00:00Tinawag ni Senate President Cheese Escudero na bahagi ng demolition job ng isang taga-kamera
00:06ang isang media report kaugnay ng flood control projects ng gobyerno.
00:11Binagat kasi nito na pinakamalaking campaign donor niya noong 2022,
00:15ang presidente ng isa sa mga kontraktor na ayon sa Pangulo
00:19ay naka-corner ng 20% ng pondo para sa proyekto kontrabaha.
00:25Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:30Inamin ni Senate President Cheese Escudero na kaibigan niya ang isang kontraktor ng gobyerno
00:36na nakakuha ng 5 bilyong pisong halaga ng flood control projects tulad ng lumaba sa isang media report.
00:42Matagal ko ng kaibigan at kakilala siya at tumutulong talaga sa amin.
00:47Mula't mula pa nung hindi pa iso to at tubong sarusagon talaga siya.
00:52Pero inalmahan ni Escudero ang isinama sa ulat na ang presidente ng Center Waste Construction and Development Incorporated
00:58na si Lawrence Lubiano ang pinakamalaking donor ni Escudero noong 2022 elections.
01:04Ang Center Waste Construction ang isa sa labing limang kontraktors na pinangalanan ni Pangulong Marcos
01:09na naka-corner ng 20% ng mga flood control project.
01:13Bagaman walang sinabi ang artikulong ginawa kong maliw masama.
01:16Yung insinuation, yung inuendo, nandun pa rin.
01:19For the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work,
01:25pag-bid, pag-award, pag-bahay, pag-bayad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan.
01:31Pag diin ni Escudero, 1% lang ng P550 billion na halaga ng flood control projects
01:37ang nakuha ng Center Waste Construction.
01:39Bakit pinagtuunan ng pansin yun?
01:42Yung 1% pa talaga, hindi yung 99%?
01:45Bakit natin hindi tingnan? Sino ba yung mga mambabatas at upisal na gobyerno
01:49na aktual na kontraktor, aktual na may-ari,
01:52noong mga kumpanya na nakakuha ng kontrato sa gobyerno?
01:58Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Lubiano
02:02at ng Center Waste Construction.
02:04Tingin ni Escudero, bahagi ito ng umano'y demolition job sa kanya
02:07ng mga nagtutulak sa impeachment ni Vice President Sara Duterte
02:11at taga-kamara umano ang nasa likod nito.
02:14Tila nagkakatuto na yun, sinabi ko ng itong mga nagdaang linggo
02:17na merong demolition PR job na nakatoon laban sa akin
02:20at tulad ng babala na isang kapwa ko senador
02:25na ito'y gagawin upang tiyake na maalis ako sa pwesto
02:29at nang pag-final muli daw yung impeachment
02:31ay wala na ako dito pagdating ng February 6.
02:35Sagot ni House Deputy Speaker Antipolo Rep. Ronaldo Puno.
02:38Yung demolition job, siguro bangitin niya ako sino specifically
02:42para magkaayos-ayos na sila.
02:44Masama yung pagka-blanket na sinisiraan ako dito sa Kongreso.
02:48E lahat kami tinatamaan, ikaw, kaibigan ko si Sen. Chis.
02:52Kapati ba ako na damay na naman dyan sa akusasyon niya.
02:55Hinihinga namin ng pahayag si House Speaker Martin Robaldes.
02:58Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments