00:00May mistulang search and rescue operation na na-monitor sa aktividad ng mga barko ng China malapit sa Scarborough Shoal
00:07kung saan nagbaggaan ang China Coast Guard vessel at PLA Navy warship kahapon.
00:13Yan ang ulat ni Patrick de Jesus.
00:17Bago ang salpukan ng dalawang barko ng China nitong lunes ng umaga sa Scarborough Shoal
00:22habang hinaharas ang barko ng Philippine Coast Guard, BRP Suluan,
00:26makikita na may mga tauhan ng China Coast Guard na nasa harapan ng kanilang barko at naglalagay ng fender.
00:34Sa bilis ng pangyayari, dito na biglang bumanga ang warship ng People's Liberation Army o PLA Navy.
00:41Sa mga larawang ito, makikita kung gaano napuruhan ang barko ng China Coast Guard na may bow number 3104 dahil sa nangyaring banggaan.
00:50Wala pang kumpirmasyon mula sa Chinese government o embahada ng China kung may nasaktang tauhan ng China Coast Guard.
00:57Pero matapos ang insidente, ay nag-alok ang mga barko ng PCG ng Man Overboard Recovery at medical aid sa mga nagbangga ang barko ng China.
01:07Base naman sa AIS monitoring, nakita ang pattern ng mistulang pagsasagawa ng search and rescue operations
01:14na mga barko ngayon ng China, 15 hanggang 25 nautical miles mula sa Iskar Borushol,
01:20kabilang ang isang China Coast Guard at walong Chinese militia ships.
01:25Pero hindi pa masabi ng PCG kung may kaugnayan sa SAR operations ang namonitor na aktividad ng mga barko ng China.
01:32As of this time, there are no official reports that reach the attention of the Philippine Coast Guard na magkukumpirma na mayroong casualty.
01:43There are actually four Chinese Coast Guard personnel in front of the China Coast Guard vessel.
01:50As a matter of fact, the closest was that person na naglalagay ng fender na nakita natin sa video.
01:57And then, immediately after impact, wala na tayong nakita ang apat na tao doon sa harapan ng barko.
02:04So, that is the reason why the Philippine Coast Guard offered our assistance.
02:09Sa monitoring naman ng PCG ay inaalis na ang napinsalang barko ng China Coast Guard.
02:15It is already being towed by the Chinese Coast Guard.
02:18Our last monitoring of that was last night, na it is being attempted to be towed away from BDM.
02:32Itinuturing naman ni AFP Chief of Staff, General Romeo Browner Jr.,
02:37na panibagong uri ng aggressive tactics ang pagsama ng mga warship ng China sa paghabol sa mga barko ng PCG at BIFAR.
02:44Inaasahang magkakaroon ng conference ang PCG at AFP kasama ang Pangulo,
02:50kasunod na naging sitwasyon sa West Philippine Sea.
02:53Nakita natin na nagbago yung taktika ng China.
02:58Sinasabi nila na tayo daw ang nanggugulo doon sa West Philippine Sea.
03:03Pero kitang-kita natin kahapon din sa nangyari na sila mismo ang nanggugulo.
03:08May sinusunod naman na rules of engagement ng AFP sa mga ganitong uri ng insidente.
03:14The guidance has been very clear in conducting our RORI missions, in conducting our patrols, maritime patrols, air surveillance flights.
03:21The use of force is not authorized except for self-defense situations.
03:26Samantala, pinarangalan ang crew ng BRP Suluan dahil sa kanilang husay at katapangan
03:32sa gitna ng pangharas sa mga barko ng China sa Iskarborosyol.
03:37Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.