Skip to playerSkip to main content
Due process ang hiling ng pamilya Discaya na iaapela ang kanselasyon sa mga lisensya ng siyam nitong construction companies. Samantala, may kapalit na ang nagbitiw na pinuno ng board na nagbibigay ng lisensya sa mga contractor.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At due process nga ang hiling ng pamilya Diskaya na iaapila ang kanselasyon sa mga lisensya ng siyam nitong construction companies.
00:11Samantala, may kapalit na ang nagbitiw na pinuno ng board na nagbibigay ng lisensya sa mga contractor. Nakatutok si Oscar Oida.
00:23Hindi lang galit ng ilang grupo ang hinaharap ngayon ng mga Diskaya.
00:28Dagdag din sa mga problema nila ang pagkakansela ng kanilang mga lisensya na in-issue ng Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB para mag-qualify na magbid sa mga proyekto.
00:41Sabi ng kanilang abugado, iaapila nila ito dahil hindi anya sila nabigyan ng sapat na panahon para makapagpaliwanag.
00:48Hindi po kami naniniwala na dapat kanselahin ng ganun-ganun na lang na walang wastong pagdinig basis sa dokumento.
00:57Alam nyo naman yung nangyari kay Ma'am, Ma'am Sara, medyo pressured na siya.
01:02So kulang sa tulog, pagod, dire-diretsyong pagtatanong.
01:08Kayo naman ho ang lumagay sa kanya. Mayihirapan din ho kayong sumagot.
01:12Maaari namang umopila ang mga Diskaya.
01:14Ayon kay Sekretary Christina Roque, kalihin ng Department of Trade and Industry na nakakasakop sa PCAB.
01:21Sabi ni Roque, posibiling madagdagan pa ang kumpanyang tatanggalan ng lisensya.
01:25If there are companies that have also violated the same violation or they don't follow the rules,
01:32then they will definitely be, their license will also definitely be revoked.
01:35Tinanong ang kalihim kung ano ang mangyayari sa mga ongoing project ng mga natanggalan ng lisensya.
01:42I'll get back to you on that. Nag-uusap pa kami ng, but they're suspended for now.
01:46From DPWH?
01:47So they're suspended from, of course, getting new projects from DPWH.
01:50Kinumpirma rin ni Roque na may naitalaga ng kapalit ng nagbitiw na Executive Director ng PCAB na si Herbert Matienzo,
01:59bagaman hindi muna inanunsyo ang pangalan.
02:02He cited personal reasons in his letter of resignation. I have accepted his resignation on September 3.
02:09Bukod kay Matienzo, may dalawa pang director ng PCAB ang nagbitiw na inaasahan ng kalihim na madadagdagan pa.
02:17Noong September 2 pa, and they are just awaiting for the President to accept their resignation kasi presidential appointee po sila.
02:25They're not off the hook, so they're still part of the total investigation.
02:29Sa ngayon, mismong si Roque Muna ang directang mamamahala ng Construction Industry Authority of the Philippines o SIAP
02:37at ang mga implementing board nito kabilang na ang PCAB.
02:41Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended