00:00Pumukaw sa atensyon ni Cardinal Pablo Vergilio David
00:05ang pagkakaaresto ng isang lalaki sa Kaluokan
00:09dahil sa pagsusugal ng Caracruz,
00:13mariing pagpunan ng Cardinal,
00:16isang malaking kabaling tunanumanok
00:18na hinahabol ang mga mahihirap na nagsusugal,
00:22gayong ang gobyerno mismo ang promotor ng online gambling.
00:28Ang isyo, tinutukan ni Jonathan Anda.
00:35Nagluluksan ngayon ang pamilya ng 20-anyos na estudyanting si Gelo
00:39na namatay sa leptospirosis
00:41dahil lumusong sa gabaywang na baha noong kasagsagan ng habagat
00:45para hanapin ang amang bigla na lang daw nawala noon.
00:48Tatlong araw ang lumipas bago nila na lamang
00:50nakakulong pala ang padre de familia
00:53matapos arestuhin ang Kaluokan Polis
00:55dahil umano sa pagkakara-cruz.
00:57Pero sabi ng nanay ni Gelo,
00:59biktima lang ang kanyang asawa
01:00ng tinatawag daw ng mga pulis na pansakto.
01:03Hindi po niya ginawa yun.
01:06Eh ano po,
01:08yun pong tinatawag ng pansakto ng pulis.
01:11Hinila siya tapos,
01:13ayun na,
01:14ano na siya,
01:15kinasuhan siya ng gambling.
01:17Hindi po kami gumagawa ng mga ganong insidente
01:21yung sinasabi nilang pangsakto
01:24o kukuha na lang kami ng sino-sino mang tao dyan
01:28para gawin namin po or accomplishment.
01:32Hindi po totoo yun.
01:33Sa ngayon,
01:34pansamantalang nakalaya ang tatay ni Gelo
01:36sa tulong ng nagmagandang loob na nagpiansa ng 30,000 piso.
01:40Pero maaharap pa rin siya sa kaso ng iligal na sugal.
01:44Ang sinapit ng pamilya ni Gelo
01:45pumukaw sa atensyon ni Pablo Virgilio Cardinal David.
01:49Matinding kabalintunaan daw kasi
01:51na habang kinakasuhan ang mga mayihirap na nagsusugal
01:54ng cara-cruz,
01:55wala naman daw tayong magawa sa gobyerno
01:57na promotor parao mismo ng sugal
01:58gaya ng online gambling
02:00sa pamamagitan ng pagkor.
02:02Hininga namin ang tugon dito ang pagkor
02:04pero wala pa silang sagot.
02:05Panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
02:08inilabas ang Presidential Decree 1602
02:11o batas na nagtakda ng mas mabigat na parusa
02:14sa illegal gambling
02:15kung saan kabilang ang cara-cruz.
02:18Ginawa raw ito noon
02:18para labanan ang salot ng lipunan
02:21na umuubos daw sa pera ng mamamayan.
02:23Pero ayon kay Cardinal David,
02:25makalipas ang ilang dekada,
02:26wala pa rin naaaresto ni isa
02:28sa mga malalaking gambling lord.
02:31Mahihirap lang daw ang biktima ng batas na ito
02:33gaya raw ng Oplan Tokhang
02:35ng Duterte Administration
02:36na ginawa raw kota ang mga drug suspect
02:39para mapromote sa serbisyo.
02:40Hinihingan pa namin ang tugon dito
02:42ang PNP pati ang Malacanang.
02:44Nito lang Pebrero,
02:45pinawalang sala ng Korte Suprema
02:46ang dalawang nalaking akusado
02:48dahil sa pagkakara-cruz.
02:50Dapat lang ito,
02:51sabi ni Supreme Court Senior Associate Justice
02:53Marvik Leonin.
02:54Dahil bukod sa hindi sapat
02:55ang ebidensya laban sa dalawa,
02:57nakapagtataka raw
02:58kung bakit pinaparusahan pa rin
03:00ang mga nagkakara-cruz
03:01gayong pinapayagan naman ang gobyerno
03:03ang pagsusugal sa mga kasino.
03:06Ang ganitong sistema,
03:07target lang daw ang mga mahihirap
03:09na hindi kayang maglaro
03:10sa mga lisensyadong establisyemento.
03:13Napansin din ni Justice Leonin
03:14na may pattern sa ilang kaso
03:16ng naa-aresto sa Cara Cruz
03:17na ang kadalasang kasunod daw
03:19ay tila lehitimong warrantless search
03:21kung saan nakukuhanan
03:23ng iligal na droga
03:24ang mga naa-aresto.
03:25Hiningan namin ang datos
03:26ng PNP kung ilan na
03:27ang mga nahuli nila sa Cara Cruz
03:29pero wala pa silang tugon.
03:30Para sa GMA Integrated News,
03:32Jonathan Andal,
03:33Nakatutok,
03:3424 Oras.
Comments