Skip to playerSkip to main content
Tingin naman ng ilang mga mambabatas, kalkulado ang timing ng anunsyo ng bise para mapigilan ang pag-usad ng kinakaharap niyang mga impeachment complaint.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tingin naman ang ilang mga mamabatas, kalkulado ang timing ng anunsyo ng BICE para mapigilan ang pag-usad ng kinakaharap
00:08niyang mga impeachment complaint.
00:10Nakatutok si Maris Umali.
00:14Para sa Makabayan Block, ang anunsyo ng pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Sara Duterte sa eleksyon 2028,
00:22taktika raw para mapigilan ang pag-usad na impeachment case laban sa kanya.
00:26Malinaw na kalkulado yung timing ng announcement bago isa lang at lumarga yung impeachment complaint laban sa kanya sa Kongreso.
00:38Siguro tingin niya matatakot niya, masisindak niya ang mga kongresista dahil patakbo siyang Presidente.
00:47Pero, makikita natin na dahil napakatibay ng batayan sa kanyang impeachment,
00:56hindi obra yung ganyang mga gimmick at malalantad muli ang kabulukan sa ginawa niya sa confidential funds.
01:08Ito yung attack nila para i-reframe yung narrative na lahat na nangyayari ay dahil sa takbo siyang Presidente.
01:13May tatlong impeachment complaint na hawak na ngayon ang tanggapan ni House Speaker Boji D at hinihintay na ma-i
01:18-refer sa House Justice Committee.
01:20Kabilang sa reklamo, ang issue ng maanumalya umano'ng paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd,
01:26umano'y panunuhon sa mga opisyal ng DepEd,
01:29pagkontrata sa isang gunman para umano'y ipapatay ang Pangulo, First Lady at dating House Speaker,
01:35hindi pagdeklara ng lahat ng kanyang mga ari-arian sa kanyang sal-end at pagsusulong ng political destabilization at sedition.
01:42Bagamat naniniwalang hindi makakaapekto sa paggulong ng reklamo ang anunsyo ng Vice Presidente,
01:47naniniwala si Senior Deputy Minority Leader Lawrence Defensor na may epekto ito sa pagpapasya ng mga mambabata sa kahihinat na
01:54nareklamo.
01:55I can tell you that it may affect how the voting will come out.
01:59Mabuti din para sa kanya, para malaman niya kung sino talaga ang mga kakampi niya at kung sino ang hindi
02:05niya mga kakampi.
02:06It's an advantage for her right now, especially that the impeachment complaints will be referred to the Committee on Justice.
02:13Kaya hamang ni Gabriela, party list representative Sarah Elago sa mga kapwa mambabatas.
02:18Ipakita nila yung kanilang pagiging tapat dun sa sinumpaang tungkulin na magsilbi sa interes ng taong bayan at hindi yung
02:25mga pansariling interes.
02:27Sabi naman ni ML party list representative Laila de Lima, hindi na siya nagulat sa anunsyo ng Vice Presidente.
02:33Pero dapat ay panagutan daw muna niya ang mga paratang sa kanya.
02:36Karapatan naman niyang magdeklara kahit napakaaga.
02:41Tulad ng karapatan din ng mga Pilipino na singilin siya sa mga seryosong aligasyon ng katiwalian at paglabag sa batas
02:49na panawagan na po natin noong 2024 pa.
02:54Mas magandang harapin at sagutin muna niya ang mga ito bago ang ambisyon na maging Pangulo ng Pilipinas.
03:02Pero may hirit si Senior Deputy Minority Leader Rep. Edgar Erice.
03:07Kapag kinunvict si BP Sara, magagalit yung kanyang supporters, which is about 30 plus percent ngayon,
03:18baka mag-gather pa ng public sympathy, baka kahit sinong Duterte ang lumaban, manalo.
03:24May hanggang March 2 si House Speaker Bo GD para maisama sa order of business ng House Plenary ang mga
03:31impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
03:35Pagtitiyak naman ni Defensor, walang magiging delay sa pag-refer nito sa House Committee on Justice bilang patunay na walang
03:41magiging bias ang Committee on Rules.
03:44Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended