00:00May dalawang persons of interest na ang mga otoridad sa kaso ng pagkawala ng isang negosyante at mag-asawang katransaksyon niya noong Hulyo.
00:11Ang dalawa, nahuli kang pang ginamit sa pamimili ang credit card ng mga nawawala.
00:17Nakatutok si June Veneracion.
00:19Magdatatlong buwan matapos mawala ang mag-asawang Henry at Margie Pantuliana at kanilang kasosyo sa negosyo na si Richard Cadiz.
00:31Dalawang persons of interest ang natukoy ng Criminal Investigation and Detection Group NCR base sa mga hawak nilang CCTV video.
00:39Una, ang baba ay gumamit ng credit card ni Margie habang namimili sa isang cellphone shop sa Fairview, Quezon City.
00:46Nagkaroon din daw ng credit card transaction sa Paranyaki at Bulacan noong July 15 at 16.
00:52Mga petsa matapos mawala ang tatlo.
00:55Ang pangalawang person of interest, ang lalaking nakakap na ito na umo-order sa isang coffee shop sa Cavite noong August 10.
01:02Gamit naman ang credit card ni Henry.
01:04Of course they are a person of interest dahil ginamit nila yung credit cards.
01:10Paano napunta sa kanila yung credit card na yun?
01:12Karamihan daw sa mga nabili gamit ang credit card na mag-asawang Pantuliana ay mga cellphone na mahigit isang milyon ang halaga.
01:20Hindi raw kilala ng mga kamag-anak na mga nawawala ang mga nakuhana ng CCTV camera.
01:26Hamon yan yung sa CIDJ NCR ang pagkilala sa mga person of interest.
01:30We are facing a blank wall right now eh. Kasi nga, kung titignan natin yung CCTV na ipinapakita, even the family that eh, there was no forced abduction.
01:42Isa raw sa maaring makapagbigay ng mahalagang impormasyon ay ang taong kikitain dapat ng tatlo bago sila nawala.
01:49Sabi ng CIDJ NCR, ang taong yun ay babalik sa Pilipinas bukas October 1 at nakahanda ro'y mabigay ng statement sa mga investigador.
01:58Sinisilip din ang CIDJ NCR ay kung may kaugnayan ba sa pagkawala ng mga regusyante ang kanilang family background.
02:08Partikular ng tinukoy ng CIDJ NCR ang kapatid ni Henry na si Hector Pantuliana na naaresto nung nakalang taon sa Bali, Indonesia at naibalik sa Pilipinas para harapin ang mga kasong may kinalaman umano sa investment scam.
02:22Hindi natin pa talaga alam kung anong nangyari. Are they alive yet? Or are they hiding?
02:28That's one thing that we have to establish.
02:31Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng kaanak ng mga nawawala.
02:37Para sa GMA Integrated News, June Vanalasyon Nakatutok, 24 Horas.
Comments