00:00May dagdag na 800 piso sa buwanang sahod ang mga kasambahay sa Metro Manila.
00:06Pero kapos pa rin para sa ilang kasambahay ang 7,800 pesos na buwanang minimum wage.
00:14Nakatutok si Bona Quino.
00:18Mula 7,000 pesos na buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa NCR,
00:24simula February 7, 2026, magiging 7,800 pesos na ito.
00:29Ito'y matapos aprobahan ng NCR Wage Board ng 800 pesos na umento.
00:34Ayon sa Dole NCR, ikinonsidera nila sa desisyon ng inflation rate at iba pang gastusin ng mga kasambahay.
00:41Wala namang petition for wage increase but we opted to review the minimum wage ng ating mga kasambahay.
00:52Nung inanalyze namin ang data, kung ang nagiging sa 7,000 na yun yung current minimum,
00:59nakikita ko namin na less than 300 lamang yung take-home pay ng ating mga kasambahay dito sa NCR.
01:07Pero kung ang kasambahay na itago natin sa pangalang Marie ang tatanungin, kulang pa ang 800 pesos na umento.
01:14Siya nga raw na 10,000 pesos kada buwan ng sweldo.
01:17Hirap na pagkasyahin dahil tatlong anak ang kanyang pinag-aaral.
01:21Hindi rin daw binabayaran ng kanyang amo ang kanyang mga social benefits tulad ng SSS at PhilHealth.
01:27Mahiling sana magkaroon. Hindi ko po kayang sabihin sa ano, pero sana po meron para rin sa assurance ko na nagtatrabaho para sa kanila.
01:37Ang kasambahay naman na si Mary mapili, 8,000 pesos ang buwan ng sahod na sapat naman daw dahil siya ay single pa.
01:44Saan usually na pupunta?
01:47Sa ano po, family ko po.
01:49Ano pa padala ka?
01:50Opo, hindi naman po. Siguro magtitira ako mga 1,500, gano'n.
01:55Saan po?
01:55Opo.
01:56Ang kanyang employer, handa naman daw taasan ang kanyang sweldo sakaling ipag-utos ng gobyerno.
02:02I do it pag kaya ko. Tinataasan ko talaga. After all, kunti lang naman.
02:12Life is difficult now. Yung 8,000, di nga nila kayang i-manage yun sa pamilya nila.
02:18Ang Dole NCR magsasagawa ng information drive kaugnay sa bagong minimum wage na mga kasambahay.
02:24Paalala nila sa mga employer.
02:26Mag-comply po sa bagong minimum wage.
02:29Kung talagang hindi nagbabayad, may sanction po or penalty laban dito sa ating mga employers na hindi sumusunod sa minimum wage order.
02:41Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
Comments