00:00Binareel sa pinapasokan niyang paaralan ang isang guro sa Tanawan Leyte,
00:05ang sospek, kanyang mister na nagselos umano.
00:09Nakatutok si Femarie Dumabok ng Jimmy Regional TV.
00:16Pinagtulungang buhati ng mga mag-aaral ang kanilang sugatang guro
00:20ng isang pampublikong paaralan sa Tanawan Leyte.
00:23Ayon sa polisya, binareel siya ng sarili niyang mister.
00:27Ayon kay Police Captain Carmelo Gaccio, Tanawan Municipal Police Station Chief,
00:31biglang dumating sa classroom ang lalaking asawa at agad na binareel ang biktima
00:36gamit ang Calibre .38 na revolver.
00:39Natamaan ang biktima sa kanang balikat at hita.
00:42Wala namang iba pang nasaktan sa insidente.
00:45Itinapo ng sospek ang baril sa bubungan ng kabilang school building
00:48pero narecover din ito ng kapulisan.
00:52Nagtangka paumanong sakta ng sospek ang sarili gamit ang balisong
00:55pero napigilan ito ng mga rumisponding polis.
00:59Agad naaresto ang sospek.
01:01Nung nangyayari po ang crime na marami na pong mga estudyante na nasa paaralan,
01:06medyo nagkagulo po.
01:09At sa lupo yan po, after nung incidente po,
01:11mga siniscreen din muna po muna yung klase ng school authorities.
01:16Sa inisyal na investigasyon, isang taon nang hiwalay ang mag-asawa
01:20pero inaaway pa rin umano ng sospek ang biktima.
01:23Isa sa tinitingnang motibo ng krimen ay selos.
01:27Sa interview natin sa mga possible witnesses,
01:30lumalabas na ganyan yung lalaki,
01:32ang daming iniisip na kung ano-ano.
01:37Kahit na hindi naman verified na informasyon,
01:40ganun po ang iniisip.
01:43Kaya lagi niya pong inaaway ang asawa niya.
01:45Ayon sa polisya,
01:47ligtas na ang biktima at nagpapagaling sa ospital.
01:50Kasong frustrated pariside ang inihandang kaso laban sa sospek.
01:54Patuloy pang kinukunan ng pahayag ang sospek.
01:57Para sa GME Regional TV at GME Integrated News,
02:01ako si Femery Dumabuk.
02:04Nakatutok 24 oras.
Comments