Skip to playerSkip to main content
-Motorcycle rider at kanyang angkas, sugatan matapos sumemplang sa Loakan Road


-Hinihinalang Long March 12 Rocket ng China, nakita sa airspace ng Palawan


-Pagkamatay ng 38-anyos na babaeng inatake umano sa puso, pinaiimbestigahan ng mga kaanak dahil sa pasa at sugat sa kanyang katawan


-M/L Sitti Nur, nabutas at tumaob dahil sa malalakas na alon; nasagip ang lahat ng nasa 50 sakay


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Huli kam sa Baguio City ang pagsemplang ng isang motorsiklo.
00:15Chris, kamusta yung mga sakay ng motorsiklo?
00:20Connie Sugatan ang rider at kanyang angkas.
00:23Binabagtas ng sasakyang may dashcam video ang kahabaan ng Lawakan Road itong Sabado ng gabi.
00:28Pagdating sa pakurbang bahagi, biglang nag-overtake ang isang motorsiklo.
00:33Nawala ng kontrol ang rider hanggang sa sumemplang sila ng kanyang angkas.
00:37Agad namang nakatayo ang dalawa at paika-ikang gumilid sa kalsada.
00:42Paalala ng pulisya, magdobli ingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga batas trapiko.
00:49Nahuli kam naman ang pagdaan ng hininalang Long March 12 rocket ng China sa airspace ng Palawan.
00:55Sa video na inilabas ng Western Naval Command, kita ang manay rocket na nag-iwan ng smoke trail sa langit.
01:03Humigit kumulang sampung minuto lang yan, matapos ilunsad ng China ang rocket nitong lunes ng hapon.
01:10Ayon sa Philippine Space Agency, malapit sa Puerto Princesa at sa Tubataharif ang natukoy na drop zone o kung saan babagsak ang rocket at debris nito.
01:19Abiso ng ahensya, ipagbigay alam sa otoridad kung may makitang debris at huwag itong hawakan o lapitan dahil posibleng may toxic substance ito.
01:29Ito ang GMA Regional TV News.
01:35Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:40Pinaiimistigahan ng mga kaanak na isang babae sa Lapu-Lapu, Cebu, ang kanyang pagkamatay.
01:45Cecil, bakit daw?
01:49Rafi, nakitaan kasi ang 38-anyos na babae ng mga pasa at sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:56Kwento ng kapatid ng babae.
01:58Tumawag ang live-in partner ng kapatid niya para sabihin na matay sa atake sa puso ang babae.
02:04Pero napag-alaman din daw nila sa mga kaibigan at kapitbahay na sinasaktan o mano ng live-in partner ang babae kapag hindi raw nakakapagbigay ng pera.
02:14Itinanggi naman ng live-in partner na pinatay niya ang babae.
02:18Itinuturing siyang person of interest ng pulisya habang hinihintay pa ang risulta ng autopsy.
02:25Tumaob ang isang bangka sa dagat na sakop ng Simunol Tawitawi.
02:31Sa video, makikitang nagtanik ang ilan sa limampung sakay nito na gustong makapunta sa likurang bahagi ng ML City North.
02:41Nagkabutas pala ang harapang bahagi nito dahil sa malalakas na hampas ng mga alon.
02:46Maya-maya tuluyang tumaob ang bangka.
02:49Ayon sa mga pasahero, hindi na sila nakapagsuot ng mga vest dahil sa bilis ng pangyayari.
02:55Dumating naman ang mga taga-coastguard, iba pang ahensya at lokal na pamalaan para sakluluhan sila.
03:02Nailigtas ang lahat ng sakay ng barko.
Comments

Recommended