Skip to playerSkip to main content
Doble-dagok naman ang sinapit ng Masbate, 'di pa man sila nakakabangon sa hagupit ng Bagyong Opong... ay naramdaman naman dun ang lindol kahit nasa Cebu ang episentro. Bumisita roon ang Pangulo at sinigurong handa ang gobyernong tumugon sa mga nilindol sa buong bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Double dagok ang sinapit ng Masbate.
00:03Hindi pa man sila nakakabangon sa hagupit ng Bagyong Opong,
00:07ay naramdaman naman doon ang Lindol kahit nasa Cebu, ang epicentro.
00:12Bumisita roon ang Pangulo at sinigurong handa ang gobyernong tumugon sa mga nilindol sa buong bansa.
00:19Nakatutok si JP Soriano.
00:23Ang mga biktima ng Bagyong Opong ang sadya ni Pangulong Bongbong Marcos
00:28sa pagbisita niya sa Masbate.
00:30Pero dahil sa Lindol na yumanig sa probinsya ng Cebu kagabi,
00:34mabilis niyang ipinagutos ang pagpapapunta sa Cebu
00:36kina DPWH Secretary Vince Disson at DSWD Secretary Rex Gatchalian.
00:42Yan ay upang matiyak na matutugunan ang mga kailangang gawin matapos ang malakas na Lindol.
00:48The earthquake was very strong.
00:50Pagka yung mga ganyang klaseng numbers, that's a very, very big number already.
00:56So, we're assessing the damage, we're assessing the needs na pangangailangan.
01:02Sa inisyal na impormasyong natanggap ng DPWH kaunay sa Lindol sa Cebu,
01:06meron na raw ilang kalsada ang nakitaan ng lamat at ina-assess na ang lawak ng pinsala.
01:12Ang sabi ng Presidente, we start with the most immediate needs of relief,
01:17clearing the roads, make sure everything is okay, and then we will just move from there.
01:22Ayon sa DSWD, handa na ang food packs para sa mga taga Cebu na biktima ng Lindol
01:28at nakausap na rin daw ng DPWH ang mga LGU sa Cebu.
01:32We assured the local chief executives that the national government, all of us, pati DSWD, is ready to help.
01:40In fact, as we speak, we have 300,000 family food packs in Cebu already.
01:45Naka-pre-position na yun.
01:46Sa gitna ng pagdugon sa Lindol, ang Pangulo sinilip naman ang pinsalang dulot ng bagyong opong.
01:52Tinungo niya ang Masbate National Comprehensive High School at Provincial Hospital ng Masbate
01:58na parehong napuruhan ng bagyo.
02:00Overwhelming ang damage dito talagang ang sabi sa akin.
02:08Kahit yung mga matatanda dito sa Masbate, wala silang naaalala na bagyo na ganito kalakas na dumaan dito sa Masbate.
02:16Kaya we have to do a lot of work para ma-recover lahat, makabawi ang tao.
02:23Nasa ilalim ngayon ng Masbate sa state of calamity,
02:26Sa buong lalawigan, labing siyam ang namatay at halos kalahating milyong individual ang apektado ng bagyo.
02:34Inanunsyo ng Pangulo ang tig-sampung libong pisong cash assistance sa lahat ng pamilyang apektado doon
02:39at para matulungan daw mismo ang pagbangon ng probinsya.
02:43Nag-release ako ng 100 milyon na LGSF, Local Government Support Fund,
02:48para magamit dahil nahihirapan na ang provincial government para na makapagbayad sa lahat ng kailangang gawin.
02:56Ang pinakamalaking problema ngayon sa probinsya ay ang supply ng kuryente na may direktang epekto sa supply ng tubig.
03:04Sa buong Masbate nagkalat po ang mga nagtumbahang poste at mga naglalakihang puno gaya nito
03:08at dahil naramdaman din dito sa Masbate ang malakas talindol kagabi,
03:12pinasusuri na ng Pangulo sa DPWH ang ibat-ibang istruktura sa probinsya para matiyak ang kaligtasan ng mga taga-Masbate.
03:20Kaka-assess lang natin. Mag-re-re-assess na naman tayo.
03:24Because sumunod-sunod, unfortunately, nangyari. Nabagyo na. Nagkalindol pa.
03:32But I think we can do it.
03:36Yes, sabi nga namin dito, bangon Masbate.
03:41Mula rito sa Masbate at para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended