Nangangamba ang ilang negosyante sa posibleng pagmahal ng mga bilihin at pagsasara ng maliliit na negosyo kung maisabatas ang P200 umento sa sahod na isinusulong ng Kamara. Sabi ng Malacañang, pag-aaralan muna ang epekto nito sa ekonomiya.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nangangamba ang ilang negosyante sa posibleng pagmahal ng mga bilihin at pagsasara ng malilit na negosyo
00:07kung may sa batas ang 200 pisong omento sa sahod na isinusulong ng Kamara.
00:13Sabi ng Malacanang, pag-aaralan muna ang epekto nito sa ekonomiya.
00:17At nakatutok si JP Soriano.
00:22Ngayong may pamilya na, hirap na ang minimum wage earner na si Jerry
00:26na pagkasyahin ang kanyang kinikita para sa kanilang mag-anak.
00:30Mahigpit sir, hindi kaya.
00:32Hindi kaya i-budget.
00:34Alos, man.
00:36Mangutang ka pa sa iba para lang makatustos sa, man.
00:39Pang buwan na pag dumating yung deadline ng mga kuryente,
00:42tapos na, hindi na kaya.
00:46Si Ivan naman, sinabing buti na lang, may trabaho rin ang kanyang misis.
00:50Kaya may pantustos sila para sa kanilang isang anak.
00:53Hindi na-check-check namin kung magano na yung expenses,
00:58paano yung mga ilalaan.
00:59Kasi minsan, nagkakaroon ng bigla ang gastos.
01:01Kabilang sina Ivan at Jerry sa nag-aabang kung
01:05maisa sa batas ang 200 pesos wage increase na ipinasa ng Kamara.
01:10Ang Senado, nauna nang nagpasa ng panukalang 100 peso wage hike.
01:15Para maisa batas, kailangang pag-isahin ang dalawang versyon
01:19sa Bicameral Conference Committee.
01:21Pero mas mabilis kung i-adapt na lang ng isa ang kabilang panukala
01:25para diretsyong mapalagdaan kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:29Pero may alin na nga si Senado Committee on Labor Chairman Joel Villanueva
01:33sa pag-a-adapt ng House version na doble ng kanilang ipinasa.
01:38Maaaring i-vito daw ito ng Pangulo at hindi matuloy.
01:42Parang ang tingin natin, pag nangyari yan, diretsyong veto.
01:46So, yun yung kailangan din nating pagtuunan ng pansin
01:50kung i-adapt natin yan.
01:52Kasi baka yan din yung dahilan ng iba na nandoon sa Kamara
01:57para masiguro na ma-vito yan.
02:00That's another way of looking at it.
02:02For us, we still believe na yung 100 is most convenient and practical.
02:09Pero para kay Deputy Speaker Democrito Mendoza ng TUCP Partilist,
02:14the higher, the better.
02:17Ang Malacanang, titignan daw muna kung ano ang magiging epekto nito
02:21sa ekonomiya ng bansa.
02:23Nais po ng Pangulo na maibigay kung ano po ang makakabuti
02:26sa mga manggagawang Pilipino.
02:29Titignan ng lahat ng aspeto at ang concerns ng lahat ng stakeholders.
02:34Kung mais sa batas, ito ang unang legislated wage increase
02:38sa loob ng 36 na taon,
02:40ayon sa datos ng National Wages and Productivity Commission
02:43na kinalap ng GMA Integrated News Research.
02:47At kung masusunod ang 200 peso wage hike na isinusulong ng Kamara,
02:52ito ang magiging pinakamalaking dagdag sa arawang sahod na mga manggagawa.
02:57Sa nakaraang anim na administrasyon,
02:59hindi pa lumagpa sa 200 pesos ang kabuang halaga
03:02ng itinaas sa daily minimum wage.
03:05Pero may pangamba ang mga negosyante at mamumuhunan
03:09na nagpapasweldo sa mga manggagawa.
03:11Pwede raw bumilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin,
03:15maaaring umatras ang mga mamumuhunan.
03:18Pero ang pinakamasakit,
03:20baka may mga magsarang maliliit na negosyo
03:22dahil hindi kayang ibigay ang malaking dagdag sahod.
03:26Tataas yung presyo nila.
03:29E kung hindi na kaya bilhin yung presyo nila,
03:31magbabawas ng tao.
03:33Pag nagbawas ng tao at hindi pa rin kaya,
03:36magsasara.
03:36E yung micro.
03:39E kung isang pasweldo lang ding guling,
03:41kung umanti, paayakan pa.
03:43Kahit saan ito kaya,
03:45tataasan mo ng ganun kalaki.
03:47Ang ilang small-scale business,
03:49nag-iisip na ng paraan ngayon
03:51kung paano hindi malulugi ang negosyo
03:53sakaling maisa batas ang dagdag sahod.
03:57Wala na tayo magagawa.
03:58Pipilitin natin magdagdag tayo ng sales.
04:05Kung hindi,
04:06magkuha tayo ng ibang items.
04:08Hindi po natin alam sa susunod kung
04:09anong mangyayari, di ba?
04:12Siyempre, sa negosyo ngayon talagang mahirap.
04:15Sa mga previous year na ito,
04:17ang negosyo parang lumalakad ng pabigat ng pabigat.
04:24Para sa GMA Integrated News,
04:27JP Soriano, nakatutok 24 oras.