00:00Pananagutin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian.
00:05Yan ang pangako ng Pangulo sa pagdiriwang ng Araw ng Mga Bayani ngayong araw.
00:10At nakatutok si Ivan Mayrina.
00:15Ang araw na ito, paggunita sa kabayanihan at mga nag-alay ng buhay para sa kalayaan.
00:21Pero sa National Heroes Day sa taong ito,
00:23hindi sa mananakop o banta sa siguridad na katuon
00:26ang mensahe ng Pangulo na magtalumpati sa libingan ng mga bayani.
00:30Pananagutin namin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian.
00:36Ilalabas natin ang buo at pawang katotohanan
00:40at titiyakin natin hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
00:46Ang pinatutungkulan ng Pangulo,
00:48ang iilanan niya na mas pinipili ang sariling interes sa halip na kapakanan ng bayan at ng kapwa Pilipino.
00:53Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan natin tutukan upang maalagaan.
01:00Ang ating kalayaan,
01:01kailangan din natin labanan ang banta ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan.
01:09Dahil hindi lamang salapi ang kanilang ninanaka,
01:13kundi pati ang kalusugan,
01:15pangarap at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na Pilipino.
01:19Personal na nagtungong Pangulo sa Bulacan at Benguet itong naarang linggo para personal na inspeksyonin
01:24ang ilang proyektong isinumbong sa kanya sa inilunsad na website sa mga palpak o di kaya ghost na flood control projects.
01:31Kasunod yan ang pagsiwalat niya sa kanyang zona na napupunta sa katiwalian
01:34ang bilyong pisong pondong hinilalaan sa mga flood control project
01:38sa may pangakong pananagutin ang lahat ng sangkot dito.
01:41Bilang Pilipino, may pananagutan tayo sa ating bansa na maging mas mapanuri sa mga mali
01:48na isiwalat ang panluloko at panindigan ang alam nating tama kahit hindi ito madali.
01:57Hanggang sa puntong ito, tanging mga proyekto at mga kontraktor ang pinangalanan ng Pangulo
02:01pero wala pang mga politiko.
02:03Para sa GM Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
02:11Outro
Comments