00:00Walang kaanong pinsala ang Bagyong Tino sa Iloilo City dahil sa maagap na aksod ng lokal na pabahanaan.
00:07Yan ang ulat ni John Luel Herrera na Philippine Information Agency.
00:13Walang naitalang casualty dito sa lunsod ng Iloilo matapos ang paghagupit ni Bagyong Tino.
00:19Ito'y dahil sa maagang paghahanda at sinagawang preemptive evacuations.
00:23Ito ang iniulat ni Mayor Raisa Trenyas Chu ayon na rin sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:31Pinasalamatan ni Mayor Trenyas Chu ang magandang pagtutulungan at pakikiisa ng publiko, gobyerno at ng pribadong sektor bilang response sa nangyaring kalamidad.
00:40Sa datos ng CDRRMO, nasa 266 na bahay ang nasira, kung saan 243 ang totally damaged at 23 ang partially damaged dahil sa bagyo,
00:50na ayon sa pag-asa ay nag-landfall sa lunsod, bandang alauna-bente ng hapon noong November 4.
01:08Umabot naman sa 5,381 families o 18,678 individuals mula sa 121 barangay sa lunsod ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyo.
01:19Ang mga nasabing pamilya ay pansamantalang inilikas noong kasagsagan ng bagyo sa 166 evacuation centers sa lunsod.
01:26Bilang tulong ay inactivate ng city government ang kanilang community kitchens sa iba't ibang lugar upang maghatid ng libreng pagkain sa mga apektadong individual.
01:35Nagbigay rin ang City Social Welfare and Development Office ng 4,061 family food box, habang 2,083 food boxes naman ang nagmula sa DSWD.
01:44Nagtayo naman ang City Health Office ng Medical Health Desks sa iba't ibang evacuation centers upang magbigay ng basic medical services sa mga apektadong pamilyang nangangailangan ng tulong medikal.
01:56Activated na rin ng City Veterinary Office ang kanilang Vet Alert Team upang siguraduhin ligtas ang mga alagang hayop matapos ang epekto ng bagyong tino sa lunsod.
02:06Puspusan naman ang sinagawang clearing operations ng City General Services Office upang maalis ang mga debris at madaanan na ang mga lugar na may atumbang puno.
02:14Balik normal na rin ang mga pasok sa mga paaralan at opisina dito sa Iloilo City ngayong November 6.
02:20Mula nito sa Iloilo City para sa Integrated State Media, John Noel Herrera ng Philippine Information Agency.