Skip to playerSkip to main content
Bukod sa viral na 'jetski holiday' joke ni Vice Ganda may isa pang birong naungkat naman sa Senado. Pinukol nito si Senador Rodante Marcoleta kaya pumalag ang mambabatas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa viral na jet ski holiday joke ni Vice Ganda, may isa pang birong naungkat naman sa Senado.
00:06Pinukol nito si Sen. Rodante Marcoleta, kaya pumalag ang mambabatas.
00:12Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:17Sa pagdinig ng Senado ukol sa online gambling kanina, may ibang isyong inungkat si Sen. Rodante Marcoleta.
00:23Po yata yung nag-sponsor nung isang concert na ngayon-ngayon lang, pati po ako ay kanyang idinawit.
00:33Bigla ba niya naman sinabi, tingnan niya yung mukha ni Marcoleta kung matatawa kayo.
00:38Napakawalang hiyanong tao na yun na, Mr. Chair, ayaw ko na pong patuksin siya.
00:46Bagamat wala siyang pinangalanan, nag-viral online ang mga video ni Vice Ganda na nag-joke ukol sa Senador.
00:52Meron din joke si Vice Ganda, tila tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:57Doon, tinukoy niya ang jet ski holiday sa West Philippine Sea na may kasamang libreng trip sa The Hague ng ICC para sa mga DDS.
01:05Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kinundinan ng Davao City Council ang biro ni Vice Ganda.
01:10Ayon kay Councilor Danilo Dayang Hirang, hindi nararapat na gawing biro ang kalagayan ni Duterte,
01:16ang nahalal na mayor ng Davao City, lalo na't dati siyang presidente ng bansa.
01:20Iginiit ni Dayang Hirang na bilang isang sikat na celebrity, may malaking papel ang komedyante na pagbuklo rin ang mga mamamayan.
01:28Pero salungat daw ang nangyari matapos ang nasabing biro.
01:32Sabi naman ang Davao City Council, wala itong panahong ideklara pang persona non grata si Vice Ganda.
01:37Masyado raw itong mababaw at hindi karapat dapat pagtuunan ng atensyon.
01:42Kinukunan pa namin ang panig si Vice Ganda.
01:44Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
01:50Wasongila, Nakatutok.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended