Skip to playerSkip to main content
-Lalaking tumutulong magbaba ng mga bakal na poste, patay nang makuryente

-Tulay, tinangay ng rumaragasang tubig sa ilog/Ilang bahagi ng Davao Region, binaha/ Mga tubo ng tubig sa Brgy. Liptong, sinira ng baha/ Ilang motorista, stranded sa spillway sa Brgy. Sta. Cruz Viejo

-Lalaking nagpanggap umanong NBI agent at nambiktima sa investment scam, pinaghahanap

-14-anyos na lalaki, patay matapos tamaan umano ng kidlat; 6 niyang kasamang nag-aani ng palay, sugatan

-Kalis na nagkakahalaga ng P40,000, ninakaw umano sa isang simbahan

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa Bugalyon, Pangasinan.
00:15Chris, ano ang detalyan ng mga pangyayari?
00:20Connie, tumutulong ang biktima sa kanyang kasama ng makuryente.
00:24Ayon sa mga otoridad, nagdidiskarga noon ang mga bakal na poste ng solar lights ang biktima at kanyang kasama gamit ang isang crane sa barangay poblasyon.
00:34Hinahawakan ng biktima ang mga bakal na poste ng aksidente sumabit ang crane sa isang high-tension wire.
00:42Dead on arrival sa ospital ang biktima. Nagpapagaling naman ang kasama niyang nakuryente rin.
00:50Balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
00:53Tinangay nang rumaragas ang tubig ang isang tulay sa Manay Davao Oriental.
00:58Cecil, may naiulat bang nasaktan sa insidente?
01:02Rafi, mabuti na lang at hindi pa nakalapit sa tulay ang mga residenteng tatawid sa naroon.
01:08Sa kuha ng uploader, tila nilamon ng kulay putik na agos ng tubig ang footbridge sa barangay Tawcanga.
01:15Wala nang nagawa ang mga residente kundi pagmasdan ang pagtangay sa tulay.
01:19Kaya ang mga residente humahanap muna ng ibang madaraanan para makapunta sa kabilang bahagi ng bayan.
01:26Tumaas ang tubig sa ilog dahil sa pagbaha sa lugar.
01:30Nakaranas din ang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Davao City.
01:34Sa barangay Mintal, tumirik ang ilang sasakyan.
01:37Pinasok naman ng tubig ang ilang bahay at gusali kabilang ang isang halfway house na para sa mga pasyente sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
01:47Sa Bakong Negro Oriental naman, sinira ng baha ang tubo ng tubig sa barangay Liptong sa bayan ng Bakong.
01:54Problemado tuloy ang mga residente dahil apiktado ng pagkasira ng tubo ang supply ng kanilang inuming tubig.
02:00Sa barangay Santa Cruz, Viejo, sa Tanhai City, na-stranded ang ilang motorista sa spillway matapos umapaw ang tubig mula sa Nagsala River dahil sa pagulan.
02:12Walang naiulat na pinsala dahil sa baha.
02:15Ayon sa pag-asa, low pressure area ang sanhinang paulan sa Negros Island.
02:19Pinaghahanap ang isang lalaking nagpakilala umanong NBI agent para mambiktima sa investment scam sa Iligan City.
02:30Base sa reklamo ng Amerikanong complainant, hinikayat siyang mag-invest sa isang agricultural product ng sospek.
02:37Pero scam daw pala ito.
02:39Nakipagkita pa raw siya ng isang beses sa sospek na may kasamang mga armadong lalaki.
02:44Kinumpirma naman ng ilang witness na nakikita nila ang lalaki na may suot na uniforme at badge ng NBI.
02:51Ayon sa NBI Iligan District Office, hindi nila lehitimong tauhan ang lalaki o ng anumang uniform service.
02:59Patuloy pa siyang tinutugis pati ang kanyang mga kasama.
03:03Mahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.
03:11Sinusubukan pa namin unan ng pahayag ang biktima.
03:15Dead on arrival sa ospital ang isang binatilyo matapos tamaan umano ng kidlat sa Tigbawan, Iloilo.
03:22Kwento ng isa sa mga kasama ng 14 anos na biktima, nagaani sila noon ng palay nang diglaraw bumuhos ang malakas na unan.
03:31Bagaman sumilong sila sa kubo, pito sa kanila ang tinamaan daw ng kidlat.
03:36Ayon sa pulisya, dalawa sa mga sugatan ang naiwan sa ospital.
03:40Payon ng pag-asa, maghanap ng masisilungan at iwasang lumabas kapag pungkita.
03:46Ninakaw ang kalis sa isang simbahan sa bugalyon dito sa Pangasinan.
03:55Kwento ng sacristan master ng St. Andrew the Apostle Parish Church.
03:59Nagtaka siya nang madiskubreng wala ang kalis mula sa kinalalagyan ito sa likod ng altar.
04:04Posibleng dumaan o banon sa gilid na pinto ng simbahan ang kumuha ng kalis dahil hindi raw iyon isinasara sa hapon.
04:12Persona na pagmamayari rin daw ng kanilang kura paroko ang kalis at nagkakahalaga ng humikit kumulang 40,000 piso.
04:20Nag-e-embestiga na ang Bugalyan Police kaugnay sa insidente.
04:23Nagtaka siya nang mong kura paroko ang kawa ng kumulang 40,000 piso.
Comments

Recommended