Skip to playerSkip to main content
Bukod sa DPWH, may proyekto rin sa LTO ang sunwest corporation ni dating congressman Zaldy Co. Ang ilan sa mga 'yan, pinuna ng Commission oN Audit dahil sa mga kakulangan kahit bayad na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa DPWH, may proyekto rin sa LTO ang SunWest Corporation ni dating Congressman Zaldico.
00:08Ang ilan sa mga yan, pinuna ng Commission on Audit dahil sa mga kakulangan kahit bayad na.
00:14Nakatutok si Joseph Moro.
00:19Hanggang sa Land Transportation Office o LTO may proyekto,
00:23ang SunWest Corporation na ayon mismo sa ahensya ay hindi nagagamit.
00:28Yan ang kanilang Central Command Center o C3 project na nagkakahalaga ng 946 million pesos.
00:35May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines, wala po yung mga nangyaring yan.
00:42At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
00:46Tsaka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
00:50Isa lang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito.
00:58Sa Department of Transportation na nakakasakop sa LTO.
01:01Halos 2 bilyong piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest na pag-aaring yung dating Akobical Representative Saldi Co.
01:11Kasosyo o kajoint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya para sa C3 project contract na pinasok nila at ng LTO noong 2020.
01:19Pero ayon sa COA, bigo ang technical venture na tugunan ng technical requirements ng LTO na nakaapekto sa pagtakbo ng proyekto.
01:28Hindi raw iprinisinta sa isinagawang audit inspection ang ilang component ng proyekto gaya ng video analytic system, data analytics platform at reporting tool.
01:37Sabi ng COA, lugi, ang gobyerno sa pagtanggap sa proyekto ang maraming kakulangan kahit bayad na.
01:44Ayon pa sa COA, hindi gaanong nagagamit ng ilang feature nito tulad ng video analytic system.
01:49Dagdag ng COA, dahil hindi maayos ang pag-review sa halaga ng kontrata, sobra ang naging presyo nito at ang bayad sa supplier sa halagang 26.99 milyon pesos.
02:00Inirekomenda ng COA sa LTO na singili ng supplier sa mga pagkukulang nito at humingi ng refund para sa sobrang bayad.
02:08Sagot umano ng LTO sa COA, ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement at wala umanong overpayment sa proyekto.
02:14Hino na rin ng COA ang hindi efektibong paggamit ng IT Training Hub at Road Safety Interactive Center sa LTO Central Office na nagkakahalaga pa naman ng halos tig kalahating bilyong piso.
02:27Ayon sa LTO, proyekto rin ng SunWest ang mga ito.
02:30Isang three-story building ang IT Training Hub kung saan gagawin ang mga training at seminar sa pamamagitan ng mobile devices.
02:38Pero sa ginawang inspeksyon ng COA, natuklasa na ginawang opisina ng Traffic Safety Division ang first floor ng Gusali habang ginawa mga dorm rooms ang second at third floor bagaman binakante na sa ngayon maliban sa isang inuoko pa ng isang empleyado.
02:53Pino na pa ang walang kayusan sa mga kwarto at hindi ka nais-nais na amoy.
02:57Nakatambak lang umano sa record room ng IT Hub ang mga gamit para sa recording training materials tulad ng mga desktop computer, mikropono, audio mixer at headphones.
03:07Isang record room ang pansamantalang ginamit bilang bodega ng Traffic Safety Division.
03:12Pinayagan din ang LTO na gawing dormitoryo ng ilang empleyado ang training hub ng libre, sagot pa ng LTO ang kuryente at tubig.
03:20Wala namang bisita ang Road Safety Interactive Center ng puntahan ng COA.
03:25Wala rin guidelines sa paggamin nito at walang plano, programa o accomplishment report mula nang matapos ng 2023.
03:32Sa mga ayon ng LTO sa rekomendasyon ng COA na magladag ng guidelines sa paggamit ng Training Hub at Interactive Center.
03:40Para si GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended