Skip to playerSkip to main content
-Makilo Bridge sa Brgy. Bugnay, bumigay dahil sa mga nagdaang masamang panahon; temporary bridge, itinayo para tawiran ng mga tao

-5 sangkot umano sa ilegal na droga, arestado

-17-anyos na buntis, patay matapos pagsasaksakin ng 21-anyos na asawa

-Lalaking nagpapanggap umanong pulis para mangikil, arestado; isa sa mga biktima niya, natangayan ng abot sa P700,000

-Lalaking naniningil ng P150 na utang, patay matapos paputukan ng boga; suspek, tinutugis

-Bombero, halos 1 oras na-trap sa loob ng fire truck matapos masalpok ng dump truck

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06May init na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:11Bumigay ang Makilo Bridge sa Tinglayan, Kalinga.
00:15Chris, bakit daw nasira yun?
00:20Connie, ayon sa MDRMC, bumigay ang Makilo Bridge sa Barangay Bugnay
00:25dahil sa mga nagdaang bagyo at pagulan.
00:27Hindi po na nataraanan ang mga sasakyan ng nasabing tulay
00:30na pangunahing nagdurugtong sa probinsya ng Kalinga at sa Bontoc Mountain Province.
00:36Nagtayo muna ng temporary bridge para makatawid ang mga tao.
00:40Ang DPWH magtatayo rin daw ng isang temporary bridge para naman sa mga sasakyan.
00:46Inaasahang makukumpleto yan ngayong buwan.
00:49Lima naman ang arestado sa drug bypass operation sa Baguio City.
00:53Kabilang sa mga nahuli ang magkapatid na tukoy umanong drug personalities sa Cordillera.
00:59Sabisa ng search warrant na inisyo ng korte matapos magpositibo sa test buy,
01:04sinalakay ng maotoridad ang bahay nila sa Barangay Aurora Hill.
01:08Nabutan doon ang kinakasama ng isa sa mga target
01:11at dalawang umanoy kasamang gumagamit ng iligan na droga ng isa pang target.
01:16Nakuha ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na mahigit 120,000 pesos ang halaga
01:22at ilang drag para fernalia.
01:24Sasampahan sila ng kaukulang reklamo.
01:27Ay sa pulisya nagugat ang operasyon sa sumbong ng ilang residente
01:30tungkol sa umanoy iligal na aktibidad ng magkapatid.
01:34Nakaditay na ang lima na sinusubukan pang kunan ng pahayag.
01:38Ito ang GMA Regional TV News
01:45Balita sa Visayas at Mindanao atid ng GMA Regional TV
01:50patay sa pananaksak ng sariling asawa
01:52ang isang bunti sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
01:57Sara, bakit daw nagawa yan ng mister?
02:00Rafi, inaalam pa ng pulisya ang motibo ng 21 anyos na asawa ng biktima.
02:06Na-aresto siya sa cut-pursuit operasyon.
02:09Wala siyang pahayag.
02:10Ayon sa pulisya, rumesponde sila sa bahay ng biktima
02:13kasunod na isang sumbong tungkol sa pananaksak.
02:17Naisugod pa sa ospital ang 17 anyos na babae
02:20pero dahil sa malubhang kondisyon,
02:22kinailangan siyang ilipat sa isa pang ospital
02:25kung saan siya idiniklarang dead on arrival.
02:29Sa Bacolod City naman,
02:30arestado dahil sa umanoy pangingikil
02:32ang isang lalaki na nagpapanggap daw na pulis.
02:35Nahuli ang 38 anyos na sospek
02:38sa entrapment operasyon sa Bargay Singkang Airport.
02:41Batay sa embisigasyon,
02:42nagkukulwari siyang pulis at tatargetin
02:45ang mga nasa drug watch list para makapangikil.
02:48Sa isang biktima pa lang,
02:50nasa 700,000 pesos na raw ang natangay ng sospek.
02:54Tumangging magpa-interview ang sospek na nahaharap
02:56sa reklamong usurpation of authority
02:58at 16 counts of robbery extortion.
03:01Ito ang GMA Regional TV News.
03:10Patay ang isang lalaki matapos na paputokan ng boga
03:13sa Maribelis, Bataan.
03:15Sa investigasyon ng pulisya,
03:16pumunta ang 44 anyos na biktima
03:18sa bahay ng sospek sa barangay Kamaya
03:21para singilin ang 150 pesos na utang.
03:25Batay sa salaysay ng saksi na kapatid ng sospek,
03:27nagkasigawan ng dalawa at maya-maya,
03:30nakarinig siya ng putok.
03:32Doon na raw niya nakita ang sospek
03:34na may hawak na isang improvised shotgun o boga.
03:37Isinugod sa ospital ang biktima
03:39pero idinect na lang dead-on arrival.
03:41Inutugis na ng mga otoridad
03:43ang tumakas na sospek.
03:45Sinisikap ang makuna ng pahayag
03:46ang kaanak ng biktima.
03:50Na-trap ang isang bombero sa loob ng fire truck
03:53matapos masalpok ng isang dump truck sa Lubok, Bohol.
03:57Base sa epistigasyon,
03:58pabalik na noon sa fire station ang fire truck
04:01matapos rumesponde sa isang landslide sa Bargay Uy.
04:05Bigla raw napunta sa linya ng fire truck
04:07ang dump truck
04:08kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
04:11Halos isang oras na trap sa loob ang bombero
04:13bago siya marescue at dalhin sa ospital.
04:16Hawak ngayon ng pulis siya
04:17ang driver ng dump truck.
04:19Paliwanag niya sa mga pulis,
04:21ilang beses niyang sinubukan
04:22na iiwas ang truck sa fire truck
04:25pero hindi na niya makontrol ang manibela.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended