Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Kung hindi palpak, hindi tapos o nawawala umano ang aabot sa P4 bilyon halaga ng flood control projects sa Iloilo City, ayon sa kanilang mayor at dalawang kumpanyang nasa likod ng mga proyekto ang kabilang din sa mga 15 inilista ng pangulo na naka-korner ng pondo kontra-baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung hindi palpak, hindi tapos o nawawala umano ang aabot sa 4 na bilyong pisong halaga ng flood control project sa Iloilo City, ayon sa kanilang mayor.
00:11At dalawang kumpanyang nasa likod ng mga proyekto, ang kabilang din sa mga 15 inilista ng Pangulo na naka-corner ng pondo kontrabaha.
00:21Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Nang manalasa ang magkakasunod na bagyo at habagat sa Visayas nitong Hulyo, binaha ang Iloilo City kung saan may namatay, gayon din sa oton at iba pang bayan sa probinsya.
00:36Sinisi ni Iloilo City Mayor Raisa Treñas ang anya mga palpak na imprastruktura, hindi tapos na mga proyekto at ghost o nawawalang flood control projects.
00:45Aabot anya sa 4 na bilyong piso ang halaga nila sa loob lang ng dalawang taon.
00:50Yung iba hindi namin makita kasi sometimes sa projects naka-specify lang, naka-general lang, slope protection for Iloilo or walang specific address.
01:07So kaya hindi din kami makabigay ng specific kung ano ba details kung paano na or kamusta na yung project.
01:15Dalawa sa mga kumpanyang nasa likod na mga proyekto ay kabilang sa labing limang kumpanyang pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos na naka-corner ng 20% na mga pondo para sa kontrabaha sa buong bansa.
01:28Sila ang Timothy Construction Company at Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation na na-awardan din ng tigma higit 7 bilyong piso.
01:36Sabi ni Mayor Trenyas, sa Iloilo City, 600 million pesos na ang kabuoang project cost para sa apat na flood control project ng St. Timothy at Alpha and Omega.
01:47Pero walaan niya sa project description ng dalawang proyekto kung saan itatayo ang mga ito.
01:53Habang ang dalawa, walang ginagawang proyekto sa nakalistang lugar.
01:56Ang Iloilo City District Engineering Office ng DPWH, ang implementing agency ng mga naturang proyekto.
02:03Kinakalampag pa ng City Hall ng DPWH para makakuha ng ibang detalye.
02:07Kaya ghost talaga kasi inahanap natin, hindi natin mahanap.
02:13Nagtatago.
02:15Kaya, or maybe, with the help of DPWH, they can locate this and they can explain to us kung saan ba at makita na natin yung ghost.
02:27Baka buhay pala.
02:28Sa SEC General Information Sheet ng St. Timothy at ng Alpha and Omega, ang gusaling ito sa Pasig ang kanilang office address.
02:37Pero ang pangalan sa labas ng gusali ay St. Gerard Construction.
02:41Kahit ang St. Gerard, may questionable rin umanong proyekto sa Iloilo City, ayon kay Mayor Trenyas.
02:46The St. Gerard project, according sa barangay captain na andun, was to have an esplanade.
02:57Instead daw, mas mataas daw yung esplanade, mas bumaba. Parang not according to specs.
03:04Sinubukan uli namin kunin ang pahayag ng mga kumpanya, pero hindi pa rin sila nagbibigay ng pahayag.
03:09Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
03:16Sampai jumpa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended