto kung nasaan ang vault.
01:25Nilimas niya ang pera at tumakas.
01:27Agad nakatawag ang mga staff ng convenience store sa pulis na nagsagawa ng follow-up operation.
01:32Tinry na pahintuin siya nung ating mga kapulisan na pinapahinto siya pero hindi siya huminto.
01:39And baggos, siya ay nagpaputok, pinaputokan yung mobile natin which prompted our personnel to return fine.
01:46Tinamaan ang suspect.
01:47Dinala siya sa ospital pero idinaklarang dead-on arrival.
01:51Na-recover ng mga pulis ang 20,000 pesos na ninakaw niya sa convenience store.
01:56Dito na-discovering ang suspect, isa ring pulis.
01:59Ako mismo ang parang nanlumo rin ako nung nalaman ko na yung suspect pa na natin,
02:04hindi lang aktibong pulis, opisyal pa ng pulis.
02:08Nakakalungkot dahil nagbarilan, ang kabarilan mo kapwa pulis mo pala.
02:12Isa siyang police captain na chief ng investigation ng Kaloocan Police sa North Kaloocan.
02:17Nakuha sa kanyang-kanyang police ID at service firearm na ginamit niya sa pangu-hold up at sa pakikipagbarilan sa mga kapwa pulis.
02:26Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:40Bakas ang pinsalang iniwan ng bagyong uwan sa paghambalos nito sa Norte.
02:45Sa Cagayan, mga trosong tinangay ng umapaw na ilog ang sumira sa mga bahay.
02:50May report si June Veneracion.
02:56Napilitang manatili sa bubong ng kanilang bahay ang mga residenteng ito.
03:01Kuhayan nung kasagsagan ng pananalasa ng bagyong uwan sa Tuwaw, Cagayan.
03:05Ito yung mga alaga namin, mabiik.
03:10Kasama rin nila ang mga alagang hayop.
03:14Mabilis na bumaha sa bayan, bunsod ng pag-apaw ng Chico River.
03:18Abot hanggang dibdib ang tubig sa ilang lugar.
03:20Kaya kay nalangang ilikas ang ilang residente.
03:24Ito yung pinakamalakas na bagyo na naranasan namin dito.
03:27Ang mga gagamit sa bahay, basa lahat, walang nailigtas, sir.
03:32Kasi yung sa loob ng bahay, sir, putik lahat, sir.
03:36Sa barangay Barangkwag, bakas pa ang dilubyo sa paghupa ng baha.
03:41Kasabay ng pagragasan ng tubig, ang mga tinangay na trosong na sumira sa maraming bahay.
03:46Paano na kami magsisimula? Yung tindahan namin, sir, wala na.
03:51Wala na pangkabuhayan.
03:53Talagang yung mga bahay ay tinamaan ng mga trosong na galing sa taas.
04:00Galing kalinga ang mountain province.
04:02Maging alusod ng Tuguegaraw, nalubog din sa mataas na baha.
04:06Alos abot na mga bubong.
04:10Tumulong na ang Philippine Red Cross sa pagpaparikas sa mga binahang residente.
04:15Perwisyo naman sa ilang motorista ang naitalang landslide sa kahabaan ng Nueva Vizcaya-Pangasinan Road.
04:22Humambalang doon ang mga malalaking bato.
04:24Sa ngayon, mga motor pa lang ang pinapayagang dumaan.
04:28Sa Dagupan City, Pangasinan, storm surge o daluyong ang nagpatumba sa ilang bahay sa barangay Bonuan, Giset.
04:35Hing namin nakalain na ganyan mangyari.
04:38Kala namin yung parang dati lang na bagyo, yung ordinary lang.
04:42Yung pala talagang napakalakas pala.
04:43Pati mga resort cottages at mga bangka na sira.
04:47Sa kaparehong barangay, isang heavy equipment naman na nabagsakan ang bakal na commercial signage.
04:53Dahil yan sa malakas na hanging dala ng bagyo.
04:56Kahit sa bayan ng Kalasyao, kabi-kabila ang mga nawasak.
05:00Tuklap ang mga bubong ng mga bahay dahil sa malakas na hanging.
05:04Sana po matulungan po kami kasi wala po kaming sapat na pampaayos.
05:10June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:13Inaalala ng ilang nasalanta sa probinsya ng Aurora kung paano magpapasko.
05:19Lalo tila pinatayin ng bagyo ang kanilang kabuhayan.
05:22May live report si Ian Cruz.
05:24Ian?
05:28Atom, narating nga natin ng Northern Aurora na magbukas.
05:31Ang nasirang daan at doon nga ay tumambad sa atin ang malawak na pinsala na dala ng bagyong uwan.
05:43Unti-unting bumabango ng Aurora pero bakasang hirap lalo na sa mga kalsad ng wasa.
05:49At kabuhayang tila binura ng bagyong uwan.
05:53Siyempre po, first time po namin magpapasko po na wala pong bahay.
06:01Maaawa po ako sa mga anak ko po.
06:05Kahit sa inaasahan kong pananim man, kahit konti nga lang na pang taguid ko sana, nawala pa po.
06:13Troso, poste, naglalakihan bato ang makikita sa paligid.
06:18Isang bako pang nahulog sa hukay na nilikha ng storm surge.
06:22At nakapanlulungong pagmasdan ang mga dinarayong pasyalan.
06:27Apatapong resort ang nasira ng daluyong na abot sa dalawampung talampakan.
06:31Sugatan pati ang resort owner na si Larry.
06:34Yung mga ibang nagtatrabaho, talaga po, kailangan din nalang naman sana nila ng konting tulong.
06:43Kung hindi man sa ating pamahalaan, sa mga taong may mga puso at kumakatok kami sa inyong puso,
06:50na sana kami naman po itulungan.
06:52Sa Janet, tila biyaya para sa mga residente ang dumadaloy na tubig mula sa bundok.
06:58Sa dinalungan kung saan naglandfall ang bagyo, halos walang bubong na naiwan sa mga bahay sa coastal areas.
07:05Ano po, umuugong po yung kapiligiran, tapos ano po, nababasag po yung salamin na po doon.
07:11Sa evacuation?
07:12Opo.
07:12Hanggang sa dilasag, tila na-wash out ang mga bahay.
07:19Anong gamit niyo po yun? Isalba niyo?
07:21Wala nga po, talagang, lahat yan, litong-litong na yata yun ang mga along.
07:28Pati mga gamit namin, basa. Wala talaga sa amin natira dyan.
07:33Kanyan rin sa bayan ng kasiguran.
07:36Yung kasalukuyang pong malakas ng bagyo ay lumipat na po ako sa malaking bahay na kapitbahay namin.
07:45Hindi ko na po inintindihan bahay ko.
07:48Nabuwal rin ang mga pos at puno, pati police station, pinasuko ng bagyo.
07:53Kaya ang bakanteng detention cell naging kanlungan ng mga polis.
07:58Maaring kapantayo higit pa raw sa storm surge ng Superbagyong Yolanda
08:04ang nilikha ng Superbagyong Uwan na umabot sa 5 to 7 meters
08:09ayon sa mga nag-iikot na storm chasers ng pag-asa.
08:135 to 7 may kukumpara natin dun sa Yolanda na nga eh.
08:17Kasi ang Yolanda, more or less 6 meters, more or less 6 meters siya eh.
08:21Pwede natin sabihin, Yolanda-like pala ito.
08:24Pwede na rin siya.
08:25O, pwede ko lang sabihin.
08:26Ang pasabi mo, 5 to 7 pa, mas mataas pa.
08:29Mare, kasi yun eh, level lang ng surge yun.
08:33Hindi pa natin kinukonsider yung wave talaga.
08:35Kasi kung sasama mo yung alon, mas mataas.
08:38Atom, karagdagang tulong nga ang hinihintay ng ating mga kababayan dito na nawalan ng bahay
08:50at nawalan din ng kabuhayan sa panunalasa nga ng pagyong uwan.
08:56And ang latest mula rito sa Aurora.
08:58Balik sa'yo, Atom.
08:58Maraming salamat, Ian Cruz.
09:02Nasa intensive care unit si dating senador at ngayon'y chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile dahil sa pneumonia.
09:10May report si Marie Zumal.
09:11Sa edad na isandaan at isa, nasaksihan ni Juan Ponce Enrile ang iba't ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.
09:23Isa siya sa naging mukha ng martial law at sa people power.
09:26Apat na beses pang nalukluk bilang senador hanggang sa naging chief presidential legal counsel ng kasalukuyang administrasyong Marcos.
09:34Sa sesyon ng senado kanina, tumayo si Senador Gingoy Estrada at humiling ng dasal para kay Enrile.
09:41Nakatanggap daw siya ng impormasyong malala ang kondisyon ng dating senador.
09:45I have just received a very very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile,
09:56is currently in the intensive care unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia.
10:05I heard from a reliable source, a very very reliable source, that he has slim chances of surviving.
10:14Ang anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile, kinumpirmang nasa ICU ang ama at hindi raw magandang lagay.
10:21Sa loob ng limampung taong paglilingkod bilang kawanin ng gobyerno, walong administrasyon ang pinagsilbihan ni Enrile.
10:28Nakaapat na termino si Enrile bilang senador at naging Senate President noong 2008 hanggang 2013.
10:36Naging defense minister siya noong administrasyon ni dating Pangunong Ferdinand Marcos Sr.
10:40at isa sa sinasabing arkitekto sa likod ng pagdideklara ng martial law noong 1972.
10:45Noong 2014, nasangkot si Enrile sa pork barrel scam at kinasuhan ng plunder.
10:52Pinayagan siyang makapagpiansa noong 2015 dahil sa lagay ng kalusugan.
10:56Nitong October 24, dumalo si Enrile sa pamamagitan ng video conferencing sa promulgation ng kanyang kaso sa Sandigan Bayan.
11:04Tuluyan siyang inabswelto sa lahat ng kaso sa pork barrel issue.
11:08Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:11Balik bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senate President Pro Tempore Ping Lakson.
11:18Matapos walang kumontra sa butohan sa plenario.
11:21October 6 nang magbitiyo si Lakson bilang committee chairperson dahil umano sa mga pahayag ng ilang senador sa takbo ng imbisigasyon sa mga flood control project.
11:31Ang pagdinig dyan, itutuloy na sa biyernes.
11:34Iimbitahan raw at pahihintulutang dumalo si dating congressman Zaldico kahit via video conferencing.
11:42Imbitado rin si na dating house speaker Martin Romualdez, ang labing-pitong congressman na pinangalanan ng mga diskaya,
11:49at si congressman Eric Quiap na dating house appropriations committee chairman.
11:53Samantala, ang nadadawit din sa maanumalyang flood control projects na si dating public works secretary Manuel Bonoan lumipad pa Amerika.
12:03Pinayagan yan matapos makumpirma ng immigration officer sa Justice Department na walang whole departure order o warrant of arrest laban sa kanya,
12:12bagamat merong immigration lookout bulletin order sa kanya.
12:15Dike na pananggasana sa Paco River ng mga taga-Ubando Bulacan tuluyang nagiba matapos bagyuhin.
12:28Ayon sa Ubando LG, yung hindi bababa sa 25 million pesos ang kailangan para maayos ito.
12:36Supply ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong uwan,
12:40posibleng abuti ng isang buwan bago maibalik.
12:43Ayon sa Department of Energy, mahigit 3 milyong pamilya pa ang walang kuryente sa ngayon.
12:49Iba't ibang paraan na raw ang kinukonsidera nila para mapabilis ang pagkukumpuni sa mga napinsala.
12:56Singin lang Meralco ngayong buwan, tumaas ng 15 centavos kada kilowatt hour.
13:02Katumbas yan ang 30 pesos na dagdag sa bill para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
13:09At 76 pesos sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt hours.
13:15Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:20Piniyak ni Vice President Sara Duterte na tututukan ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Occidental.
13:28Sinabi yan ang bises sa pagbisita niya sa Himamaylan City na problemado ngayon sa supply ng malinis na inuming tubig at kuryente.
13:37Anya, inilapitan nila ito sa isang water service provider at power company.
13:43Bumisita rin ang bises sa ilan pang lugar sa Cebu at Bacolod City para magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
13:52Nasa bansa ngayon si dating United Nations Secretary General Ban Ki-moon para sa Asian Forum on Enterprise for Society.
14:01Sa kanyang talumpati, binigang diiniban ang pagkakaroon ng global solution sa iba't ibang krisis sa mundo sa pamamagitan ng partnership.
14:08Gaya na lang, Anya, sa paglaban sa climate change na hindi lang daw dapat nakadepende sa mga lider ng bansa, kundi sa pakikipagtulungan din ng mga mamamayan nito.
14:19Na courtesy call din si Ban kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:23Pinuri niya ang adbukasya nito para sa climate resiliency at sustainability.
14:28Umaasa raw siya na mabilis na makakabango ng ating bansa sa sunod-sunod na bagyo.
14:33Dennis Trillo at iba pang cast ng Sanggang Dikit FR nag-alab Backstreet Boys, ang ganap ng Backstreet Children, aabangan sa serye.
14:50Fresh from her mental health break in Japan, si Shuvie Etrata.
14:54Agad siyang rumampa sa isang fashion event with Janina Chan, Rere Madrid, and Ashley Ortega.
15:01Game din siyang nakipag-showdown sa mascot na si Shuvie Du during her fan meet.
15:09Thank you for your effort, your time, your love.
15:13Sa lahat ng hirap, sa mga panahong tahimik, sa mga panahong sobrang saya.
15:17There were times na gusto ko na sumuko or I love with myself.
15:23Diba sila?
15:25Baka pa ako susuko, ang hinay niyo.
15:26Balikbansa naman si Barbie Forteza na enjoy sa pagbisita sa kapatid niya sa Amerika at paglahok sa isang fun run.
15:40Next sa calendar ni Barbie ang pag-attend sa 30th anniversary ng Sparkle GMA Artist Center this Saturday sa Moa Sky Amphitheater.
15:50Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:54Sa kasagsaganang pananalasan ng Bagyong Tino sa Cebu, naging kaagapay sa paglikas sa mahigit limampu ang isang magiting na binatilyo.
16:03Pusiwan na yan sa report ni Oscar Oida.
16:05Sa gitna ng Rumaragasang Baha sa barangay Hubay, Liloan, Cebu.
16:16Daging sandigan ng labing limang anyos na si J-Boy Magdadaro.
16:24Mahigit limampu katao ang isa-isang sinakay ng binatilyo sa maliit na bangka hanggang sa makarating sa ligtas na lugar sa kanilang barangay.
16:35Mula umaga hanggang hapon, hindi ininda ni J-Boy ang pagod o takot.
16:40Kahit malakas ang tubig, pililit kong tumulong kasi naririnig ko ang mga sigaw ng mga tao.
16:47Ang paniniwala niyang kaya niyang suungin ang mataas na baha.
16:52Nagugat daw sa araw-araw niyang pag-i-skimboard sa dagat.
16:56Bilang pagkilala sa kanya ng LGU, bibigyan si J-Boy ng scholarship hanggang kolehyo.
17:03Simpleng gantipala para sa kabayaniyang kanyang pinamalas.
17:06Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:13At yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
17:20Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended