Skip to playerSkip to main content
Wala na ang Bagyong #OpongPH pero pinangangambahang abutin ng isang buwan bago maayos ang ilang pinsala nito sa Masbate.


Siyam ang patay at problema pa rin ang suplay ng tubig at kuryente sa probinsya na nasa state of calamity na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, wala na ang bagyong opong pero pinangangang bakang abutin ng isang buwan bago maayos ang ilang pinsala nito sa masbate.
00:15Siyam ang patay at problema pa rin ang supply ng tubig at kuryente sa probinsya na nasa state of calamity na.
00:21Nakatutok doon live si JP Surya.
00:24JP!
00:24Emil, mga kapuso, narito po tayo ngayon sa sinid-aralan ng isang paaralan sa masbate na talaga namang pong nahagupit ng bagyong opong.
00:35Makikita niyo po yung laki o lawak ng pinsala na dinulot niyan sa classroom na ito sa ating mga mag-aaral.
00:42At umuulan po ngayon dito sa masbate, isa pong indikasyon na patuloy na namang pong maghihirap yung mga kababayan natin.
00:48Lalo pat hanggang ngayon, wala pa rin supply ng kuryente, walang tubig at walang maayos na linya ng komunikasyon.
00:54Dinatnan kong puno ng troso ang masbate National Comprehensive High School.
01:04Apat na araw matapos hagupitin ng bagyong opong ang masbate.
01:08Mistulang dinurog ang mga nilalakaran ng mga estudyante o covert pathway.
01:13Napuno ng dahon ng kisame ng isang classroom, pero ang iba natuklapan ng bubong.
01:19Habang ang ilan, binagsakan ng mga sanga ng puno.
01:22At isa lang po ito sa mga classroom na makikita nyo pong nabagsakan ng puno.
01:28Na talaga na pong, kung imaginin nyo po kung may nagkaklase dito talaga pong tiyak na may masasaktan.
01:34Isa lang po ito sa mahigit na 20 classrooms dito sa paaralan na na-damage dahil sa bagyo.
01:42Isa lang ito sa 54 na paaralang apektado ng bagyo ayon sa DepEd Division ng Masbate.
01:4857 sinid-aralan ang tuluyang winasak ng bagyo.
01:5171 classrooms naman ang nagtamo ng partial major damage.
01:56Habang 72 classrooms ang nagkaroon ng kaunting sira dahil sa bagyong opong.
02:01May 43 classroom ding binaha at tabing isang na landslide.
02:05Bukod pa sa libu-libong gamit gaya ng armchairs, computers at iba pang learning materials na nasira ng bagyo.
02:12Kaya tulong-tulong ang mga guru at pamunuan ng mga paaralan sa pag-aayos.
02:17Napakalaki ng pinsalang na idulot ng bagyo at wala kaming ibang gagawin kundi tanggapin ito at mag-move on.
02:26Nagluluksa rin ang paaralan para sa pagpanaw ng campus joinerist nilang si Brian Bolanyo.
02:32Isa sa siyam na namatay sa masbate dahil sa bagyo.
02:36Nasaway si Brian nang mabagsakan ng gumuhong pader ng kapitbahay ang kanyang silid.
02:43Sinika pa siyang dalhin sa ospital.
02:45Sinundan ko. Ako mismo nirevive ko pa rin yung anak.
02:49Sa sobrang ano ko na hindi ko matanggap.
02:54Sa ang iniisip ko hindi ko susukuan yung anak ko.
02:58Pero hindi na talaga.
03:03Wala na talaga.
03:03May 150,000 individual naman ang apektado.
03:0914,000 bahay ang napinsala.
03:11Habang 3,500 bahay ang tuluyang nawasak.
03:16Ibang problema pa ang kakulangan ng kuryente sa propinsya
03:19na nakaka-apekto rin sa supply ng presyo ng tubig.
03:22Nung dati 25 pesos ngayon 45 pesos dahil mayroon na gamit na generator.
03:29Kasi wala nga akong kuryente ngayon hanggang ngayon.
03:31Bagsak din ang cellphone signal sa isla.
03:35May palibreng wifi ang ilang telco pero may oras lang.
03:38Tinatayang matagal pa bago maayos ang mga bumagsak na poste at mga puno.
03:43Kaya may mga kali yung hindi pa rin madaanan hanggang ngayon.
03:47Pusibling abutin ng isang buwan bago maibalik ang supply ng kuryente.
03:51Nagpadala na rin ng internet satellite sa probinsya.
03:54We assure them that we will do our best na matulungan sila.
03:58We will do our best to recover.
04:02We will do our best na makabangon ang masbate.
04:05Emil, suspendido ng isang linggo ang klase dito sa probinsya ng masbate.
04:13Pero kung pagbabasihan po ang itsura na mga silid-aralan gaya nito na nasira ng bagyo,
04:18eh hindi naman sila makakabalik agad sa klase.
04:20Makakaroon po ng shifting sa mga susunod na linggo para po makabalik na po sa pag-aaral ang mga taga rito.
04:26At yan muna ang latest.
04:28Balik muna sa iyo, Emil.
04:29Maraming salamat, JP Soriano.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended