00:00Pinagbabato, pinagsisipa at hinarangan ng ilang kalalakihan ng isang van sa EDSA.
00:06Sinubukan daw kasi nitong takasan ang nabanggang motosiklo.
00:09Ang nahulikam na tagpo sa pagtutok ni Tina Panganiban Perez.
00:16Viral na ang video ng isang van sa EDSA na basag-basag ang mga salamin.
00:21Binato ito ng helmet at pinigilang umandar ng ilang lalaki at hinarangan din ng isang truck.
00:27Nang hindi pa rin huminto ang van, pinagsisipa ito ng isang lalaki kaya nagkayupi-upi ang pintuan.
00:35Huminto ang mga sasakyan sa EDSA dahil sa insidente kaya nakapag-counterflow ang van at nakaliko sa New York Street.
00:43Pero binato ulit ang likurang bintana nito bago ito nakaandar palayo.
00:48Sa gilid ng New York Street, makikita ang isang nakatumbang motosiklo.
00:53Ang pagbangga pala rito ng van, ang mitya ng insidente.
00:57After po niya mabangga, ang nangyari po, instead na huminto siya at tulungan yung kanyang nabangga,
01:04ay nag-attempt po siya na tumakas at bumalik sa EDSA.
01:08Pero yung mga tao po doon during that time, hinattempt naman po nila na pigilan itong van para umalis.
01:19Inimbestigahan na ang insidente na nangyari alas 9.10 kagabi bago pa nag-viral ang video.
01:25Habang lumalayo ang driver ng van, kita sa video na may nakapulot ng plaka nito.
01:31Pero hindi nakatakas ang driver ng van.
01:33Nung nakaalis po siya, agad pong naitawag sa ating kapulisan at yung mga personal, mga patroller po ng Police Station 7,
01:43na-intercept po siya at na-arresto po yung ating driver at tinerd over po sa traffic sector for summoning.
01:50Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit, inisuhan ang ticket ang driver ng van para sa reckless driving.
01:57Nasa pangangalaga naman ang DTEU Traffic Sector 4 ang van.
02:02Pero nagkaayos na ang driver ng van at nabanggang rider ng motorsiklo.
02:07Nag-usap po yung dalawang partido at ito pong ating biktima ay hindi na magpupursue ng anumang pong reklamo at nagkaayos po silang dalawa.
02:18And sa part naman po natin ng QCPD, we will be submitting also report po sa LTO regarding this incident po.
02:30Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuna ng pahayag ang LTO.
02:35Pero may pananagutan ba ang mga bystander at motoristang pinigilang makalayo ang driver ng van?
02:41Possible po na magkaroon sila ng kanilang liability. Pero po yung driver ay hindi na rin po nagsampa ng kaupulang demanda o reklamo po laban sa mga taong ito at sasasakyan po.
02:52Paalala ng QCD, DTEU sa lahat, isaisip ang salitang Pasko ngayong holidays.
02:59Ito pong pagdiriwang natin po ng Pasko dapat maging masaya, maging diktas at maging payapa.
03:05Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
03:13Isa pang away kalsada sa Marikina City naman.
03:16Ang singitan papasok sa parking e nauwi sa pananakal, duruan at hampasan.
03:22Nakatutok si Von Aquino.
03:26Sa viral video na ito, makikita ang komprontasyon ng driver ng pick-up at gray na kotse sa Riverbanks Avenue, Marikina City.
03:33Maya-maya lumabas ang isang lalaki mula sa puting sasakyan na nasa harapan ng kotse.
03:39At sinunggaban ang driver ng pick-up.
03:41Noon na lumabas ang babaeng sakay ng pick-up at hinatak ang isa pang babaeng mula naman sa kotse.
03:47Naggagulo pang lalo ang mga sakay nila hanggang sa maawat na sila ng pasahero ng pick-up.
03:52Ayon sa Marikina City Police, nangyari ito kahapon alas 3.30 ng hapon habang papasok ang mga sasakyan sa parking lot.
03:59Ang mga sakaya nila ng si Donna Gray at puting sasakyan sa harap nito ay magkakamag-anak.
04:04May nauna pang sasakyan sa kanila na nakapasok na.
04:08Nakapasok na ngayon.
04:10Sumusunod po itong pick-up natin yung nasa left side.
04:15Then from there po, hindi po na po sila makapasok din kasi nga po, nakaharang na rin po yung...
04:21Hindi na nagbigay yung nasa white kasi nahiharang niya na yung sasakyan niyang nauna.
04:25Then hanggang nagkatapat po yung bios at yung pick-up.
04:30Matapos ang insidente, sa police station dinala ang mga motorista.
04:35Kung meron man anilang traffic violation ang mga motorista dahil sa nangyaring gulo sa kalsada,
04:40ang MMDA at LTO na anila ang titingin dito.
04:44Holiday man o hindi laging paalala ng mga otoridad sa mga motorista,
04:48habaan ang pasensya at huwag pairali ng init ng ulo.
04:51Ang pagbibigayan tuwing kapaskuhan, gawin din daw sana sa lansangan.
04:57Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
05:03Nauwi sa suntukan ang gitgitan umano ng SUV at motorsiklo sa Valenzuela.
05:09Ang mga sangkot, aminadong nakainom.
05:11Nakatutok si James Agustin.
05:12Nakuna ng isang motorista ang suntukan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga lalaki sa MacArthur Highway sa barangay Marolas, Valenzuela City.
05:23Pasado ala sa east ng umaga kahapon.
05:25May punto pa na napunta sila sa gitna ng kalsada, kaya napahinto ang mga motorista.
05:30Makikita rin ang isang nakatumbang motorsiklo.
05:33Ang lalaking ito siniko ang ulo ng isa pang lalaking nakahigana sa gilid ng kalsada.
05:37Kalauna natigil din naman ang komosyon.
05:39Ayon sa polisya, sangkot sa away ang tatlong lalaki na nakasakay sa isang SUV na galing sa trabaho
05:45at tatlong lalaking delivery rider na magkakangkas sa motorsiklo.
05:49Ang dalawang grupo nakainom na mangyari ang insidente.
05:53Kakakuha lang din ang Christmas bonus ng mga delivery rider.
05:55Ito po ay nagsimula doon sa may bandang malabon.
06:00Doon po nagkagitgitan yung SUV at yung mga nakamotor ay binibusinahan daw di umano yung SUV.
06:07Simula malabon, yun ang kanilang ginagawa.
06:12Kaya pagdating dito sa may bandang marulas sa boundary ng Malabon-Valenzuela
06:19dahil dito yung stoplight, dito sila nagpangabot.
06:24Unang nagreport sa polisya ng mga nakasakay sa SUV.
06:28Inibitahan din ang mga nakasakay sa motorsiklo.
06:30Nagkaareglo naman ang dalawang panik.
06:33Gayunman, sasampahan pa rin silang lahat ng polisya
06:35ng reklamong alarm and scandal.
06:37They are disrupting yung traffic.
06:40Yung mga ating mga motorista
06:42at yung mga magsisimba at papasok ng trabaho.
06:48Yung kapayapaan sa lugar ng Valenzuela ay na-distrupt.
06:52Aminado ang mga sakay ng SUV na bahagyan nakainom sila.
06:55Tanggap naman daw nilang kinakaharap na reklamo.
06:58Parehas po mga nag-init kami that time.
07:00So nagkamali po lahat.
07:02Sir, nakainom po kayo ng time na yun?
07:04A little, a konti.
07:06Harapin na lang po kasi talagang mali naman talaga.
07:09Ang mga delivery rider, tumagin na magbigay ng pahaya.
07:12May paalala naman ng mga otoridad sa mga motorista
07:14lalo ngayong holiday season.
07:16Sa ating mga kababayan, kung kayo man ay nakainom,
07:20iwasan na nating magmaneho
07:22at maging mahinaon sa kalsada
07:24para maiwasan ang ganitong insidente.
07:26Para sa Jimmy Integrated News,
07:29James Agustina Katuto, 24 Horas.
07:32Paulit-ulit na paalala,
07:34iba yung pag-iingat kapag nasa kalsada.
07:37Tatlo ang sugata ng magsalpukan
07:39ang isang motorsiklo at L300 sa Taguig.
07:42Nakatutok si Dano Tingcungco.
07:47Nakabibigla ang viral video
07:49ng pagsalpok ng isang motorsiklo
07:51sa kasalubong nasasakyan
07:52sa 15th Avenue sa barangay East Rembo, Taguig.
07:55Madaling araw nitong December 18.
07:57Nakuhanan din ito ng CCTV sa barangay.
08:00Sa imbisikasyon ng Taguig Traffic Police,
08:02bumabagtas ang motorsiklong may angkas
08:04at tila may kausap
08:05nang biglang napaling ang manibela ng motorsiklo
08:08at sumampas sa kabilang lane.
08:10Itong motor ay mayroong kasabayang motor din na isa.
08:16Then, they were talking.
08:18Hindi ko alam kung nagtatalo sila.
08:20Tapos nung, ibig sabihin,
08:21nakatutok siya dun sa may camera,
08:24nakatingin siya dun sa camera
08:26nung cellphone,
08:28nung nakasabayan niyang motor.
08:32Hindi niya alam na
08:33yung manibela niya pala,
08:34napaano na sa opposite direction.
08:37So, nagano sila,
08:38nag-head on sila nung L3.
08:41Nirespondehan ng Taguig Traffic Police
08:42at Traffic Management Office
08:44sa mga sangkot sa aksidente.
08:46Nasa maayos ng lagay,
08:47ang rider ng motorsiklo
08:48at angkas nitong nagtamo
08:50ng samotsaring sugat sa katawan.
08:52Nagtamo rin ng sugat
08:53ang driver ng L300
08:54bagamat hindi naman daw itong malubha.
08:57Kalauna,
08:58nagkaayos ang dalawang panig.
09:00Ayon sa polisya,
09:00wala namang indikasyong
09:01na kainomang sino man
09:02sa mga nasangkot sa aksidente.
09:04Pero dahil Pasko ngayon,
09:06paalala ng mga atoridad,
09:07lalo na sa mga nakamotor,
09:09iba yung pag-iingat
09:10sa anumang pwedeng maging
09:11distraction sa daan.
09:13Alak man yan o kausap.
09:14Focus ka sa pagmamaniho.
09:16Wala kang distraction,
09:17hindi ka pwede nakipag-usap
09:18sa kabilang,
09:20basta focus,
09:20focus lang
09:21hanggang makarating ka sa pararonan.
09:23Hindi pwede yung
09:25nagmamaniho ka,
09:26may ginakausap ka sa cellphone,
09:28nag-awal yung nagtatalo pa.
09:30Para sa GMA Integrated News,
09:31dahan natin kung
09:32ko nakatutok 24 horas.
Comments