00:00Bumisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa National Resource Operations Center sa Pasay City
00:06kung saan isinasagawa ang pagrarepak ng family food packs.
00:11Tiniyak din ang kalihim na sapat ang supply ng pagkain para sa mga residenteng nananatili sa mga evacuation center.
00:18Yanagulat ni Noel Talakay live.
00:21Noel?
00:24Dominic, nandito ako ngayon sa isa sa mga evacuation center
00:28dito sa Valenzuela at ito nga ang evacuation center na ito ay hinatiran ng mga family food packs
00:35ng Department of Social Welfare Development ngayong araw.
00:41Hindi dapat mangamban ang ating mga evacuees dahil may sapat na supply ng pagkain.
00:46Ito ang tiniyak ni Secretary Gatchalian sa publiko kung sakaling tumagal pa ang sama ng panahon sa bansa.
00:52Kaninang hapon, binisita ng kalihim ang National Resource Operations Center o NROC sa Pasay City,
00:59isa sa mga facility ng ahensya kung saan isinasagawa ang pag-repack ng mga family food packs.
01:06So ngayon, dahil may rami pang parating na bagyo, gusto namin tignan yung mabilis natin na production line
01:11para masigurado na may steady supply ang ating family food packs.
01:16Ayon kay Gatchalian, utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin na may sapat na pagkain
01:21ang lahat ng mga nasa evacuation center sa buong bansa.
01:25Bukod sa pagkain, tiniyak din ng DSWD na matutugunan ang lahat na pangangailangan ng mga evacuees.
01:32Kaya naman na mahagi rin sila ng sleeping kits, cooking kits, hygiene kits at water filtration.
01:39Una nang binigyan ang mga nasa evacuation centers na mga ready-to-eat food packs.
01:44Ang instruction ng ating Pangulo, walang pamilya dapat na nagugutom o magugutom
01:49sa mga darating na araw dahil hudyat ng mga bagyo.
01:52Sa tala ng DSWD, ang National Capital Region ang may pinakamaraming napadalahan
01:57ng mga family food packs sa loob lang ng 48 hours.
02:01NCR ang may pinakamalaking distribution at maraming pa kaming request na natanggap
02:06at Central Luzon, Pampanga, Bulacan at may paunti-unti mula sa Bataan.
02:11Dominic, ayon sa DSWD, ayon kay Sekretary Rex Gachalan mismo,
02:16na bukas ay magpapatuloy ang kanilang paghahatid ng mga family food packs
02:21sa iba't ibang lugar dito sa Luzon.
02:27Dominic?
02:27Alright, maraming salamat, Noel Talacay.
02:30Alright, maraming salamat, Noel Talacay.