Skip to playerSkip to main content
Umabot na sa 108 ang patay sa probinsya ng Cebu ayon sa kapitolyo. Ang dami ng nasawi, isinisi ng ilang grupo sa tinawag nilang garapal na korupsyon. At hanggang walang napananagot, tuloy ang mga nakagawiang protesta kada Biyernes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot na sa sangdaan at walo ang patay sa probinsya ng Cebu ayon sa Kapitolyo.
00:06Ang dami ng nasawi, sinisi ng ilang grupo sa tinawag nilang garapal na korupsyon.
00:11At hanggang walang napananagot, tuloy ang mga nakagawi ang protesta kada biyernes.
00:17At live mula sa Maynila, nakatutok si Maris Umay.
00:20Maris.
00:24Vicky, gaano karami pa raw ba ang mga kalamidad ang kailangang manalasa
00:29bago tuluyang may makasuhan at makulong sa anilay systematic kong korupsyon sa ating pamahalaan.
00:35Nakitang-kita naman daw ang ebedensya.
00:37Kaya patuloy daw ang kanilang Black Friday protest na muli nilang dinala dito sa Menjola,
00:42malapit sa Malacanang, para anila ay mas marinig ang kanilang sigaw ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:53Bahagi ito ng kanilang programa para iprotesta ang anilay matindi
00:57at masyado ng garapal na korupsyon sa pamahalaan
01:00na nagresulta sa pagkasawinan naman ng marami
01:03sa pananalasan ng Bagyong Tino sa Visayas, particular sa Cebu.
01:07Pero hanggang ngayon, wala pa rin daw napapanagot.
01:10Kita niyo po ang Cebu, 26 billion ang nando doon sa napinondo para sa flood control.
01:16Kung meron kaya nun, pwede kayang nabawasan ng mga namatay o po pwedeng walang namatay.
01:22Magpapatuloy daw ang protesta ng ito hanggang sa may mapanagot na tiwali.
01:26Kitang-kita naman yung resulta, kitang-kita naman yung ginawa na pangungrakot.
01:32May mga ghost project, yun lang matibay na ebidensya na.
01:36Ano pa po ba ang kailangan ng due process na patunayan?
01:39Kasama rin sa protesta ang iba't ibang sektor,
01:41kabilang ang mga manggagawa, kababaihan, simbahan at mga kabataan ng ilan
01:46ay nag-walkout mula sa kanilang mga universidad sa Taft, Intramuros at University Belt.
01:51Mula sa Liwasang Bonifacio ay nagmarcha sila papunta Mendiola kung saan sila nagdaos ng maikling programa.
01:58Todo naman ang higpit ng siguridad.
02:00Bukod sa mga hile-hilerang barbed wire,
02:02ay marami ring mga polis mula sa Civil Disturbance Unit na nagbabantay sa Mendiola.
02:08Maging sa Edsa Shrine,
02:09nagtipo ng ilang mga raliista mula sa Trillion Peso March at Tindig Pilipinas
02:14bilang pagpapatuloy ng mga White Friday protests laban sa korupsyon sa gobyerno.
02:18Maging sila, nababagalan daw sa usad ng investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure OICI.
02:24Kitang-kitaan nila na nakamamatay ang korupsyon
02:27kung pagbabasihan lang ang manangyaring trahedya sa Cebu at ibang parte ng Visayas.
02:32Importantean nila na dapat may managot, may makulong at may sauli ang nakaw na pondo ng taong bayan.
02:38Sa susunod na linggo ay sa ayala naman daw sila magpo-protesta.
02:42Galit na galit ang taong bayan.
02:43Parating na naman ang panibagong bagyo.
02:46Habang nananatiling nagihirap at ang ating mga kasama sa Visayas
02:52ay patuloy ang kawalan ng hustisya sa mga ginagawang pagnanakaw at korupsyon.
02:57Vicky, balik dito sa Menjola.
03:04Pagkatapos na maiklin nilang programa ay mapayapa na ang nag-disperse sa mga raliista.
03:09Pero anila, hindi daw sila mapapagod sa pagsigaw ng hustisya.
03:12Patuloy na makikibakat.
03:14Sasama rin daw sila sa inaabangang mas malawakang pang protesta sa November 30
03:19para sa panawagan sa isang gobyernong tapat, makatao at walang katiwalian.
03:24At yan ang pinakasariwang balita mula rito sa Menjola. Balik sa'yo Vicky.
03:28Maraming salamat sa'yo, Maris Umali.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended