00:00Nakaranas ng mabagal na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Commonwealth sa Quezon City
00:04bago pa ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09Alamin natin ang sitwasyon ngayon, tapos na ang zona ng Pangulo mula kay Isaiah Merafuertes Live.
00:16Isaiah?
00:20Audrey, papakita ko muna sa iyo yung lagay ng trapiko dito sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
00:25Ito yung mga papunta sa batasan.
00:27Kung makikita mo sa aking likuran, Audrey, pulang-pula ang kalsada.
00:31Ibig sabihin, walang galawan, halos bumper to bumper ang mga sasakyan dito sa mga oras na ito.
00:38Though, Audrey, normal dito sa Commonwealth Avenue ang ganitong eksena na mabigat talaga ang daloy ng trapiko.
00:44Pero ngayong sola ng Pangulo, mas bumigat ang daloy ng trapiko.
00:49Pagkatapos ng zona ng Pangulo, mabigat at halos di gumagalaw ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa mga papunta ng batasan.
01:04Hanggang matapos kasi ang zona ni PBBM, hindi pa umaalis ang mga ralihista.
01:09Halos isa hanggang dalawang linya lang kasi doon ang nadadaanan ng mga motorista.
01:15Kaya nga ang mga commuter at motorista sa ngayon na dumadaan dito ay tsaga-tsaga muna sa paghihintay.
01:22Hanggang sa ngayon, may mga nakikita pa rin kaming mga tauhan ng Philippine National Police
01:26na nagbabantay simula sa Quezon Memorial Circle at sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
01:33Kabilang sa aking binantayan kaninang umaga, ang mga nagprotesta sa QMC at bungad ng Commonwealth.
01:38Doon nagsimula ang karamihan sa mga nagprotesta at lumakad sila patunga sa St. Peter Chapel pasado alas 12 ng tanghali.
01:47Sa kabila nito, under control naman ang sitwasyon sa Quezon Memorial Circle at sa entrada ng Commonwealth Avenue.
01:53Iba't ibang grupo ang nagtitipon-tipon doon kanina para magsagawa ng programa.
01:59May kanya-kanya silang hinaing at panawagan na gustong ihatid kay Pangulong Marcos.
02:05Maliban sa mga nagprotesta, simula pa kaninang umaga, todo rin sa pagbabantay ang pwersa ng kapulisan.
02:11Sinisiguro nila na hindi masyadong abala sa dali ng trapiko ang mga nagrarali.
02:18Audrey, sa mga ngaora sa ito, maliban sa matinding traffic, maliban sa mabigat na daloy ng trapiko,
02:26may mga nakikita rin tayong mga stranded na mga commuter dahil karamihan sa mga public transportation sa ngayon ay punuan.
02:34Maliban nga sa mga tauhan mula sa PNP, mga nakabantay rin mula sa QCLGU na sila rin namang nagbamando ng trapiko.
02:43At yan muna ang pinakahuling balita mula dito sa Commonwealth Avenue. Balik muna sa Yodry.
02:48Maraming salamat, Isaiah Miro Puentes.